Ang Pakikibaka at Pagbangon ni China Roces Bilang Isang Single Mom

Hindi ko siya winish, kini-claim ko na siya. Sabi ko nung New Year, ngayong 2021 ay kay China Roces,” yan ang pinanghawakan ko during those crucial days ng buhay ko.

Nag-umpisa si China bilang isang model at aktres ngunit mas nakilala siya sa kanyang mga vlogs na makikita sa kanyang Youtube Channel kasama ang kanyang dating asawa.

Credit: Facebook / China Roces

Matatandaan na naging kontrobersyal sa social media ang buhay at pag-ibig ni China Roces dahil sa kanilang hiwalayan. Hindi naging maganda ang pagsasama ng dalawa at naging bukas na aklat ang buhay nila sa social media.

Credit: Facebook / China Roces

Nakuha ni China ang simpatya ng maraming netizens kaya lalong gumanda ang takbo ng kanyang career. Hindi na muling nagkabalikan ang mag-asawa ngunit naiwan naman kay China ang kanyang anak na si Timothy na nagsisilbing inspirasyon niya sa laban ng buhay.

Credit: Facebook / China Roces

“Kapag may nagsasara mas maraming nagbubukas.” Ito ang naging mantra ni China sa pagbubukas ng taon: “Hindi ko siya winish, kini-claim ko na siya. Sabi ko nung New Year, ngayong 2021 ay kay China Roces.”

Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ngayon ni China?

Si China ang main host sa sikat na Live Program ng Euro TV Live na pinamagatan na “Sikat Noon, Sikat Ngayon.” Dito ay kasama niya ang magaling na Talent Manager/Producer na Si Mr. Lito De Guzman at si Mr. Throy Catan na isa namang Entertainment Press/Event Manager. Mapapanood ito via Facebook live, every Saturday 4pm-5pm.

Credit: Euro TV Live

“Laging energetic ang program kaya laging mataas ang views nila,” ayon kay Mr. Danilo Mangahas ng Euro TV Live.

“China is gifted, she’s very flexible sa mga projects kay madali siyang natututo,” ayon naman sa kanyang co-host at nanay-nanayan na si Lito De Guzman.

Credit: Facebook / China Roces

Abala din si China sa kanyang pinakabagong negosyo, ang Jhanelles Hair Extension Salon na matatagpuan sa Paranaque City. Kakabukas lang ng Jhanelles nitong February 2021 at totoo namang tinatangkilik ito ng mga mga tao lalo na ng mga kapwa niya artista. Una pa dito ay mayroon na siyang existing business, ang Royal Siomai at China Roces Boutique.

Credit: Baks Majo Vlog Team

Let’s move on sa career breakthroughs ni China Roces this 2021. Indeed, maganda ang naging pasok ng taon para sa kanya. Maraming projects ang dumating kay China pagpasok ng 2021. Isa na ang pelikulang Silab under 3:16 Media Network at ito ay sa direksyon ni Direk Joel Lamangan. Kasalukuyan din siyang nagte-taping para sa isang TV Gameshow ng TV5. Tuloy din ang mga product endorsements niya lalo na ng mga beauty products tulad ng Aqua Skin Philippines.

Credit: Aqua Skin Philippines

Paano ba lumalaban ang isang China Roces bilang single mom?

“Hindi lahat ng babae na iniwan, nalosyang at ipinagpalit ay hindi na makakabangon. Mas dapat lalong maging matibay at malakas para sa mga anak at pamilya na nangangailan. Hindi pwedeng magpatalo sa kalungkutan lalo na merong umaasa sa atin. Babangon at babangon tayo para sa kanila. Patuloy ang Law of Attraction at Faith kay God.”

Credit: Facebook / China Roces

Maliban sa kanyang anak, pamilya at mga kaibigan, ay lubos ding sumusuporta at nagmamahal ang kanyang Chinatics Fans club #Team Palaban na binubuo ng 22.8k members. Kasama at patuloy silang nakasubaybay sa laban ng kanilang idolo. Hindi rin naman matatawaran ang pagmamahal ni China sa kanyang mga followers tulad nito:

Credit: Facebook / Marilou Lavinia

“Maraming salamat po Idol China Roces sa gift na binigay mo sa akin. God Bless you po, stay safe and strong. Love you po,” ayon kay Marilou Lavinia na isa sa kanyang masugid na supporter.

Si China Roces ay isang halimbawa ng bawat babaeng lumalaban at patuloy na nakikipagsaparalan sa buhay. Isang babae na puno ng pagmamahal sa mga taong nasa kanyang paligid—and it takes a brave heart to be a CHINA ROCES.


Leave a Reply

%d bloggers like this: