Si Mark Angelo Santos Herras o mas nakilala bilang ‘Mark Herras’ ay isang aktor sa GMA Network. Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz industry noong siya ang tanghalin na Ultimate Survivor sa reality talent competition na StartStruck noong taong 2004. Pagkatapos manalo ay umani siya ng maraming proyekto na naging daan ng kanyang pagsikat sa showbiz.

Pagkatapos ng maraming taon, nakapagsimula na siya ng bagong yugto ng kanyang buhay bukod sa showbiz nang pakasalan ang kanyang girlfriend na si Nicole Donesa. Sila ay ikinasal noong September 8, 2021, sakto sa kaarawan ni Mama Mary.

Credit: Instagram / herrasmarkangeloofficial

Matagal na umanong balak magpakasal ng dalawa lalo na at may anak na sila, ngunit dahil sa nangyaring pandemya ay hindi ito agad nangyari. Nito nga lang September 8, 2021 ay tuluyan na nilang itinali ang isat-isa sa simpleng civil wedding. Hindi man ganun kagarbo ang nangyaring kasal kagaya ng orihinal na plano, ang importante sa dalawa ay sa wakas isa na silang opisyal na pamilya.

Masaya si Mark Herras sa bagong yugto ng kanyang buhay, hindi niya akalain na magkakaroon siya ng pagkakataon na magkaroon ng sarili niyang pamilya dahil sa kanyang abalang karera sa showbiz. Maswerte umano siya na nakatagpo ng babaeng katulad ni Nicole na laging nandyan sa kanyang tabi at sinusuportahan siya.

Credit: Instagram / herrasmarkangeloofficial

Bukod kay Nicole ay masaya rin si Mark na magkaroon ng baby boy na si ‘Corky’ na nagbibigay ligaya sa kanilang mag-asawa araw-araw. Bilang responsable at mapagmahal na asawa at ama, malaki ang kagustuhan ni Mark na mabigyan ng masaya at maayos na buhay ang kanyang pamilya, kaya naman walang pagdadalawang isip na ibinibigay niya ang kanyang buong sweldo mula sa showbiz sa kanyang asawa.

Ayon kay Mark, malaki umano ang ipinagbago ng kanyang buhay ng magkaroon siya ng sariling pamilya, isa na diyan ay tungkol sa usaping pera. Kung noong binata pa siya, sarili lamang niya ang iniisp at nasosolo niya ang kanyang pera. Ngayon mas responsable na siya sa paghawak ng kanyang pera at lagi ng iniisp ang pamilya.

Credit: Instagram / herrasmarkangeloofficial

“Ibibigay ko ba lahat ng kinita ko?” Ito daw an unang naisip ni Mark ng matanggap ang kanyang sahod sa GMA Network. Malugod niya namang ibinigay ang buong sahod sa kanyang asawa na si Nicole. Tiwala umano siya sa kanyang asawa sa paghahawak ng kanyang pera at alam niyang gagamitin nito ng maayos ang kanyang pinaghirapan sa trabaho.

“Wala akong binawas dyan, ha?” sabi niya pa sa kanyang asawa. Naghihingi lang umano siya dito kung may kailangan siyang bilhin kaya wala namang problema kay Mark.

Credit: Instagram / herrasmarkangeloofficial

Ang usapin patungkol sa pagbibigay ng asawang lalaki ng lahat ng kanyang sahod sa misis ay matagal ng pinagdidiskusyunan ng pamilyang Pilipino. Bilang padre de pamilya, ang mga mister ay natural lang na ibinibigay ang kanilang buong sahod sa kanilang misis na siya namang naghahawak at may kontrol sa paggastos nito para sa pamilya. Sa paglipas ng panahon, marami ang kumukwestyon sa nakagawiang ito, sinasabi ng ilan na ang mga mister ay dapat ding magtira ng kanilang sahod para sa kanilang sarili dahil pinaghirapan naman nila ito.

Subalit para kay Mark, ang pagbibigay ng kanyang buong sahod sa kanyang asawa ay hindi naman problema. Responsibilidad niya ito bilang asawa at ama, kaya siya nagtatrabaho ng mabuti ay para sa kanyang pamilya kaya ang sinasahod niya ay natural na mapupunta sa kanila at hindi lang para sa kanyang sarili. Hindi naman siya pinagdadamutan ng kanyang asawa dahil alam naman nitong may mga kailangan rin siya at gusto kaya nagbibigay ito kapag nanghihingi siya.

Credit: Instagram / herrasmarkangeloofficial

Ibinahagi rin ni Mark na kapag sila ay nagtatalo ng kanyang asawa, na natural namang nagyayari sa lahat, ay sinisinisikap nilang ayusin ito agad. Kung noon, sa tuwing nag-aaway sila ay umaalis daw siya at umuwi sa kanyang bahay ngunit iba na daw ngayon na mag-asawa na sila. Hindi daw nila pinapalipas ang gabi na magkaaway sila, at sinisigurong maayos na sila kinabukasan.

Pagdating naman sa kanyang anak na si Corky, masasabi niyang nagkaroon siya ng ‘instinct’ bilang ama. Kung dati ay takot na takot siyang humawak ng bata sa tuwing may kasamang bata sa eksena, ngayon ay naging natural at instict na sa kanya ang alagaan ito ng mbuti.

Credit: Instagram / herrasmarkangeloofficial

Saad niya, “Pero sa anak ko, instinct talaga kung paano ka maging tatay—kung paano mo siya bubuhatin, paano mo siya iingatan.” Ipinagmalaki pa ni Mark na marunong na siyang magpalit ng diaper, magpaligo, at magpakain sa anak. “Nagagawa ko lahat,” dagdag niya pa.

Masasabing malaki na talaga ang pinagbago ng aktor na si Mark Herras ngayon dahil siya ay nagkaroon ng pamilyang minamahal at inaalagaan. Mas naging maayos at responsable siya sa kanyang buhay dahil isa na siyang padre de pamilya. Makikita sa kanyang instagram account kung gaano siya kasaya sa buhay pamilya sa mga ibinabahagi niyang larawan nila ng kanyang asaw at anak.


Leave a Reply

Discover more from newsthrilla

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading