Ang pagmamahal ng isang magulang ay walang katulad dahil gagawin nila ang lahat matugunan lang ang pangangailangan ng anak. Hindi man perpekto ang isang magulang at may pagkukulang rin sila sa kanilang mga sarili, sinisikap pa rin nilang magbigay ng gabay sa anak, tulad na lamang ng amang ito.

Isang post ang nag-viral matapos ibahagi ng netizen na si John Casiño sa kanyang Facebook account ang nakakaantig na pangyayari na kanyang nasaksihan isang gabi. Nito lamang Pebrero 27, 2022, bandang alas-otso ng gabi ng makita niya ang isang ama na sinisikap tulungan ang anak nito sa assignment sa isang burger stand sa Cogon Market, Cagayan de Oro City.

Credit: Facebook / John Casiño

Habang naghihintay siya ng kanyang inorder na burger, hindi niya napigilan na makinig sa mag-ama. Napag-alaman niyang nagpapaturo ang anak sa ama nito sa isang Math assignment. Sinisikap naman ng ama na intindihin ang assignment ng bata upang maturuan, ngunit maski ang ama ay hindi alam kung paano sasagutan ang assignment ng kanyang anak.

“Nah, di naman ako kabalo ani, Nak. Di ko kasabot.” (Hala, hindi ko alam paano ito, Anak. Wala akong mainitindihan). Narinig ni John na pag-amin ng ama sa anak.

Hindi napigilan ni John na maantig sa mag-ama habang siya ay nakatingin at nakikinig sa mga ito. Maya-maya pa ay kinausap siya ng ama at lakas loob na naghingi ng tulong sa kanya na walang pagdadalawang isip niya namang tinugunan.

Credit: Facebook / John Casiño

“Brad, basin kabalo ka ani?” (Pare, baka naman alam mo kung paano ito?) Paghingi ng tulong ng ama kay John. Mababakas dito ang kagustuhan nitong matulungan ang anak sa assignment kaya’t hindi na ito nahiya na manghingi ng tulong sa ibang tao. Hindi naman nagdamot ng tulong si John at agad na lumapit at tiningnan ang assignment na pilit na sinagsagutan nila.

Ang assignment ay isang math problem tungkol sa “greater than, less than” na maayos namang ipinaliwanag ni John sa mag-ama kung paano iyon masasagutan ng tama. Nahirapan ang ama na ituro sa anak ang sagot dahil naguluhan umano ito sa ‘O’ at inakalang kasama ito sa pagpipiliang sagot, na kung saan ay katumbas lamang ito ng salitang ‘or’ sa ingles, [< > o =].

Nabanggit rin ng ama na hanggang Grade 3 lang umano ang natapos nito kaya’t hirap itong matulungan ang anak sa assignment, at kung tutuusin ay maituturing niyang kaklase ang kanyang anak na Grade 3 sa kasalukuyan. “Grade 3 raman gud ko taman, so mahulog nga classmate mi sa akong anak.” (Hanggang Grade 3 lang natapos ko, kaya kung tutuusin, magkaklase kami ng anak ko.)

Credit: Facebook / John Casiño

“Hapit naka ma apsan boss.” (Malapit ka ng malamangan boss.) Pabiro namang tugon ni John sa ama. Bukod sa pagtulong ni John na turuan ang mag-ama, hindi rin nito inalintana ang lalim ng gabi. Kahit pagod at nais niya ng umuwi ay hindi niya ipinagdamot ang kayang kaalaman sa kapwa.

Nakaramdam ng grabeng paghanga si John sa ama dahil nakita niya ang pagmamahl nito sa anak. Kahit mababa lamang ang pinag-aralan at hirap umintindi ay nagsumikap itong matulungan ang anak, at hindi nahiyang humingi ng tulong para lang sa kapakanan ng anak.

Hindi rin napigilan ng mga netizens ang maantig at humanga sa ama dahil sa pagsusumikap at pagmamahal nito para sa anak. Bukod sa ama, ay humanga rin sila sa kabutihan ng puso ni John at nagbigay ng mga papuri.

Credit: iStock

A good father will never fail you. He will do everything for his child even with his flaws and imperfections.”

“Father’s love is infinite. Kudos to you, Tatay.”

“Ganyan talaga magmahal ang mga Tatay, sometimes they won’t show it but deep inside they cared so much for their children.”

“Thank you Sir for the help that you accorded to the father and son. God will bless you with your kindness.”

“Salute to you Kuya, sana marami pang maging katulad mo.”

“God bless you abundantly for being a good Samaritan!”

Credit: Adobe Stock

Nag-boluntaryo naman si John na siya na ang tumapos ng ibang natirang math problems upang mas mapabilis ang kanilang pagtapos dahil gabi na. Malugod naman siyang pinasalamantan ng ama sa kanyang tulong at oras na ibingay. Gayunpaman, kahit tapos na sila at pauwi na siya ay nanatili pa rin ang mag-ama sa burger stand na tila ba ay pinag-aaralan ang sagot at paano ito nakuha, upang sa susunod ay ito na mismo ang magturo sa kanyang anak.

Before I went home, despite the assignment completed; they stayed. I assume the father was still going to have the answers reviewed. I took a photo before I left, because then I realized that not everyone’s got the privilege that some of us do. But despite some shortcomings, a fathers love will never fail you,” pahayag ni John.

Patunay lamang ito na hindi hadlang ang pagkukulang ng isang magulang upang matulungan ang anak. Basta’t may pagmamahal ay makakaya nitong magbigay ng angkop na gabay. Ang pagtulong sa kahit sa simpleng paraan ay malaking bagay na sa kapwa kaya’t hanggat kayang tumulong ay huwag magdamot.


Leave a Reply

Discover more from newsthrilla

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading