Dahil sa pandemya, nalimitahan ang mga transportasyon kaya maraming kababayan ang nahirapan makapunta sa kanilang destinasyon. Limitado ang mga sasakyan na bumabyahe upang maiwasan ang pagkalat ng virus at pag-iingat na rin para sa lahat. Ngunit hindi pa rin maiwasan na nagdulot ito ng hirap para sa mga taong walang sariling sasakyan, kaya naman napilitang maglakad na lang.

Isang doktor ang nakakita ng isang lolo na naglalakad sa kahabaan ng NLEX o North Luzon Expressway. Ang nasabing lolo ay 65-anyos na umano at napilitang maglakad dahil walang mga sasakyan na bumabyahe. Nagmula pa raw ito sa Pampanga at papuntang Cubao sa kanyang kapatid.

Credit: Facebook / Sherwin Enriquez

Sa video na ibinahagi ng doktor na si Sherwin Enriquez mula sa Philippine General Hospital (PGH), siya ay papuntang Manila upang kunin ang donasyon para sa kanilang fund raising. Habang nagmamaneho, pumukaw ng kanyang pansin ang isang matanda na may hawak na mangga at naglalakad. Hinintuan niya ito at agad na tinanong kung saan papunta at bakit naglalakad lang.

Ayon sa matanda, dalawang araw na umano siyang naglalakad at masakit na ang kanyang mga paa at pagod na, ngunit hindi niya ito alintana dahil kailangan niyang pumunta sa kanyang kapatid. Ang kanyang kapatid ay nakatira sa Cubao at hihingi siya ng tulong dito dahil wala silang panggastos na dulot ng pandemya.

Ang mangga na hawak nito ay ang tanging pagkain niya upang mapunan ang gutom. Napulot niya umano ito sa daan at pinagtyagaan kainin kaysa naman magutom siya. Desidido itong makapunta sa kanyang kapatid sa Cubao dahil kailangang-kailangan nito ng tulong, kaya kahit pagod at gutom na ay patuloy pa rin ito sa paglalakad.

Credit: Facebook / Sherwin Enriquez

Nagmagandang loob naman ang doktor na si Sherwin at inalok niya ang lolo na sumakay sa kanyang sasakyan. Makikita sa video na halos maiyak ang lolo sa alok ni Sherwin. Lubos ang pasasalamat nito sa doktor dahil malaking tulong na pinasakay siya nito at isinabay sa byahe.

Dahil sa pagod ay agad na nakatulog ang lolo sa passenger seat ni Doktor Sherwin. “I decided to give him a ride and five minutes later, he was already sleeping.”

Pagdating naman sa NLEX Bocaue Toll Gate Office, napagdesisyunan niyang i-turn over na si lolo sa mga otoridad upang mas mabigyan ito ng nararapat na tulong. Hindi niya na daw ito magagawa pang maihatid sa Cubao dahil sa umiiral na quarantine guidelines. Ngunit bago sila maghiwalay ay pinabaunan niya ito ng pagkain at kaunting pera.

Credit: Facebook / Sherwin Enriquez

Madami namang humanga sa kabutihan ni Doktor Sherwin Enriquez. Ang kanyang post ay umani ng 2.7k reactions at mga komentong papuri galing sa mga netizens.

“I salute you Doc. God bless you always.”

“God bless your generous heart. Stay safe always Doc.”

“Napakabait mo talaga boss. Sana marami ka pang matulungan kahit sa mga simpleng bagay katulad niyan.”

Hats off to you Doc! You are a living good samaritan. May God keep you safe amidst the battle with covid19.”

“Proud ako sayo Doc, a compassionate heart goes a long way! Salute.”

Credit: Facebook / Sherwin Enriquez

Pahayag naman ni Doktor Sherwin, hindi kailangan maging magarbo ang pagtulong kahit na sa simpleng bagay ay makapagpapasaya ka na ng tao.

“We don’t need grand gestures to show love lalo na sa magulong mundo natin ngayon. Kaya ‘to!”

Isang magandang halimbawa si Doktor Sherwin bilang good samaritan. Kung kayang tumulong ay bakit hindi? Huwag magbulag-bulagan kung alam mong may nangangailangan at mayroon ka namang maibibigay, dahil wala namang mawawala sayo, sa halip ay bibiyayaan ka pa ng Panginoon dahil sa kabutihan mong ginawa.


Leave a Reply

%d bloggers like this: