Ang 21 years old na anak ng isang OFW sa Bahrain na si Jerald Reondangga ay inireklamo ang kanyang ina na si Bernadette Montaniel sa programang Raffy Tulfo in Action. Ang dahilan ay hindi umano ito nagbibigay ng sustento at pinapabayan silang magkakapatid.
Ayon kay Jerald hindi daw direktang nagpapadala ang kanyang ina sa kanila at ipinadadaan pa sa ibang tao. Hindi daw nila agad nakukuha ang pera at parang walang tiwala ang ina sa kanila. Gayunpaman, inamin naman nito na nakakarating naman sa kanila ang padala ng ina.

Saad naman ng kanyang ama na si Norman Reondangga, bilang Tatay ay masikap siyang nagtatrabaho para sa kanyang anak. Nakakarating pa umano ito sa Pangasinan para lang magtrabaho at sa kasalukuyan ay nasa Pandi, Bulacan naman siya bilang isang caretaker. Sumasahod daw siya ng 3,000 pesos weekly at walang palya na nagpapadala sa kanyang mga anak kahit wala ng matira sa kanya.

Masakit naman para sa kanilang ina na si Bernadette na inakusahan siya ng sarili niyang mga anak na hindi siya nagpapadala dahil hindi daw iyon totoo. “Hindi po totoo na sinasabi niya na hindi po ako nagpapadala dahil hawak ko lahat ng resibo simula 2017 hanggang ngayon, pwera pa yung sa gcash at ang pinapadala ng mga magulang ko pag nag-uutos ako sa magulang ko.”

Hindi naman daw siya doktor at simpleng kasambahay lamang sa Bahrain kaya’t minimum lamang ang kanyang sahod. Hindi kalakihan ang kanyang napapadala ngunit nagsisikap siya na maibigay ang pangangailangan ng kanyang mga anak. Isa pa, may binabayaran din umano siyang mga utang at buwan-buwan ding naghuhulog sa motor at tricycle na kinuha niya para sa kanyang mga anak.

Bukod pa diyan, nag-loan din umano siya ng pera para mabigyan ng tig-iisang cellphone ang lahat ng kanyang anak na nagkakahalaga ng tig-10,000 pesos ang bawat isa. Ayaw niya umanong mapag-iwanan ang kanyang mga anak kaya lahat sila ay binilhan niya ng mamahaling cellphone. At sa tuwing gusto ng mga anak na bumili ng bagong damit at umorder sa shopee ay nagpapadala din daw siya ng halagang 1,000 pesos.

Sa madaling salita, hindi siya kailanman nagkulang sa sustento para sa kanyang mga anak. Palagi siyang nagpapadala at sinisiguradong nabibigay ang kanilang mga gusto at pangangailangan kahit wala ng matira sa kanya. May ebidensya siyang mga resibo kaya masakit na nagsisinungaling ang kanyang anak at ipinahiya pa siya sa social media.

Inirereklamo pa ng anak na si Jerald na sa tuwing magbi-birthday sila ay napakahirap hingan ng kanyang ina. Pahayag naman ni Bernadette, hindi yun totoo dahil sa tuwing kaarawan ng kanyang mga anak ay nagbibigay siya ng 3,000 pesos. Ngunit hindi daw makuntento ang mga ito dahil gusto nila ng bonggang birthday kung saan dapat may videoke at magpapa-inom pa sa mga barkada.

“Ang sa akin Jerald, birthday okey kaya kong ibigay pero huwag niyo naman ako pwersahin dahil alam nyo kung anong hirap ko dito sa abroad. Jerald, hindi ko gusto ang ginawa mo, hinding-hindi ko yan makakalimutan na pinahiya mo ako sa media. Alam na alam ng mga kapatid mo na nagbibigay ako, araw-araw kayong nagcha-chat sa akin tapos isang araw lang na hindi ko nabigay ang gusto mo, pina-media mo na ako!”

Ayon kay Jerald, naiinggit daw umano siya sa mga ibang nanay na nagtatrabaho lang sa Maynila pero nakakapagpatayo na ng magandang bahay ngunit sila daw kahit nasa abroad na ang nanay ay hindi pa rin maayos ang bahay nila. Lumalabas na ikinukumpara niya ang nanay niya sa nanay ng iba. Hindi siya makuntento sa ibinibigay ng kanilang ina at gusto ng mas higit pa.
“Jerald, napakaliit lang ng sahod ko pasalamat nga kayo may bahay kayo, ako walang bahay. Uuwi ako ng Pilipinas wala akong bahay, nag-uupa parin ako ng bahay. At hindi lahat ng nag-abroad, napakaraming ipon. Marami akong ipon, resibo! Resibo halos lahat dahil monthly kada sahod ko ipinapadala ko hati-hati walang natitira sa akin.”

Simpleng hindi pagkakaintindihan lamang ito at sana ay hindi na pinalala pa. May pagkukulang man ang ina ngunit kahit kailan ay hindi niya tinakasan ang kanyang responsibilidad sa kanyang mga anak. Ang mabilhan sila ng lupa at mapatayuan ng sariling bahay ng tig-iisa ay imposible dahil maliit lamang ang sahod niya. Dapat daw sila mismo ay magsumikap rin at sila ang tutupad ng kagustuhan nila.
Sa huli, maki-usap ang abogadong-host na magkaayos na lamang si Jerald at ang inang si Bernadette. Tutulungan at gagabayan niya daw ang mga ito upang magkausap ng maayos at magkabati na.