Sa panahon ngayon marami na ang nahuhumaling sa online shopping, mas gusto na ng mga tao ang bumili online dahil mas madali ito. Ngunit ang pagbili online ay may kaakibat ring panganib at walang kasiguraduhan dahil sa mga online sellers na manloloko. Isa nga sa nabiktima ng panloloko ay ang gurong ito na walang nagawa kundi umiyak na lamang matapos malaman na naloko siya.

Nag-viral ang isang video sa Facebook matapos ibahagi ang video ng panloloko na naranasan ng isang guro. Ang guro ay mula sa Capalonga, Camarines Norte na naloko ng isang online seller dahil imbes na cellphone ay bato ang kanyang natanggap.

Credit: Facebook / Catherine Magtangob

Kinilala ang gurong naloko na si Teacher Catherine Magtangob. Siya ay isang Elementary teacher at nasira umano ang kanyang cellphone kaya naman umorder siya online. Bilang isang guro napaka-importante ng cellphone sa kanyang pagtuturo dahil ginagamit niya ito sa pagdalo sa mga webinar at pakikipagkomunikasyon.

Makikita sa video na masayang-masaya siya ng dumating ang kanyang inorder na cellphone na nagkakahalaga ng 15,000 pesos. Inorder niya ang cellphone sa isang sikat na shopping application na Lazada kaya naging tiwala siya na walang mangyayaring masama.

Sa simula ng video ay sobrang excited si Teacher Catherine na buksan ang parcel. Binasa niya pa ang detalye ng nakasulat sa resibo mula sa online seller na pinagbilhan niya. Bago niya pa buksan ang parcel ay sinabi niya pang sana walang maging problema dahil mahirap kung ibabalik niya pa ito ulit sa seller.

Credit: Facebook / Catherine Magtangob

“Sana walang problema, para ‘di na tayo magre-return,” saad niya.

Nabanggit sa video na ang brand ng cellphone na kanyang inorder sa online ay isang Tecno Camon 18 Premiere Android na smartphone. Dahil nga nagkakahalaga ito ng 15k ay kabado at excited si Teacher Catherine. Ang pera na kanyang pinambili rito ay nagmula sa kanyang pinag-ipunang sahod.

Habang binubuksan ang parcel ay napansin ni Teacher Catherine na tila hindi na naka-sealed ang box ng cellphone. Mabilis niya lang itong nabuksan at nagbiro pa nga na parang walang cellphone ang loob ng box.

Subalit ang pagbibiro ni Teacher Catherine ay nagkatotoo dahil ng tuluyan niyang mabuksan ang box ng cellphone ay wala nga itong laman kundi bato lamang. Hndi na napigilan ng guro na maging emosyonal at umiyak sa sobrang panlulumo.

Credit: Facebook / Catherine Magtangob

Ma’am Eden, bato! Bato ang laman nandoon na yung pera ko!”

“Ma’am Eden, yung pera ko!” umiiyak na saad ni Teacher Catherine.

Walang nagawa si Teacher Catherine kundi ang umiyak dahil sa panloloko na naranasan. Ang 15k na kanyang pinaghirapang ipunin mula sa kanyang trabaho ay nawala lang ng parang bula. Kahit sino ay manlulumo at iiyak rin kung ganito ang mangyari sa kanila.

Bakit naman bato ang laman! Kaya pala hindi siya naka-seal,” sagot naman ni Ma’am Eden.

“Dapat pala hindi natin pinaalis yun rider,” dagdag pa nito.

Credit: Facebook / Catherine Magtangob

Hanggang sa matapos ang video ay umiiyak lamang si Teacher Catherine. Kinaawaan naman siya ng maraming netizens at may mga nagbigay rin ng kanilang payo para sa guro.

Kapag pricey ang item dapat sa physical store na lang bumili para sure.”

“Kawawa naman si Ma’am, sayang ang 15k.”

“Maging aral dapat ito sa kanya, ‘wag na ‘wag bibili ng mamahalin sa online, lalo na pag gadgets dahil madaming manloloko ngayon.”

Huwag basta magtiwala sa online shopping kasi di naman natin nakikita ung mga products until dumating talaga.”

Credit: Facebook / Catherine Magtangob

Mabuti na lamang at kinunan ng video ni Teacher Catherine ang pagbubukas niya ng parcel. Naging ebidensya ito kaya naman naibalik rin sa kanya ang kanyang pera na 15k, ayon sa ulat ng Brigada News GenSan. Ayaw na rin umanong pangalanan ni Teacher Catherine ang online page na kanyang pinag-orderan. Naging aral umano ito kay Teacher Catherine na mas maging mabusisi at maingat sa pag-oorder online.

Hindi lang kay Teacher Catherine dapat maging aral ang kanyang naranasan kundi para sa lahat na mahilig umorder sa online shopping. Huwag basta magtiwala at palaging mag-ingat. At kung kaya naman, mas mabuting pumunta na lamang sa physical stores at doon bumili upag maiwasan na maloko.


Leave a Reply

Discover more from newsthrilla

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading