Ang pagmamahal ng mga lolo at lola ay walang kapantay dahil sa kanilang ibinibigay na pag-aalaga at sakripisyo para sa kanilang pamilya. Masasabi ng bawat apo na ‘the best’ ang kanilang mga lolo at lola dahil natural sa mga matatanda na magbuhos ng pagmamahal.

Ngunit isang lola ang nag-viral sa isang post ng netizen matapos nitong ibahagi na sinasaktan umano siya ng kanyang apo. Gayunpaman, kahit nakakatanggap ito ng pang-aabuso ay patuloy pa rin ito sa paghahanapbuhay at tinutulungan pa rin ang kanyang apo.

Credit: Good Times

Sa kabila ng kanyang katandaan at pagkakaroon ng mahinang katawan ay hindi pa rin humihinto si Lola na maglako ng mga basahan o doormat. Importante umano kay Lola na kumita upang may maiuwi siya sa kanyang pamilya at makatulong, kaya naman kahit mainit at tirik na tirik ang araw ay patuloy pa rin ito sa paglalako.

Ayon sa netizen na si Mailin Buencosejo na nagbahagi ng post tungkol kay Lola, nakita niya umano ang matanda na masikap na naglalako ng basahan. Nilapitan niya umano ito ay nakipag-usap na rin siya dito. Habang nakikipagkwentuhan siya kay Lola ay dito na nga naibahagi sa kanya ang tungkol sa pang-aabuso na natatanggap nito mula sa kanyang apo.

Credit: Mailin Buencosejo

Nahabag ang puso ni Mailin at hindi akalain na may taong kayang manakit ng matanda, lalo na at sariling Lola pa. Nakita rin ni Mailin ang bali sa braso ni Lola at tahi sa likod nito na bunga umano ng pananakit ng kanyang sariling apo. Gayunpaman, kahit nakakatanggap ito ng pananakit ay hindi pa rin humihinto si Lola sa paghahanapbuhay at tinitiis lamang ang trato sa kanya ng apo.

Nadurog ang puso ni Mailin habang emosyonal na nagkukwento ang matanda sa kanya. Bilang tulong ay bumili si Mailin ng paninda nitong basahan upang maibsan na rin ang kalungkutan nito. Nanghingi rin siya ng pahintulot sa matanda na ibahagi ang kanyang kwento sa social media na pinayagan naman nito.

Credit: Mailin Buencosejo

Ayon naman sa mga netizens na nadurog din ang puso para sa matanda ay dapat umanong kasuhan at ipakulong ang apo ni Lola. Kawawa umano ito at dapat hindi sinasaktan lalo na at matanda na.

“Kawawa naman si Lola, anong klaseng apo yan at nanakit ng matanda.”

“Lola ingat po kayo palagi, wag nyo pong hayaan na saktan po kayo.”

“Walang utang na loob na apo, pagkatapos kang alagaan ng Lola mo, sasaktan mo lang.”

“Nakakaiyak naman ‘to, may Lola rin ako pero never namin siyang sinaktan.”

“Hala sana ok lang si Lola. god bless Lola sana po madami kang mabentang doormat.”

“Sa mga makakakita kay Lola, sana po bumili tayo sa kanya ng basahan para tulong sa kanya.”

Credit: Mailin Buencosejo

Nakakalungkot man ang sitwasyon ni Lola ay pinahanga niya pa rin ang netizens dahil sa katatagan ng kanyang loob at pagsisikap sa buhay sa kabila ng pananakit na natatanggap. Isa siyang patunay ng isang mabuting Lola sa pamilya, na kayang magtiis at magsakripisyo basta’t mapunan lamang ang pangangailan ng kanyang pamilya.


Leave a Reply

Discover more from newsthrilla

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading