Andi at Philmar, Ibinahagi ang Pagbubukas ng Kanilang Bagong Negosyo sa Siargao

Kilala ang sweet couple na si Andi Eigenmann at Philmar Alipayo dahil sa kanilang simple at masayang pamumuhay sa isla ng Siargao na ibinabahagi nila sa kanilang Youtube vlogs. Maraming netizens ang sumusuporta sa dalawa at sumusubaybay sa kanilang pamilya, at nito nga lang ay ibinahagi nila sa kanilang vlog na “Happy Islanders” ang nalalapit na pagbubukas ng kanilang bagong negosyo.

Credit: Instagram / andieigengirl

Mapapanuod sa pinakabagong vlog ng couple ang masaya nilang pagbabahagi ng nalalapit na pagbubukas ng kanilang surfing school at snack bar. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isang professional surfer ang partner ni Andi na si Philmar kaya naman ang negosyong surfing school ay swak na swak sa kanila.

Credit: YouTube / Happy Islanders

Abala ang mag-asawa sa kanilang bagong negosyo at sabik ng maibahagi ito sa mga lokal at turista. Sakto rin ngayong tag-init ang kanilang nalalapit na pagbubukas dahil siguradong dagsa ang mga turista at maraming susubok na mag-surfing. Bukod nga sa surfing school ay mayroon din silang snack bar kung saan ay mga pagkain at inumin rin para sa lahat.

Credit: YouTube / Happy Islanders

“We are spending the morning here while waiting for Papa who’s busy there working because he’s been dreaming putting up for a surf school and a surf shop and ngayon, nag-partner up na siya with Mang Carding Kanaway Surf School so they are to reopen Kanaway together this time, and preparing the shop in time for you guys! This summer!” saad ni Andi.

Credit: YouTube / Happy Islanders

Kilala ang Siargao bilang Surfing Capital of the Philippines dahil sa matataas na alon na swak sa mga surfers. Ang pagtatayo ng negosyong surfing school ay isang magandang desisyon dahil tama ang lokasyon at maraming turista sa lugar. Isa pa, hindi na rin sobrang strikto ang mga patakaran ngayon, kaya hind na mahirap para sa mga turista at mga gustong sumubok mag-surfing ang pagpunta sa Siargao.

Credit: YouTube / Happy Islanders

Ang negosyong ito nina Andi at Philmar ay isang magandang opurtunidad para sa kanilang pamilya at sa mga tao roon. Makakatulong ang kanilang negosyo na magbigay ng trabaho sa lokal at upang mas makilala pa ang ganda ng siargao at ang ipinagmamalaki nilang alon.

Credit: YouTube / Happy Islanders

Si Andi Eigenmann ay isang sikat na aktres at modelo na nagmula sa angkan ng mga artista. Marami ang humanga sa kanya dahil nagawa niyang talikuran ang kanyang makinang at marangyang buhay para mamuhay ng simple sa probinsya ng Siargao kasama ang kanyang pamilya.

Noong una ay duda at hindi pa sang-ayon ang publiko sa kanyang desisyon lalo na ang kanyang relasyon kay Philmar. Ngunit ipinakita ni Andi na mali ang iniisip ng publiko at maganda ang kanyang naging desisyon. Ngayon nga ay kinaiinggitan ang kanyang masaya at simpleng buhay sa Siargao, dahil makikita umano ang kasiyahan ni Andi kumpara noong nasa mundo pa siya ng showbiz.

Credit: Instagram / andieigengirl

“You are an inspiration to all of us especially in showbiz. I am so proud of you. Walang ka ere-ere sa buhay”

“Congratulations Andi and Philmar! Good luck to your family!”

“God bless po Miss Andi and Sir Philmar. Deserve nyo po kung anong meron kayo ngayon. You both have a golden heart that’s why God always bless you po.”

“This lady is someone to emulate! Good luck Andi!!! More blessings!”

“This couple and their family is truly an inspiration. Living a simple and happy life. Sana all.”

Credit: Instagram / andieigengirl

Maraming netizens ang nagpahatid ng kasiyahan at suporta kina Andi at Philmar at sa kanilang buong pamilya. Aabangan umano nila ang pagbubukas nito at dadayuhin ang Siargao para masuportahan ang bagong negosyo nila.


Discover more from newsthrilla

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading