Ang mga aso ay isa sa pangunahing alagang hayop ng marami dahil sa taglay nilang kabaitan at katapatan sa kanilang mga amo. Itinuturing silang Man’s bestfriend dahil saan ka man magpunta ay lagi silang kasama at hindi ka nila iiwan sa hirap man o ginhawa.

Isang netizen ang nagbahagi ng mga larawan sa social media tungkol sa isang matandang lalaki na kasama ang kanyang dalawang alagang aso sa paghahanapbuhay. Ang mga larawan na ito ay agad umani ng maraming reaksyon at komento mula sa netizens.

Credit: Facebook / Argem Grace Anne Orcado

Ayon kay Argem Grace Anne Orcado, ang nasabing lolo ay may kapansanan sa paglalakad. Hindi daw ito nakakapaglakad ng maayos at paika-ika ngunit patuloy pa rin daw ito sa pag-iikot kasama ang kanyang dalawang aso.

Ang lolo ay nag-aayos umano ng mga sirang payong. Aiya ay nag-iikot sa mga lugar at nagbabahay-bahay upang mag-alok ng serbisyo ng pag-aayos ng mga sirang payong. Dahil hirap ito sa paglalakad at matanda na, tinutulungan siya ng kanyang dalawang aso sa pagdadala ng kanyang mga kagamitan sa pag-aayos.

Credit: Facebook / Argem Grace Anne Orcado

Ang mga kagamitan sa pag-aayos ng payong ay nakalagay sa tila karitelang may gulong na nakakabit sa likod ng mga aso. Hila-hila ng mga aso ang karitela habang sila ay naglalakad at nag-iikot-ikot sa mga lugar.

Naantig umano si Argem ng makita ang lolo at ang mga aso nito. Nakakatuwa na ang mga aso ay tinutulungan ang kanilang amo sa paghahanapbuhay. Kahit sila ay pagod na, hindi nila ito alintana para lang makatulong sa matandang amo.

Credit: Facebook / Argem Grace Anne Orcado

Nakakabilib rin umano si lolo dahil kahit matanda na at may kapansanan pa sa paglalakad ay determinado pa rin itong maghanapbuhay. Para sa isang matandang may kapansanan, hindi madali ang mag-ikot sa mga lugar para lang mag-alok ng serbisyo, isama mo pa na mainit ang panahon at may kinakaharap tayong pandemya. Tunay ngang nakakabilib si lolo at ang kanyang mga aso.

Credit: Facebook / Argem Grace Anne Orcado

Sa kasalukuyan ay mayroon ng mahigit 11k reactions, 5.8k comments at 25k shares ang post ni Argem tungkol sa matanda at kanyang mga aso. Hiling rin ng mga netizens na sana ay ma-KMJS umano si lolo at ang kanyang mga aso upang matulungan.

Talaga namang kahanga-hanga si lolo at ang kanyang mga aso. Imbes na nagpapahinga na lamang si lolo sa kanyang bahay dahil matanda na siya at may kapansanan sa halip ay paghahanapbuhay ang kanyang ginagawa. Habang ang kanyang mga aso naman ay imbes na naglalaro ay tinutulungan ang kanilang amo sa paghahanapbuhay.

Credit: Facebook / Argem Grace Anne Orcado

Ang relasyon ni lolo at ng kanyang mga so ay masasabing matibay at puno ng pagmamahal. Hindi lang sila basta alaga at amo, kundi sila ay maituturing ng pamilya kung titingnan. Patunay lamang ito na hindi matatawaran ang magandang relasyon ng isang tao at hayop, kakayanin nila ang lahat basta’t magkasama.


Leave a Reply

Discover more from newsthrilla

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading