Online Meet-Up ng Beteranang Aktres na si Gloria Romero at ng Kanyang Dating Guro, Umantig sa Netizens

Bihira na lamang ang umaabot sa edad na 100-anyos sa panahon ngayon kaya naman nakakamangha ang makatagpo ng ganitong tao. Isa na nga dyan ang lolang itinampok ng programang Tunay na Buhay ng GMA Public Affairs. Sa isang episode ay ipinakilala nila ang viral na ‘Lola Techie’ na si Virginia Benigno Malay na 100 taong gulang na.

Nakilala si Lola Virginia bilang ‘Lola Techie’ dahl sa kabila ng kanyang edad ay aktibo pa rin ito sa pakikilahok sa mga virtual reunion. Sa katunayan, pinarangalan at kinilala pa nga siya bilang pinakamatandang kalahok ng virtual meeting o reunion. Sa panahon ngayon, halos puro kabataan ang gumagamit ng virtual meeting at talaga namang nakakamangha si Lola Virginia dahil game na game ito online.

Credit: GMA Public Affairs / Tunay na Buhay

Bukod sa bansag na kauna-unahang pinakamatandang kalahok ng virtual meeting, siya rin pala ang kauna-unahang nakapagtapos sa UP-PGH sa kursong Nursing. Noong kanyang kabataan ay isa pa lang magiting na frontliner si Lola Virginia na nagtrabaho bilang isang nurse at isang guro.

Hindi na umano bago kay Lola Virginia ang mga reunion dahil masasabing isa siya sa pinaka-aktibo sa pagpunta rito. Ngunit dahil sa pandemya at dala na rin ng kayang edad ay natigil at nalimitahan ang pagdalo niya sa mga reunions. Masaya naman si Lola Virginia dahil naging malaking tulong ang teknolohiya upang maranasan niya pa rin ang reunions kahit nasa bahay na lamang siya.

Credit: GMA Public Affairs / Tunay na Buhay

Gamit ang cellphone o computer at virtual application na Zoom ay nakikita pa rin ni Lola Virginia ang kanyang dating mga kaklase, kasamahan at mga kaibigan. Bukod sa paglahok sa mga virtual reunion ay isa rin sa kanyang pinagkakabalahan ay ang panunuod ng telebisyon sa tanghali. Pagkatapos manuod ay ginugugol niya na ang natitirang oras sa pagdarasal at pagpapahinga.

Dahil mahilig manuod ng telebisyon ay nabanggit nga rin nya na ang paborito nyang aktres ay ang beteranang aktres na si Gloria Romero. Napag-alaman nga na personal niya pala itong kilala dahil naging estudyante niya ito noon sa Alaminos. Kaya naman sinorpresa ng programa at ng show host na si Pia Arcanghel si Lola Virginia kung saan ay naka-virtual meeting nya ang dating estudyante at paboritong aktres.

Credit: GMA Public Affairs / Tunay na Buhay

Gloria Romero: “It’s so nice to see my teacher, wow!”

Lola Virginia: “I’m so proud of you, what you have reached as an actress and as a model pa!”

Gloria Romero: “Wow! Thank you, thank you so much ho. Nakakaiyak naman na naalala nyo pa ako.”

Lola Virginia: “Oo naman, you’re so popular.”

Credit: GMA Public Affairs / Tunay na Buhay

Naging emosyonal ang kanilang muling pagkikita kahit virtual meeting lamang ito. Maski ang mga netizens ay hindi rin napigilan na maantig at maluha sa pagkikita ng dalawang matanda kahit maikli lamang ang kanilang pagtatagpo.

Credit: GMA Public Affairs / Tunay na Buhay

“Nakaka-touch naman ‘to, naalala ko tuloy lola ko.”

“Bihira na lang magkaroon ng reunion ang matatanda kaya thank you talaga sa technology.”

“Nice. God bless to the both of you. Sana bigyan pa kayo ng years of life ni Lord.”

“Wow parehong magaganda pa rin kahit may edad na. Ang ganda nung teacher lalo na siguro nung kabtaan niya.”

Credit: GMA Public Affairs / Tunay na Buhay

Talaga namang nakakatuwa ang pagtatagpo ng dalawang matanda. Sa panahon ngayon, mahirap na para sa mga may edad ang magkita kaya malaki ang pasasalamat ng marami sa tulong ng teknolohiya. Gamit ang makabagong teknolohiya, nagiging posible ang lahat at marami itong napapasayang puso tulad ng beteranang aktres na si Gloria Romero at ng kanyang guro na si Lola Virginia.


%d bloggers like this: