Mga bulaklak ang pangunahing dekorasyon sa bawat kasalan na idinadaos dahil sumisimbolo ito ng magandang simula at nagbibigay ganda sa lugar. Ngunit sino ang mag-aakala na ang mga gulay pang-kusina ay maaari palang bumida bilang dekorasyon sa isang kasalan?

Isang kasalan ang idinaos noong Enero 28, 2022 na kung saan ay nag-viral ang kanilang mga larawan dahil sa kakaiba nilang dekorasyon pangkasal. Ang ikinasal na sina Giovane at Sarah Jane Umali mula sa Escalante City, Negros Occidental ay napiling gawing dekorasyon ang mga sariwang gulay imbes na mga bulaklak.

Credit: Facebook / Hulagway

Bumida ang mga gulay na repolyo, pipino, carrots, kamatis, dahon ng sibuyas at iba pa sa kanilang kasal. Nagsilbi ang mga ito bilang dekorasyon sa reception area na nagbigay ng kulay at ganda sa kanilang espesyal na araw. Bukod pa dyan ay nagsilbi rin ang mga ito bilang kanilang giveaways sa mga bisita na inilagay sa isang eco-friendly na basket. May dekorasyong gulay din ang kanilang wedding cake at may handa ring gulay sa food catering.

Credit: Facebook / Hulagway

Labis ang pagkamangha at pagkaaliw ng kanilang mga kamag-anak at mga bisita sa naging tema ng kanilang kasal. Ito umano ang unang pagkakataon na makakita sila na ginawang dekorasyon at giveaways ang mga sariwang gulay. Ito ay kakaiba at walang katulad na naging dahilan kung bakit tumatak ito sa kanila at siguradong hindi malilimutang kasal na kanilang nadaluhan.

Credit: Facebook / Hulagway

Ang pagpili sa mga sariwa at masustansyang gulay bilang dekorasyon at giveaways ay matalino at praktikal na desisyon. Una sa lahat, mas mura ang presyo ng gulay kaysa sa mga bulaklak at personalized giveaways. Hindi katulad sa bulaklak na pagkatapos ng kasal at nalanta ay itatapon na lang, ang mga gulay ay pwede pang maiuwi at maluto. Pagdating naman sa giveaways siguradong magagamit ang gulay sa kusina, hindi tulad ng normal na giveaways na nalilimutan, nawawala at nasisira na lang sa katagalan.

Credit: Facebook / Hulagway

Nagmistulang sosyal na vegetable market ang venue ng kasal ni Giovane at Sarah na hindi lang kinagiliwan ng mga bisita kundi pati ng mga netizens. Bumilib sila sa napaka-unique na idea ng mag-asawa at nagpasalamat na rin dahil sa suportang ibingay nila sa mga local farmers sa kanilang lugar at pagiging eco-friendly ng kanilang tema.

“I love the idea! So unique and refreshing far from the typical wedding decorations.”

“Good job for being eco-friendly and supporting the local farmers.”

Credit: Facebook / Hulagway

“Congratulations to the both of you! Vegetable theme wedding is very inspirational.”

“Amazing decorations and giveaways, kudos to the both of you.”

“Super galing, ang cute at ang ganda di ko mapigilan mapangiti habang tinitingnan ung pictures.”

“Nakakatuwa naman, first time ko makakita ng ganitong klase ng kasal. Pag kinasal ako prutas naman sakin haha.”

Credit: Facebook / Hulagway

Lubos naman ang pasasalamat ng mag-asawang Giovane at Sarah sa mga taong nagustuhan ang tema ng kanilang kasal. Hindi nila akalain na magva-viral ang kanilang mga larawan dahil malayo sa tipikal na wedding decorations ang kasal nila na baka ay pagtawanan ng mga tao. Ngunit kabaligtaran ang nangyari at puro papuri ang kanilang natanggap dahil sa kakaibang ideya na kanilang ginawa.

Talaga namang nakakamangha at nakakaaliw ang wedding decorations at giveaways ng mag-asawa na nagbigay ngiti at inspirasyon sa maraming netizens. Patunay lamang ito na hindi kailangan na mahal ang wedding decorations at giveaways para masabing maganda ang isang kasal. Hindi mo rin kailangan gumaya sa nakasanayan ng paggamit ng bulaklak, minsan ang pagiging kakaiba ay mas maganda ang kinakalabasan.


Leave a Reply

Discover more from newsthrilla

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading