Pagkakahawig nina Rico Yan at ng Pamangkin Nito, Ikinagulat at Ikinamangha ng Publiko

Sino nga ba ang hindi makakalimot sa matinee idol na si Rico Yan o Ricardo Carlos Castro Yan sa totoong buhay? Masasabing buong bansa ay kilala ang aktor dahil sa taglay nitong kagwapuhan at galing sa pag-arte. Itinuring siyang isa sa pinakatanyag ng kanyang henerasyon kaya naman marami ang nadurog ang puso matapos nitong yumao sa edad na 27 pa lamang.

Credit: Instagram / thericoyan

Ipinanganak si Rico Yan noong Marso 14, 1975 at pumanaw dahil sa cardiac arrest dulot ng acute hemorrhagic pancreatitis. Kwento ng kanyang mga kaibigan, ilang araw matapos nitong magdiwang ng kaarawan ay tila may napapansin na sila sa pagbabago ng kilos ng aktor. Ipinaghanda pa umano sila ng pagkain nito isang araw bago ito matagpuan na walang buhay.

Sa kasawiang palad, Marso 29, 2002 natagpuan ng kanyang mga kaibigan na sina Dominic Ochoa at Dos Palmas ang aktor sa loob ng silid nito sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan na wala ng malay. Ayon sa kanila, narinig pa umano nilang tila may umuungol bandang ala-sais ng umaga ngunit hindi nila ito pinansin dahil akala nila ay nananaginip lamang ang aktor at wala silang ideya sa sakit nito.

Credit: Instagram / alfytueres2

Matapos sumabog ang balita ng biglaang pagpanaw ni Rico Yan, halos buong bansa ay nagluksa. Kasama na rito ang kanyang mga masugid na tagahanga at ang kanyang ka-love team at kasalukuyang kasintahan noon na si Claudine Barretto. Naging malaking kawalan sa industriya ng showbiz si Rico Yan na ikinalungkot at pinanghinayangan ng publiko.

Makalipas ang isang dekada, biglang nagbalik tanaw ang mga netizens matapos kumalat ang mga larawan ng isang binata sa social media. Ikinagulat kasi ng publiko ang larawan nito na kamukhang-kamukha ng aktor at kuhang-kuha umano nito ang matamis na ngiti at charm ni Rico Yan.

Credit: Instagram / alfytueres2

Napag-alaman na pamangkin pala ito ni Rico Yan sa kanyang Ate Geraldine. Ang nasabing binata ay si Alfonso Yan-Tueres o mas kilala sa palayaw na ‘Alfy’ sa kanyang pamilya na 14-taong gulang. Ang kanyang mga larawan ay pinagkaguluhan ng publiko dahil hindi maitatanggi na kamukhang-kamukha niya ang kanyang tiyuhin.

Credit: Instagram / alfytueres2

Dahil dito ay bigla rin napabalik-tanaw ang mga netizens at nagpahayag ng pagkamiss kay Rico Yan. Maraming netizens ang nagsasabi na sana ay pumasok sa showbiz si Alfonso at sigurado daw na maraming susuporta dito. Bukod sa gwapong mukha ay maaaring namana rin nito ag galing sa pag-arte ng kanyang tiyuhin kung susubukan at bibigyan ng pagkakataon.

“Ang gwapo, kamukhang-kamukha talaga ni Rico Yan.”

“Kinilabutan ako bigla, parang nabuhay si Rico Yan sa batang yan.”

Credit: Instagram / alfytueres2

“Ang galing naman, parang na-reincarnate si Rico Yan.”

“Napakagwapong bata, pwedeng pwede mag-artista.”

“Kuhang-kuha yung smile ni Rico, nakakamiss tuloy bigla.”

Credit: Instagram / alfytueres2

Kahit isang dekada na ang lumipas simula ng pumanaw ang sikat na aktor, masasabi talaga na minahal siya ng publiko. Maraming netizens at fans ng aktor ang napasaya sa mga larawan ng kanyang pamangkin dahil napawi daw nito ang pangungulila ng kanilang puso.


Discover more from newsthrilla

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading