Ang pag-inom ng mga mister ay normal lamang dahil paraan nila ito upang magpawala ng pagod mula sa trabaho at makipag-kwentuhan sa kanilang mga kaibigan. Ngunit may mga mister na hindi kayang kontrolin ang sarili sa pag-inom na siyang kinaiinisan ng kanilang mga misis.

Nag-viral sa Facebook ang larawan na ibinahgi ng page na ‘Takbong Pogi’ matapos makuhanan ang isang misis na tinali ang kanyang mister sa motor dahil sa sobrang kalasingan nito. Makikita sa mga larawan na wala ng malay ang mister na naka-dilaw dahil lasing na lasing umano ito, kaya naman walang nagawa ang misis nya kundi itali na lamang siya sa likod ng motor para maiuwi.

Credit: Facebook / Takbong Pogi

Nasobrahan masyado ang kanyang mister sa pagsasaya at hindi na na-control ang pag-inom. Hindi na nito kayang umuwi sa kanilang tahanan kaya sinundo na siya ng misis niya. Ngunit hindi inaasahan ng misis na daratnan niya pala itong wala ng malay sa sobrang kalasingan at hindi na kayang tumayo pa.

Dahil sa kawalan ng malay, hindi ito makaka-angkas sa motor at tiyak na mahuhulog lang. Kaya naman naisip ng misis niyang itali na lang ito para maiuwi ang kanyang mister. Makikita na tila ba may kahoy na higaan sa likod ng motor at doon niya itinali ng lubid ang kanyang mister.

Credit: Unsplash

Para sa mga misis na may pala-inom na mister, nakakainis at nakaka-abala tuwing inaabot na ng kalasingan ang asawa nila. Kailangan kasi nila itong asikasuhin at alagaan sa mga panahong lasing na lasing ang mga ito. Nakakahiya rin para sa kanila sa tuwing nakikita ng mga tao ang kalagayan ng kanilang mister.

Subalit makikita sa mga larawan na mukhang sanay na ang misis na ito sa kanyang mister. Maaaring ilang beses na itong nangyari kaya naman tila kalmado lang ang misis habang tinatali ang kanyang mister sa likod ng motor.

Credit: Facebook / Takbong Pogi

Patunay rin ito kung gaano niya kamahal ang kanyang mister dahil kahit gaano pa ito kalasing ay handa siyang sunduin ito palagi at asikasuhin. Imbes na iwan na lang ang kanyang asawa at hintayin na lang na bumalik ang malay para kusang umusi ay kabaligtaran ng misis na ito. Sinikap niyang isakay sa likod ng motor ang asawa at itali ng mabuti upang makauwi na sila.

Sa kasalukuyan, ang mga larawan na ito ay umani ng 16k reactions at kinaaliwan ng mga netizens. Marami ang natawa at naka-relate sa mga larawan kaya ito nag-viral. Umani rin ito ng ibat-ibang komento mula sa mga netizens.

Credit: Medium

“Mas okay na yan kesa mahulog sa maling tao dahil sa kalasingan.”

“It is love and concern for husband’s showing here.”

“Iinom tapos di naman pala kaya, isako mo na yan ate ang asawa mo haha.”

Credit: Keap

Talaga namang naghatid ng tuwa sa marami ang larawan ng misis na itinali ang mister sa motor sa sobrang kalasingan. Napaka-Pinoy daw ng sitwasyon na ito dahil madalas talaga na problema ng mga misis ang mga lasinggero nilang asawa. Malakas lang uminom pero hindi naman pala kayang umuwi.

Bukod sa nakakatawa ay pagpapakita rin ito ng pagmamahal ng bawat misis para sa kanilang mga mister. Kahit na lasinggero at sakit sila sa ulo minsan ay hindi pa rin nila ito sinusukuan at patuloy pa ring pinagpapasensyahan dahil mahal nila ito.


Leave a Reply

Discover more from newsthrilla

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading