Marami ang nahuhumaling sa pagbili sa online dahil higit na mas mura ang mga paninda dito. Ngunit hindi rin maiiwasan na magkaroon ng pagdududa ang ilang mamimili, dahil madalas malayo sa litrato ang totoong produkto kapag dumating na sa kanila. Kaya naman ang isang mamimili sa online ay nanghingi ng aktwal na litrato sa seller at ikinagulat niya ang ginawa nito.

Credit: Facebook / Ali Express and Ebay Lovers

Si Andreea Patriche ay nakakita ng maganda at murang gown bilang prom dress sa online retail site na Ali Express. Nagustuhan niya ang gown ngunit nagkaroon siya ng pagdududa dito dahil marami na umano siyang karanasan na maganda lang sa litrato ngunit hindi sa aktwal. Kaya naman humiling siya sa seller na bigyan siya ng litrato ng aktwal na itsura ng mga gowns.

I found a shop that sold prom dresses and wedding dresses so I asked for real photos rather than stock photos and the seller sent me theses (photos) of him trying them on,” pagbabahagi ni Andreea sa Reddit.

Credit: Facebook / Ali Express and Ebay Lovers

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagulat si Andreea ng matanggap ang mga litrato dahil sinuot mismo ng seller ang gown para ipakita sa kanya ang aktwal na itsura ng mga gowns. Magkahalong gulat at pagkaaliw ang naramdaman ni Andreea dahil hindi niya inaasahan na lalaki pala ang seller at ito mismo ang nagsuot ng mga gowns.

Ang seller ay isang lalaking Chinese na hinangaan naman ni Andreea dahil sa dedikasyon nito na makabenta. Nakakamangha umano ang lakas ng loob nito at hindi nahiyang suotin mismo ang mga gowns para lang ipakita sa kanya na maganda at maayos ito.

Credit: Facebook / Ali Express and Ebay Lovers

Ito ang unang pagkakataon na nakaranas si Andreea sa tagal niyang pagbili online. Buong akala niya ay ang simpleng gown lamang ang kukuhanan nito ng litrato. Nakakatuwang naisip nitong suotin ang gowns kahit pa lalaki ito at nakakahiya kung iisipin sa paningin ng iba.

Hindi rin naiwasan ng mga netizens ang maaliw at mamangha sa seller. Nararapat lamang daw na bumili si Andreea ng kahit isa sa mga gowns lalo na at nag-effort itong isukat ang mga iyon para sa kanya. Makikita rin na maganda naman ang mga gowns nitong binebenta at nasa murang halaga pa.

Credit: Facebook / Ali Express and Ebay Lovers

“It’s a wow move, nag-effort si seller. Customer service 100%.”

“Maparaan siya, wala siyang pake sa sasabihin ng iba. Good job, don’t mind what other people has to say.”

“Respect the hustle!”

Credit: Facebook / Ali Express and Ebay Lovers

“Infairness ha, ang ganda ng physic niya bagay talaga na isukat niya ung gown. Ipinakita niya rin na hindi siya scam.”

“Sana naman bumili si ate kahit isa, sayang naman effort ni kuya kung hindi siya bibili.”

Ang cute ni Kuya, kudos sa effort and dedication.”

Credit: Facebook / Ali Express and Ebay Lovers

Sa hirap ng buhay ngayon lalo na at nagkaroon pa ng pandemya, mas dumoble and pagsisikap ng mga tao upang makaraos sa buhay. Gagawin ang lahat makabenta at kumita lang kahit pa nakakahiya at nakakatawa itong tingnan para sa iba, dahil ang importante ay hindi ka tumatapak ng ibang tao.

Naging pangunahing daan na ang online selling ngayong panahon ng pandemya kaya’t matindi ang kumpetisyon para lang makabenta. Makikita ang ibat-ibang pagsusumikap at dedikasyon, patunay lamang na walang ayaw sa taong may paraan at walang nakakahiya sa taong gustong kumita ng marangal.


Leave a Reply

Discover more from newsthrilla

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading