Ibinahagi ng Dalaga ang Sikreto Kung Paano Siya Naging Topnotcher sa Architecture Licensure Exam

Si Justin Lei Ramos ay isang dalaga na nakapagtapos ng kursong Architecture sa Cebu Institute of Technology University. Si Lei ay nag Top 1 sa Architect Licensure Examination noong taong 2019 na may rating na 83.80. Hindi lubos akalain ng dalaga na siya ang mangunguna sa resulta ng exam dahil napakahirap daw ng exam at hindi siya kumpyansa sa kanyang mga sagot. Kaya naman laking gulat niya ng malaman na siya ang nanguna at inakala pa ngang baka fake news ito.

“I thought the result was fake news. The exam was very hard. Only 10-20 percent of what I reviewed actually came out of the exam,” saad ng dalaga.

Credit: Facebook / Lei Ramos

Pagkatapos daw ng exam ay nasip niya agad na baka bumagsak siya at sinabi agad sa kanyang mga magulang na sana ay matanggap pa rin siya kung sakaling siya ay babagsak sa Architect Licensure Examination. Kaya naman magkahalong gulat at saya ang naramdaman niya ng lumabas na nga ang resulta. Higit pa ito sa kanyang inaasahan at maski ang kanyang mga magulang ay hindi rin umasang siya ang mangunguna.

Ano nga ba ang naging sikreto ni Lei kung bakit siya nanguna at isa ng ganap na architect ngayon?

Credit: Facebook / Lei Ramos

Noong una talaga ay hindi Architecture ang kursong pinasukan ni Lei sa kolehiyo kundi MedTech. Normal lang na kumuha siya ng ganitong kurso dahil ang kanyang ina ay isang nurse at pangarap nito na magkaroon siya ng propesyon sa medisina at magkaroon sana ng doktor sa pamilya nila. Ngunit naramdaman ni Lei na hindi ito ang gusto niyang gawin kundi ang maging isang arkitekto imbes na doktor.

Credit: Facebook / Lei Ramos

“It was my mother’s dream for me since she was a nurse. No matter how hard I tried, the medical field really just wasn’t for me,” pagsisiwalat niya.

Inamin ni Lei na nagkamali sya sa unang kurso na kanyang pinili dahil malayo nga ito sa kanyang interes na pagdidisenyo. Isa daw ito sa pinaka-mahirap na panahon para sa kanya lalo na at natatakot siyang mabigo ang kanyang mga magulang.

Credit: Facebook / Lei Ramos

“I made a mistake of enrolling in a medical course which is really far from what I love. I admit, those days were the darkest days of my life. I can’t even tell my parents of the struggles I’ve been through each day. I wanted to change my major but I’m afraid to hear their reactions. I’m afraid they would see me as disappointment. It took me a lot of courage to tell my parents that I wanted something else,” kwento niya.

Credit: Facebook / Sean Ramos

Samantala ibinahagi naman ng kanyang kapatid na si Sean sa Facebook ang mga larawan kung paano siya nag-aral para sa exam at ang itsura ng kanyang kwarto na tinawag nga nilang “War Room”. Makikita na puno ng papel ang buong kwarto. Ito ay mga reviewers ni Lei na idinikit sa buong pader dahil isa pala siyang visual learner at malaking tulong sa kanyang pag-aaral pag nakikita niya lagi ang kanyang mga notes.

“Naisip ko pong idikit iyong mga review materials sa wall ng room kasi I’m a visual learner. And also, I’m better at remembering and memorizing things if lagi ko pong nakikita,” pahayag ni Lei.

Tulad ni Lei, dapat mabuhay tayo ayon sa pangarap at kagustuhan natin, hindi dahil sa ekspektasyon at pangarap ng iba. Ito ang susi sa masaya at matagumpay na buhay.


Leave a Reply

%d bloggers like this: