So Marco Alcaraz ay isang aktor na ikinasal sa aktress at beauty queen na si Lara Quigaman. Sila ay dalawang beses na ikinasal, ang una ay noong January 01, 2011 sa Canada kung saan naka-base ang pamilya ni Lara at ang pangalawa ay noong July 08, 2012 na ginanap naman sa Tagaytay.

Ang pagmamahalan ng dalawa ay nagbunga ng tatlong lalaking anak na sina Noah, Tobin at Moses. Sa 11 years na pagsasama ay makikita pa rin ang magandang relasyon ng dalawa na tila ba ay laging bagong kasal. Sabi nga ni Marco sa isa niyang post sa Instagram ay, “Dapat laging bagong kasal ang pagtrato nyo sa asawa nyo para mas lalong tumamis ang pagsasama nyo.”

Credit: Instagram / marcoalcaraz

Naniniwala si Marco na isa sa dahilan kung bakit maganda ang relasyon nilang mag-asawa at hindi sila nagkakasawaan ay dahil pinapahalagahan niya palagi ang kanyang asawa. Hindi siya nagpapakampante sa kanilang matagal na pagsasama, lagi niya pa ring ipinaparamdam ang pagmamagal niya dito, naniniwala nga siya sa pamosong linya na “Happy wife, Happy life.”

Palaging makikita sa mga Instagram post ni Marco kung gaano niya kamahal ang kanyang asawa na si Lara. Halos lahat ng kanyang post ay tungkol dito at sinasamahan niya pa ng mga caption na tila tip sa lahat ng mister kung paano magkaroon ng masayang relasyon.

Credit: Instagram / marcoalcaraz

“Submit yourself to your wives and you will have a happy marriage,” payo ni Marco sa kapwa niya mister. Para sa kanya, ang mga misis ang nagdadala ng relasyon sa pamilya. Kung sila ay malungkot ay magiging malungkot rin ang paasasasama at pamilya, kaya importanteng laging pasayahin at iparamdam sa mga asawa ang pagmamahal at pagpapahalaga.

Bilang pagbati sa kanyang asawa sa kanilang 11th year wedding anniversary, nag-iwan ng sweet na mensahe si Marco sa kanyang Instagram post para kay Lara. “Bago matapos ang araw na ito I wanna greet my gorgeous wife happy anniversary. Maraming salamat for loving us unconditionally. You are the perfect wife and mother. I’m not perfect but lahat ng sweldo ko sayo. Mahal na mahal kita.”

Credit: Instagram / marcoalcaraz

Hindi nahiyang ipahayag ni Marco na ang lahat ng kanyang sweldo ay napupunta sa kanyang asawa. Ikinatuwa naman ito ng maraming netizens.

Noong January 3 naman ay ipinagdiwang ni Lara ang kanyang 39th birthday kaya hindi rin ito pinalagpas ni Marco. Nagbigay rin siya ng nakakakilig na mensahe sa kanyang asawa. Pinamagatan niya pa ito na “The Real Essence of a Woman.”

Credit: Instagram / marcoalcaraz

“A woman who is able to love and give herself up to other people and being a good wife, mother, sister, daughter and good friend to everyone,” paglalahad niya sa kung anong klaseng tao si Lara.

Sinundan naman ito ng pagbati, “Happy, Happy Birthday. I love you so much. You are a blessing to me, kuys Noah, Tobin and Moses.” Hindi nabibigo si Marco na laging iparamdam sa misis ang kanyang pagmamahal dito. May okasyon man o wala, palagi pa rin itong nagbibigay ng mga matatamis na mensahe at paalala kung gaano siya kaswerte kay Lara.

Credit: Instagram / marcoalcaraz

Bilang pasasalamat ni Lara, pahayag niya ay kinikilig pa rin siya hanggang ngayon sa kanyang asawa. “Thank you asawa ko for carrying me all theese years. Totoo, kinikilig pa rin ako sayo… mahal kita.”

Magandang halimbawa si Marco ng isang mabuting mister. Alam niya ang sakrispisyo ng kanyang misis kaya naman bilang kabayaran at pasasalamat niya dito ay hindi siya nakakalimot na iparamdam dito ang kanyang pagmamahal at ipakita sa mga tao kung gaano siya kaswerte sa kanyang asawa.


Leave a Reply

%d bloggers like this: