Isa sa sampung utos ng Diyos ay huwag magnakaw dahil hindi magandang ugali ang kumuha ng bagay na hindi sa iyo. Ang pagnanakaw ay isang krimen na maaari kang makulong ng dalawa hanggang pitong taon at may karampatang multa pa.
Nito lamang ay nag-viral ang isang video ng babaeng nagpupumiglas at pilit na tumatakas matapos siyang mahuli na nagsa-shoplift o nagnanakaw sa isang tindahan sa mall. Ang nasabing video ay mula sa isang mall sa Cebu kung saan nahuli ng security guard ang babae.

Napansin umano ng mga staff ng tindahan na nagpasok ng ilang bagay ang babae sa kanyang bag nang hindi dumadaan sa counter para magbayad. Dire-diretso lamang itong lumabas at umaktong parang walang ginawang masama. Kaya naman agad na tumawag ang staff ng security guard at pinaalam ang nangyari.
Agad namang umaksyon ang security guard at hinabol ang nasabing babae. Nahuli ang babae ngunit pilit itong nagpupumiglas at nagtangkang tumakbo. Nagtulungan ang security guard at isang staff ng tindahan na hawakan siya upang dalhin sa opisna ng mall at i-report sa mga pulis.

Sa una ay wala namang kahina-hinala sa babae dahil maayos ang kanyang pananamit at maporma pa nga. Akala ng mga staff ay normal na customer lamang siya na naghahanap ng mabibili sa loob ng tindahan kaya hindi nila akalain na magagawa nitong magnakaw.
Laking pasasalamat naman ng mga staff ng tindahan sa security guard sa pagtulong at paghuli sa babae. Maaari kasing sila ang malagot at pagbayarin sa mga kinuha nito na hindi naman patas para sa kanila dahil nagtatrabaho sila ng maayos.

Madaming netizens ang nakakita ng pangyayari at ang ilan ay kumuha ng video na siyang kumalat sa social media. Halo-halo naman ang naging reaksyon at komento ng mga netizens para sa babaeng magnanakaw. Ang ilan ay naisip na tama lang iyon sa kanya, ang iba naman ay naawa.
“Grabe naman yan, walang takot na magnakaw. Sa dami ng tao sa mall akala niya makakalusot siya.”
“Lakas ng loob ni Ate, siya pa may ganang tumakas, siya na nga nagnakaw.”
“Kung hindi yan nahuli, kawawa ang mga staff ng shop kasi baka sila ang pagbayarin sa kinuha ng babae.”
“Buti na lang nahuli siya agad ng mga security guards. Salute Sirs!”
“Nakakahiya naman, ako nahihiya sa ginawa ni Ate.”
“Kawawa naman, baka may sakit yan kaya nagawang magnakaw.”
“Sa hirap ng buhay ngayon, hindi na nakakapagtaka kapag may mga nagnanakaw, pero mali pa rin yun.”
“Baka klepto yan. Kahit anong huli nyo sa ganyang mga tao, ‘pag pinakwalan nyo uulitin pa rin nila yan kasi sakit na yan.”
“Kung klepto yan dapat yang ilagay sa mental para mapagamot. Kasi kung huhulihin siya tapos pakakawalan rin, uulit at uulit rin yan.”

Marami ang nagsasabi na maaaring may sakit ang babae na tinatawag na Kleptomania. Ang kleptomania ay isang mental disorder kung saan hindi mapigilan ng isang tao na kumuha ng mga bagay na hindi niya pagmamay-ari. Karaniwan daw sa mga kinukuha nilang bagay ay simple at mura lang naman, hindi nila ito kinukuha dahil nangangailangan sila, kundi dahil may sakit sila na di nila kontrolado ang kanilag isip.
Sa mga ganitong sitwasyon, mabuting ipakonsulta sa doktor ang babae o kung sino mang nakakaranas ng kleptomania. Sa tamang pagbibigay ng therapy at gamot maaaring maiwasan na gawin nilang muli ang pagnanakaw, at magkaroon sila ng pagkakataaon na magbagong buhay.

May ilan nmang nagsasabi na baka dahil sa kahirapan kaya nagawang magnakaw ng babae. Baka balak umano nitong ibenta ang kanyang mga ninakaw upang may ipambili ng pagkain. Ganun pa man, hindi dahilan ang kahirapan upang gumawa ng krimen, dahil marami pa namang ibang paraan upang makaraos sa buhay.
Naging paalala ang pangyayaring ito na kahit kailan ay hindi mabuti ang pagnanakaw. Ano man ang dahilan, nararapat pa rin silang mabigyan ng karampatang parusa upang maging aral sa kanya, at maging babala na rin para sa lahat.