Regine, Ibinahagi ang Naramdamang ‘Guilt’ Matapos Maging ‘Third Party’ Noon Kina Ogie at Michelle

Si Regine Velasquez-Alcasid o binansagang ‘The Asia’s Songbird’ ay kilala dahil sa kanyang pag-arte at galing sa pag-awit. Ngunit sa kabila ng kanyang magandang career at masayang buhay pamilya ay patuloy pala siyang namumuhay na may guilt dahil sa nakaraan.

Matatandaang bago sila naikasal ng sikat na singer-composer na si Ogie Alcasid noong 2010 ay dumaan muna siya sa mga batikos. Siya ay binansagang ‘third party’ ng publiko sa relasyong Ogie at Michelle, na inamin niyang isa sa pinakamahirap na sitwasyon ng kanyang buhay.

Credit: Instagram / reginevalcasid

Si Michelle Van Eimeren ay kandidata ng Australia noong 1994 Miss Universe pageant na ginanap sa Pilipinas. Nagkaroon sila ng relasyon ni Ogie Alcasid at ikinasal noong 1996 at nabiyayaan ng dalawang anak na babae na sina Leila at Sarah. Ngunit agad ring natapos ang kanilang relasyon noong taong 2007.

Pag-amin ni Regine sa isang segment ng Magandang Buhay noong March 21, “Every now and then, I would remember what happened to us and I’d still be guilty. So, mahirap din to be in that situation na hindi mo naman sinasadya na magmahal ng tao. And I’m a decent person and I do not want to hurt anyone. That’s the last thing that I would want in my life, alam mo ‘yun, but it happens.”

Hindi umano ginusto ni Regine na makasakit ng tao at hindi niya sinadyang mahalin ang tulad ni Ogie. Mahirap ito sa kanya dahil alam niyang mali ito at disente siyang tao. Nagkataon na mabuti silang magkaibigan at nahulog sila sa isat-isa at nangyari na nga ang nangyari na nauwi sa kontrobersya at pambabatikos sa kanilang relasyon at sa kanya.

Credit: Instagram / reginevalcasid

“My husband and I started that way, pero ‘yun kasi, we were good friends. Hindi ko naman sinasadya. Kasi puwede rin namang mangyari rin talaga ‘yun, e, na, kagaya ng sinabi mo na, hindi mo naman pinipili yung mga mamahalin mo, e.”

“Hindi mo naman… parang, gusto ko bang sadyain ‘yun, gusto ko ba na merong masaktan, di ba? May mga matitinong tao na hindi naman ‘yun ang iniisip nila. It’s just that sometimes it happens.”

Kung babalikan umano ang nakaraan, hanggat maaari ay hindi niya gustong makasakit lalo na ang dalawang anak ni Ogie na si Leila at Sarah. Mahal niya ang kanyang asawa ngunit hindi niya pa rin umano maiwasang makaramdam ng guilt sa tuwing naiisip ang nagyari.

Credit: Instagram / leilalcasid

“But it happened. But I just have to say, it was so difficult… I love my husband, but if I could bring back the time, siguro mas gugustuhin ko na wala kaming nasaktan. Na walang dalawang bata na nag-suffer because we wanted to be together.”

“Kunyari meron kang nagustuhan na tao and may asawa pala, hindi mo alam, before you really make yourself involved with this person, isipin mo muna sa sarili mong kaya mo ding panindigan ‘yun,” paliwanag ng Asia’s Songbird.

“Kasi really very, very, very difficult to be in that [situation], kung matino kang tao, ha. Kung hindi ka matinong tao, e, di parang deadma ka na lang, di ba? Wala kang paki. Pero minsan, mahirap din maging totoong matinong tao.”

Credit: Instagram / reginevalcasid

Dumaan rin umano siya sa punto na sinisisi niya ang kanyang sarili sa hiwalayang Ogie at Michelle, ngunit palaging pinapaalala ng kanyang asawa na hindi siya ang may kasalanan at may problema na talaga sila ni Michelle noon pa sa kanilang relasyon, “For a while, I have to say, I had to live with that guilt. Like, I was living in that guilt and my husband would say, ‘It was not about you. It was about me and Michelle.’”

“But even then, I was there. I was part of it. I was the ‘third party.’ And for a time, na-forgive na ako ni Michelle, na-forgive na ako ng mga tao, except me. I wasn’t forgiving myself. And I’m still working on it.”

Matagal na umano siyang napatawad ni Michelle at ito nga ay masaya na rin sa bago nitong asawa na pinakasalan nito noong taong 2009. Maski ang dalawang anak ni Ogie na si Leila at Sarah ay malapit rin kay Regine at kasama pa nga nilang nakatira si Leila sa kanilang tahanan. Kahit maayos na ang lahat ay patuloy pa ring nasa healing process si Regine at sinubukang patawarin ang kanyang sarili sa nagawang mali.

Credit: Instagram / reginevalcasid

Dagdag niya, “I think na I’d already forgiven myself, ‘yung hindi na ako masyadong nagi-guilty. But once in a while, I would, like, remember, or kapag may nangyayari doon sa dalawang girls. But iniisip ko na lang, hindi na ‘yun ‘yung sitwasyon, e. Ako na ‘yung asawa niya, e.”

“I’m his family now. So, tina-try kong tanggalin ‘yung sarili ko doon. But again, it’s very difficult because the kind of person that I am, I remember things. I don’t like anyone, parang, very sensitive ako na ako na lang ‘yung magsasakit-sakitan, kesa masasaktan kita.”

Nabigay naman ng simpatya at pag-intindi si Regine sa mga katulad niyang nakaranas na maging isang third party, “I guess doon sa mga nagiging third party, of course we know what’s right and what’s wrong. But sometimes, when you are in that situation, pinipili mong huwag tingnan ‘yung mali. Pipiliin mo lang tingnan ‘yung nasa puso mo.”

Credit: Instagram / reginevalcasid

“And it’s very difficult to decide not to be in that situation anymore kasi doon ka masaya, e, sa feeling mo. But you need to give importance to yourself. You need to love yourself and you need to decide. Masaya nga ako temporarily, lalo na if the husband ay hindi nagdi-decide kung ano ba talaga. Kasi maraming ganun, e.”

“Pagkabinigyan mo ng ano, ‘Ako ba talaga o hindi?’ ‘Tapos mag-iisip. Kahit actually sa wife, mag-isip. Siguro it’s time for you to decide… Lagi mo dapat pipiliin ‘yung sarili mo.”

Kahit maayos na ang lahat sa kanila at nakalimutan na ng publiko ang nangyari, hindi pa rin ito makakalimutan ni Regine dahil alam niyang nakasakit sya ng tao. Ngunit hindi rin magandang mabuhay ka sa nakaraan kaya’t mabuting patawarin ang sarili at mamauhay na lang ng maayos at masaya para sa pamilya.


%d bloggers like this: