Si Christine Marie Luche Gonzales-Crisologo o mas kilala bilang si Beauty Gonzalez ay isang sikat at magaling na aktres. Siya ay sumikat sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus ng ABS-CBN kung saan ay nanalo siyang 4th finalist. Matapos nito ay nagsimula na siyang lumabas sa ibat-ibang teleserye at mga pelikula.

Mas naging matunog ang kanyang pangalan matapos niyang gampanan ang karakter ni Romina Mondragon sa sikat na noontime teleserye na Kadenang Ginto. Umani ito ng mataas na rating at tumagal lang naman ng dalawang taon sa telebisyon. Hinangaan ng marami ang magaling niyang pag-arte dito na naging daan sa kanyang mga sumunod na proyekto.

Credit: Instagram / beauty_gonzalez

Bukod sa kanyang magandang karera sa showbiz, isa rin sa maipagmamalaki ni Beauty ay ang kanyang buhay pag-ibig. Ikinasal siya noong 2017 sa businessman at art curator na si Norman Crisologo, kung saan ay mayroon silang 25-years na age gap. Malaki man ang kanilang agwat ay pinatunayan ni Beauty na totoo ang kanilang pagmamahalan.

Bago pa man siya ikasal ay umani na ng ilang batikos at pagdududa ang mga netizens sa kanyang relasyon kay Norman. Tingin ng iba ay pera lang umano ang kanyang habol dahil nga sa malaking agwat na mayroon sila. Ngunit hindi nagpaapekto si Beauty at ipinakita ang matatag nilang relasyon ng kanyang asawa.

Credit: Instagram / beauty_gonzalez

Sa kasalukuyan ay limang taon na silang kasal ng kanyang asawa at nananatiling matatag at masaya ang kanilang relasyon. Nabiyayaan rin sila ng anak na babae na pinangalanang Olivia Ines, na mas lalong nagpatatag ng kanilang samahan.

Umani man ng batikos at pagdududa ang kanilang relasyon ay hindi ito naging hadlang upang magmahalan sila ng kanyang asawa at bumuo ng pamilya. Ayon sa kanya, ang kanilang age gap ay maituturing na blessing dahil marami siyang natutunan sa kanyang asawa, at ito ang dahilan ng magagandang pagbabago sa kanyang sarili.

Credit: Instagram / beauty_gonzales

“My whole life changed when I met Norman. Maraming nangyari sa career ko. He’s my mentor. He’s my everything. That was one of the biggest changes, na up-lift yung career ko when I met him. I’m happy he came at the time, he guides me very well kasi we really help each other,” pahayag ni Beauty sa isang panayam.

Marami namang netizens ang sumang-ayon kay Beauty na hindi hadlang ang malaking agwat ng edad pagdating sa pag-ibig. Ang ilan pa nga ay nagbahagi ng kanilang sariling karanasan.

Credit: Instagram / beauty_gonzalez

“Age really doesn’t matter as long as there is trust, love and respect. My partner is 41 years old and I am 23. 18 years age gap. With God between us, blessed with 2 kids.”

“Ang mahalaga sa lahat ay wala kayong inaapakan na tao sa relasyon niyo. Hindi naman edad ang mahalaga as long as the love you feel towards each other is pure then it’s fine.”

Credit: Instagram / beauty_gonzalez

“My husband is 5 years older than me, pero mas okay sakin kasi matured na siya mag isip at siya nagtuturo sakin sa mga bagay-bagay.”

Marami rin ang nagtanggol kay Beauty na mga netizens at hindi daw totoo na pera ang habol niya dahil maganda umano ang buhay nito noon pa man.

“Ag doesn’t matter when you love each other, my partner is going 44 and me is 34. 10 years age gap but we don’t really care coz we love each other.”

Credit: Instagram / beauty_gonzalez

“In love talaga yan si Beauty, sa totoo lang rich girl yan sa Dumaguete kaya di niya kailangan ng pera ng lalaki dahil meron na siya non.”

“Mayaman yang pamilya ni Beauty, may farm sila ng tubo at niyog dito sa Negros, kaya bakit naman siya magpapakasal para lang sa pera.”

“Hindi lahat ng babae porke mas matanda ang karelasyon ay mukha ng pera, napaka-judgmental nyo. Eh mayaman naman yan tsaka kumikita rin yan sa showbiz e.”

Credit: Instagram / beauty_gonzales

Si Beauty ay ipinanganak sa probinsya ng Negros Oriental kung saan ang kanyang ama ay mayroong pagmamay-aring taniman ng tubo at mga niyog. Ang kanyang ina naman ay nagmula sa angkan ng mga politiko, at lumipat sila ng Cebu at doon siya tuluyang lumaki bago noon sumali sa PBB. Masasabing may magandang buhay si Beauty kaya patunay lamang ito na hindi totoo ang mga paratang sa kanya na pera lang ang habol niya.

Patunay rin si Beauty bilang isang babaeng palaban at hindi basta nagpapaapekto sa panghuhusga ng ibang tao. Alam niyang wala siyang dapat patunayan at walang ginagawang mali. Nagmahal siya at masaya siya sa kanyang buhay kaya wala siyang pakialam sa iniisp ng iba.


Leave a Reply

Discover more from newsthrilla

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading