Si Isabelle Daza ay kilala bilang isang aktres, host, modelo, at anak ni 1969 Miss Universe at aktress rin na si Gloria Diaz. Bukod sa kanyang buhay showbiz, isa ring proud na asawa at ina si Isabelle sa kanyang pamilya. Siya ay ikinasal noong 2016 sa kanyang long time boyfriend na si Adrien Semblat, isang French businessman, at sila ay may dalawang anak na sina Balthie at Valentin.

Credit: Instagram / isabeladaza

Bilang isang ina, bukod sa pag-aalaga sa kanyang pamilya ay inamin ni Isabelle na siya rin ay isang avid online shopper. Mahilig umano siyang “mag-add to cart” dahil isa daw ito sa mga nakakapagpawala ng kanyang stress.

“Personally, I take a lot of pleasure in adding to cart and getting my order confirmation.”

Sa kabila ng kanyang madalas na pagbili online, alam naman ni Isabelle ang kanyang limitasyon at kung paano humawak ng kanyang sariling pera. Sinisigurado niya na tanging mga kailangan lamang ang kanyang bibilhin at hindi gagastos ng higit sa kailangan. Importante umano kay Isabelle ang pag-iipon lalo na at may pamilya na siya at iniisip ang kinabukasan ng kanyang anak.

Credit: Instagram / isabeladaza

Ito ang mga tip ni Isabelle bilang wais na mommy at asawa:

Spend on experiences.

Ayon kay Isabelle, imbes daw na bumili ng mga mamahaling bagay, mas maganda na gamitin ang pera sa magagandang karanasan, tulad na lamang ng pagbabakasyon. Mas napagtitibay umano ang relasyon ng pamilya kung naglalaan ng oras at panahon sa kanila.

Credit: Indy100

Don’t be too emotional.

Sa tuwing bibili daw online, mag-isip daw ng mabuti at huwag magpadala sa emosyon. Dahil sa emosyon ay hindi namamalayan na marami na palang na add to cart at masyado ng malaki ang babayaran kahit hindi naman talaga kailangan ang bagay. “We need to be more conscious and less emotional with our spending.

Prioritize what brings you joy.

Ang paggastos para sa sarili ay hindi masama, ngunit nagiging masama ito kung sobra na. Sa tuwig bibili online isipin ng mabuti kung makapagbibigay ba ito ng totoong kasiyahan o pansamantala lamang upang hindi masayang ang pera mo. “Prioritizing what brings us joy, and not instant gratification.”

Have a gratitude journal.

“I write down what I’m thankful for every single day because when you focus on what you already have, you’re reminded of what’s important and not what you’re missing out.” Malaking tulong umano ang pagsusulat ng mga bagay na iyong ipinagpapasalamat dahil naiisip mo ang mga bagay na mayroon ka kesa ang mga wala ka, kaya naman mas maiiwasan ang paggastos mo.

Credit: iStock

Savings first.

Unahin ang pag-iipon kaysa sa paggastos, sa tuwing susweldo umano ay unang gawin ang pagtatabi ng pera bago bumili. “Ten percent of your paycheck goes directly into a savings account.” Siguraduhin daw na ang savings account ay hindi gagalawin at itatabi lang ito para sa kinabukasan.

Have a long term goal.

Importante daw na magkaroon ng long term goal upang matulungan ang sarili na mag-ipon. Kung hindi umano magkakaroon ng long term goal tulad ng pagkakaroon ng bahay o pag-travel ay hindi ito mangyayari. Mananatili na lang pangarap ang lahat kung hindi ka kikilos.

Choose your bank wisely.

Ang pagkakaroon ng magandang paglalagyan ng pera ay importante rin sa pag-iipon. Hindi lahat ng bangko ay pareho kaya mabuting mag-siyasat muna bago pumili ng bangkong paglalagyan ng pera upang hindi magkaroon ng problema.

Credit: SCL Health

Prepare your own meal.

Ang paghahanda ng sariling pagkain ay malaki ang natitipid sa pera. Kung ikaw mismo ang maghahanda at magluluto ng pagkain ay mas makakamura ka at makakatipid, at isa pa sigurado kang malinis at masustansya ang kakainin mo at ng iyong pamilya dahil ikaw mismo ang naghanda nito.

Determine needs versus wants.

Nagsisimula daw ang lahat kung alam mo ang totoo mong kailangan at ang bagay na gusto mo lang. Lagi daw itong isaisip upang maiwasan ang paggastos sa mga bagay na hindi naman importante.


Leave a Reply

Discover more from newsthrilla

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading