Ang kasal ay isa sa pinaka-importanteng okasyon para sa dalawang taong nagmamahalan. Hindi biro ang pagpapakasal dahil pinaghahandaan ito ng mabuti at matagal. Inaabot pa nga ilang buwan o taon ang preparasyon sa kasal mula sa venue, susuotin ng bride at groom, pagkain, reception at marami pang iba, na siya namang pinagkakagastusan ng husto.

Bukod sa nakakapagod ang preparasyon, isa pang problema sa kasal ay ang gastusin dito, lalo na kung engrande ang nais na kasal. Upang mapanatili ang on-the-budget na kasal ay nagkakaroon lamang ng tamang bilang ng imbitado at dadalo upang hindi magka-problema pagdating sa pagkain. Ngunit paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon, imbes na pamilya at malalapit na kaibigan lang ang dumalo sa inyong kasal, ay buong barangay ang inyong nadatnan sa reception?

Isang kasal sa Malita, Davao City ang nag-trending sa social media kamakailan lamang sa hindi inaasahan ay dinumog ang kasal ng mag-asawa sa kanilang reception. Ang reception kasi ng kanilang kasal ay ang open court ng kanilang barangay, kaya naman hindi naiwasan na maraming tao ang nakinuod at tuluyan na ngang nakikain sa kanilang reception.
Kinaaliwan naman ng mga netizens ang reaksyon ng bride dahil halata umanong gulat na gulat ito sa pangyayari. Tila daw mahihimatay na ito at nag-iisip na kung paano aayusin ang sitwasyon.

“Yung bride parang di masaya haha”
“Hindi na maka-ngiti ng maayos yung bride haha, grabe naman kac yan buong barangay pumunta di naman invited”
“Hala nakaka-awa naman ang bride at groom, bakit ganyan yung nangyare? Sana kasi naglagay sila ng harang at bantay”
“Nakakahiya naman yan, basic manner na dapat satin yang mga pilipino. Pag hindi invited wag pumunta, worst nakikain pa!”

Dahil open-court ang kanilang reception, bukas ito sa publiko. Ang kanilang mga ka-barangay ay namangha sa kanilang engrandeng set-up at hindi napigilan na maki-usyoso. Bilang mabait ang bride at groom, hinayaan na lamang nila ang mga ito imbes na ma-stress pa sila sa kanilang espesyal na araw.
Hindi lang basta hinayaan ng bride at groom ang kanilang mga ka-barangay na nanuod, kundi pinakain rin nila ang mga ito kahit hindi ito kasama sa kanilang budget. Mabuti na lamang ay marami ang kanilang handa at naging sapat naman ito sa lahat.

“In fairness ha, ang bait ng bride at groom”
“The bride and groom both have a good heart, they welcome even the uninvited guests”
“Sana man lang nagpasalamat yung mga nakikain kahit di naman invited, kudos sa mag-asawa”
“Best wishes to this couple, napakabuti nyo, god bless you and your family”

Ayon sa mag-asawa, mas pinili nilang pabayaan na lamang ang mga ka-barangay dahil alam nilang namangha lamang ang mga ito sa kanilang kasal. Nagpapasalamat din sya dahil hindi naman nagkagulo sa kanilang reception, at masaya silang mag-asawa na nakapag-pakain sila ng buong barangay. Kakaibang karanasan umano ito para sa kanila, at masaya silang naibahagi ang kanilang espesyal na araw sa maraming tao.