Natural sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng mabuting puso kung kaya’t madalas tayong tumulong sa mga nangangailangan. Kahit estranghero at unang beses pa lang nakita ay agad tayong maglalahad ng tulong ng walang hinihinging kapalit tulad na lamang ng isang concern netizen na ito.

Umantig sa maraming netizens ang isang post ni Miel Oli sa kanyang Facebook account matapos niyang ibahagi ang larawan ng isang lola. Ang lolang iyon ay hindi niya kilala at unang beses pa lang niya nakita noong araw na iyon, ngunit walang pag-aalinlangan niya itong niyayang kumain.

Ayon kay Miel, pauwi na umano siya galing sa trabaho nang mapansin niya ang matanda sa stoplight habang may tulak na wheelchair. Sinusubukan umano nitong tumawid ngunit hindi ito pinagbibigyan ng mga sasakyan na dumurog naman sa kanyang puso.

Credit: Facebook / Miel Oli

“Kanina habang pauwi galing work, nakita ko si Nanay sa stoplight, may tulak siyang wheelchair tapos iniintay niya kung pagbibigyan ba siya ng mga sasakyan na tumawid, kaso hindi,” saad ni Miel.

Kahit malayo na umano siya sa matanda ay hindi niya pa rin matanggal ang tingin dito. Lubos ang awa na kanyang naramdaman para dito at tila may humahatak umano sa kanyang sarili na puntahan ang matanda.

“Para akong nadudurog kada hakbang mo, yung awa at pag-aalala. ‘Di ko din alam kung bakit kahit ang layo mo na, ‘di ko maalis yung tingin ko sayo. ‘Di ko din alam ba’t parang may humahatak sakin papunta sa pupuntahan mo,” dagdag pa ni Miel.

Credit: Facebook / Miel Oli

Subalit imbes na ignorahin ang matanda at umuwi na lamang para makapagpahinga na si Miel ay hindi niya ginawa. “Basta sabi ko na lang sa rider ng joyride, ‘Kuya ikot mo, sundan natin si Nanay’, tas nakia kita, syempre pagbaba ko nilapitan kita agad.”

Pagkalapit niya sa matanda ay tinanong niya ito kung kumain na at napag-alaman niyang kumakalam na pala ang tiyan nito at hindi pa kumakain. Dinala niya ito sa pinakamalapit na fast food chain at nilibre.

“Nay, kumain ka na?”

“Hindi pa. Kumakalam na nga ‘tong tiyan ko.”

“Nay, kain tayo dyan sa bagong Mcdo oh.”

“Talaga? Thank you Lord makakain na ako.”

Credit: Strait Times

Lubos umano ang tuwa ng matanda sa kanyang alok. Makikita sa mga mata nito ang sobrang pasasalamat dahil sa wakas ay makakain na siya. Hindi rin nito napigilan na ipagmalaki sa mga nadaanan nilang construction workers ang panlilibre niya, habang lumuluha pa.

Umani naman ng maraming papuri ang post ni Miel na umantig rin sa puso ng mga netizens. Nagbigay sila ng pasasalamat para sa dalaga dahil sa kabutihan ng puso nito.

“Salamat po! May God bless you more!”

“Salamat sa’yo ikaw ang pinadala ni God bilang guardian angel ni Nanay for the day. God bless!”

“God bless sa good samaritan, sana dumami pa ang tulad mo.”

“Pagpalain ka po at kay Nanay ingat ka po lagi.”

Credit: AA

Labis rin ang tuwa sa puso ni Miel na makitang masaya ang matanda kahit sa simpleng bagay lang na kanyang ginawa. Isa umano sa magandang desisyon na kanyang nagawa ay ang sundin ang kanyang puso noong araw na iyon at hindi piniling ignorahin ang matanda. Napakasaya umanong tumulong ng walang inaasahang kapalit dahil simpleng ngiti at pasasalamat lang ay sobra na bilang kabayaran.

“Siksik, liglig at umaapaw ang biyaya ng taong nagbibigay at di madamot sa kapwa,” payong pabaon ng matanda para kay Miel.

Credit: Facebook / Miel Oli

Ang saya lang na makatulong. Kahit maliit na bagay lang para sa atin, malaking bagay na pala sa iba. Thank you Nay sa yakap at aral na pinbaon mo sa akin. ‘Di matutumbasan ng kahit ano yung saya ng puso ko ngayon na kahit papano napangiti kita.”

Patunay ang dalagang si Miel na hindi kabawasan ang magbigay ng atensyon at tulong sa ibang tao. Hindi masamang tumulong lalo na kung may kakayahan naman, kahit sa simpleng paraan ay malaking bagay na ito para sa taong tinulungan.


Leave a ReplyCancel reply

Discover more from newsthrilla

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Exit mobile version