Natural sa mga bata ang pagiging mabait at malambing nila sa tao kaya naman labis silang kinagigiliwan. Ang pagkakaroon nila ng mabuting puso ay hindi nagbibigay ng diskriminasyon sa kahit sino at kahit ano pa ang antas ng tao. Kaya naman isang bata ang kinagiliwan ng mga netizens matapos itong magbigay ng mga cookies sa mga basurero.

Isang video ang nag-viral sa social media na umani na ng halos 400k views matapos makita ang isang batang lalaki na nagbigay ng cookies sa mga basurero sa kanilang lugar. Siya ay ang batang si Kyler na tatlong taong gulang lamang at buong giliw na inabangan at inabutan ng cookies ang mga basurero, na ayon sa kanyang ina ay mga paborito niyang tao.

Credit: Facebook / Sassy

Makikita sa video na hinihintay at inaabangan ng batang si Kyler ang mga basurero habang bitbit niya ang homemade cookies. Sinasabihan siya ng kanyang ina na maghintay ngunit dahil sa sobrang excitement ng bata ay kusa na itong lumapit sa basurero. Masaya namang tinanggap ng unang basurero ang mga homemade cookies mula kay Kyler.

Matapos nito ay kumuha muli ang bata ng ilan pang balot ng homemade cookies at inabutan rin ang driver ng truck ng basura maski ang isa pang basurero na nasa likod. Tuwang-tuwa ang bata habang karga siya ng unang basurero at makikitang malapit siya sa mga ito.

Credit: Facebook / Sassy

Napag-alaman na kaarawan pala ng batang si Kyler at imbes na siya ang bigyan ng regalo ay ito pa mismo ang nakaisip na magbigay ng regalo sa mga basurerong itinuturing niya umanong pamilya. Nagdiwang si Kyler ng kanyang ikatlong kaarawan at imbes na sa mga batang kasing-edad niya siya makisalumuha sa araw na iyon ay napili niyang ilaan ang espesyal na araw sa mga basurero.

Naging malapit si Kyler sa mga basurero dahil sa palagi nilang pagkikita sa tuwing nangongolekta ng basura ang mga ito sa kanilang lugar. Lagi umanong inaabangan ng bata ang mga basurero at binabati ang mga ito. Dahil likas na malambing ang bata ay napalapit na siya sa mga basurero.

Credit: Facebook / Sassy

Ayon naman sa unang basurero, kung alam niya lang na kaarawan pala ng bata noong araw na iyon ay sana nakapaghanda siya ng regalo. Gayunpaman, nangako ito na susunod na pagbalik ay reregaluhan niya si Kyler ng laruang Paw Patrol na si ‘Rubble’. Ito umano ang paboritong palabas ni Kyler at si Rubble ang paborito nitong karakter ayon sa ina ng bata.

Buong galak at tuwa ng mga basurero sa natanggap nilang homemade cookies mula sa bata. Nakakatuwa na ang batang ito ay nakikisalamuha sa kanila ng walang panghuhusga o pandidiri. Madalas ay hindi sila pinapansin ng mga tao dahil sa kanilang trabaho ngunit ang batang ito at ang kanyang ina ay pinakitaan sila ng kabutihan.

Credit: Facebook / Sassy

“He’s so adorable. Children are truly only filled with genuine love and innocence. I just love it when these type of workers are valued and given the respect they deserve. Humanity can still be restored.

“The world is a better place when at a young age parents involved their kids with people of all shapes, sizes, colors and who do all types of works. It let us know that all of us are important and should be respected and loved.”

“Cutest little boy and very, very nice garbage guys. So nice and good to each other, the way the world should be!”

Credit: Facebook / Sassy

Nakakatuwang makakita ng mga batang katulad nito, patunay lamang na nagsisimula sa loob ng tahanan ang pagkakaroon ng mabuting asal ng mga bata. Natural silang mabait at sa tulong ng tamang pagpapalaki at paggabay, ay lalaki silang mabuti ano at sino pa man ang mga tao na kanilang makasalamuha.

Sa mata ng bata ang lahat ay pantay-pantay. Wala sa itsura o estado ng buhay ang makakapagsabi sa kanila kung sino ang dapat pakitunguhan dahil ang lahat ay nararapat lamang mabigyan ng respeto. Ang video na ito ay hindi lang nagbigay ng aliw kundi nagbigay rin ng inspirasyon sa maraming netizens.


Leave a Reply

Discover more from newsthrilla

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading