Ang mga majorette ay mga babaeng sumasayaw na may hawak na baton habang nagmamartsa. Madalas may kasamang banda na tumutugtog ang mga majorette tuwing pista sa isang lugar. Palagi itong inaabangan ng mga tao dahil sa nakakabilib ang kanilang talento at performance na ipinapakita.
Ngunit ikinagulat ng lahat na isang babaeng buntis ang nagpakita ng kanyang majorette skills sa isang pista sa Tanay, Rizal. Pag nababanggit ang salitang ‘majorette’ ay mga seksi at magandang mga babae ang unang naiisip ng mga tao. Kaya naman magkahalong gulat at pagkaaliw ang naramdaman ng lahat ng isang buntis na malaki na ang tiyan ang sumayaw sa gitna ng kalsada at ipinakita ng talento sa paghawak ng baton.

Ang San Ildefonso Band ’78 ay nagmartsa sa kalsada ng Tanay, Rizal bilang pagdiriwang ng pista. Sila ay tumutugtog ng kanilang mga instrumento nang may isang buntis ang nagpahinto sa kanila nang bigla itong sumayaw. May hawak itong dalawang baton at ipinakita ang kanyang majorette skills.
Ayon kay Sharmaine Federizo na kumuha ng nag-viral na video, isa umano siyang miyembro ng banda. Nagulat umano sila ng bigla na lang lumitaw ang isang buntis at nagsimulang sumayaw.

“Member po ako ng banda. Nagulat din po kami kasi hindi ko inexpect na magso-solo po siya after namin sumayaw,” saad ni Sharmaine.
Ang nasabing buntis pala ay dating majorette noong dalaga pa ito at ngayon ay isa ng coach. Siya ang nagtuturo sa mga kabataan ng mga majorette skills katulad ng pagsayaw at paghawak ng baton.
“Siya po nagtuturo samin sa mga majorette. Napadaan po kami sa kanila at sumayaw po siya sa tapat nila.”

Habang nagmamartsa ang banda nila Sharmaine sa kalsada ay swerteng nadaanan nila ang bahay ng kanilang coach. Imbes na manuod lang ang buntis na babae sa pagdaan ng banda ay nagpakitang gilas ito ng kanyang majorette skills. Makikita sa video kung gaano ito kagaling at tila ba parang hindi buntis kung sumayaw at maghagis at magpaikot ng baton sa kanyang mga kamay.
“Bigla po siyang humawak ng baton at pumunta sa gitna para mag-exhibition sa harap namin. Sa sobrang tuwa kasi preggy po siya, napa-video na lang po ako at nagsisisigaw na ‘Ate yung bata!’ which is katuwaan lang yung sinabi namin.”

Sino ba naman ang mag-aakalang ang isa palang buntis ay may kakayahan pang ipakita ang kanyang majorette skills sa kabila ng malaking tiyan nito. Ngayon lamang ito nakita ng publiko kaya’t sobra ang kanilang pagkatuwa at pagkaaliw.
Nagkaroon pa ng biruan na baka mapaano ang kanyang pinagbubuntis dahil sa galing niyang sumayaw. Palakpakan at sigawan naman ang inihandog ng mga manunood pagkatapos sumayaw at mag-baton ng buntis na babae. Umani rin siya ng maraming papuri mula sa mga netizens. Sa kasalukuyan ay mayroon ng 15k views ang video na ibinahagi ni Sharmaine sa Facebook.

“Ang galing parang hindi buntis!”
“Lodi ko yan haha siguro pati ung baby niya sumasayaw rin sa loob ng tiyan niya.“
“Talo kayo sa buntis, ang galing mag-baton.“
“Nakakatuwa ang galing niya mag-majorette kahit malaki na tiyan niya.“
“Sigurado magmamana sa kanya yung baby niya sa pagsayaw, ang galing ng nanay e.“

Patunay ang buntis na ito na ang natural na talento ay hindi mawawala kahit may pamilya at buntis ka. Maaari mo paring magawa ang mga bagay na magaling ka kahit malaki na ang tiyan mo, isa pa mabuti rin ito sa kalusugan ng sanggol at ng ina dahil nagsisilbi itong ehersisyo para sa kanila.