Sa pagdiriwang nang ika-26th birthday ng ‘Teen Queen’ na si Kathryn Bernardo nitong nakaraang March 26, ginulat niya ang lahat sa kanyang pasabog na mga larawan. Ibinahagi lang naman niya sa unang pagkakataon ang kanyang sexy photoshoot sa Preview magazine bilang pagdiriwang sa kanyang kaarawan at pagpapakita ng kanyang pagmamahal sa sarili.
Bukod sa pagiging maganda at galing sa pag-arte, kilala rin si Kathryn sa kanyang pagiging konserbatibo. Nagustuhan ng lahat ang kanyang pagiging fashionista na hindi masyadong nagpapakita ng balat, kaya naman ikinagulat ng lahat ng ibinahagi niya sa kanyang instagram ang larawan niyang naka-white two piece na may kasamang mahabang caption.

“As I turn 26, I celebrate everything that made me who I am today. I celebrate my body, which I’ve learned to fully embrace in my journey to self-love. I celebrate the people who helped me grow—those who love me and continue to make life worth living, and those who don’t but continue to make me stronger and more resilient. I celebrate courage, being vulnerable, and the choice to stand up no matter what life throws at me. I celebrate joy, finding happiness in the simplest things, and laughing at the silliest jokes. I celebrate the challenges and struggles that ultimately shaped me to become a better person. And lastly, I celebrate my voice, being able to stand up for the things i believe in and speak up for myself unfiltered.”

Ito ang unang pagkakataon na magkaroon ng official sexy photoshoot si Kathryn kaya hindi naiwasan ng marami ang magulat at mamangha sa pagyayari. Sa mga nakalipas na taon tanging one-piece swimsuit at partnered shirt at short lamang ang mga larawan na ibinabahagi niya sa tuwing siya ay nasa beach. Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na ang kanyang long-time boyfriend na si Daniel Padilla ay konserbatibo rin pagdating sa mga isinusuot ng kanyang kasintahan.
“I celebrate who I was, who I am, and who I will be years from now. I’m still a looong way from becoming the person I want to be, but I want to thank you (yes, you!) for being with me every step of the way. Cheers to another chapter together! I hope we continue to make this world a better place to live in.”

Ayon kay Kathryn ang mga larawang ito ay patunay ng kanyang pagmamahal sa kanyang sariling katawan at bagong kabanata ng kanyang buhay. Hindi lang ito basta pagdiriwang ng kanyang kaarawan, kundi pagdiriwang rin ng kanyang katapangan at pagiging matatag sa lahat ng problemang dumaan sa kanyang buhay.
Sa kasalukuyan umani na ng mahigit 1.4 million hearts ang kanyang larawan sa Instagram. Habang ang iba pang larawan na mula sa Preview.ph ay inuulan din ng maraming magagandang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Dahil bago ito sa kanilang paningin hindi naiwasang mag-trending ang mga larawang ito ni Kathryn sa social media.

“Happy birthday Kath! Stay fab! Be happy always!” mensahe ng ABS-CBN president na si Ms. Charo Santos-Concio.
“Wala na tapos na ang laban, Happy birthday Queen” mensahe naman ng host na si Melai Cantiveros.
“Gorgeous!!!! super hot Kath!!! Happy Birthdayyyyyy!!!” mensahe ni Ruffa Gutierrez na gumanap na kanyang ina sa The House Arrest of Us.

Ipinagdiwang naman ni Kathryn ang kanyang kaarawan sa isang island resort sa El Nido, Palawan kasama ang kanyang kasintahan at malalapit na kaibigan na sina Ria Atayde, Alora Sasam, Joshua Garcia at kanyang hairstylist na si John Valle at iba pa. Hindi rin naman nagpahuli sa pagbati ang iba pa niyang malalapit na kaibigan at katrabaho sa showbiz na nagpakita rin ng pagkamangha at suporta sa kanyang first sexy photoshoot.

“Ah eh maluha-luha ako habang sinusulat ito dahil may birthday blues na ako sa birthday mo mismo. At may nagpa-shot na kasi sa akin. First time to celebrate our birthdays together. Di ko enexpect ganito kasaya. Paano na lang sa next? Hahanap-hanapin ko to. But like we told each other nung nagdinner tayo sa bgc, tatrabahuin natin ang friendship na ito. Life will never be perfect pero we will be each other’s safe zone. Same tayong hirap mag express ng feelings pero Sasabihin mo sa akin diba pag nasaktan kita? And vice versa? Happy birthday Mami! Thank you for being you. Thank you for letting me be ME. Gihigugma kita dzaiii” mensahe ni Alora sa kanyang instagram para sa bagong kaibigan na si Kathryn.
Ibinahagi naman ni John Valle ang video ng Birthday Salubong na naganap kung saan makikitang sinurpresa nila si Kathryn habang si Daniel ay may hawak na cake at kinakantahan ito. Nagkaroon din ng impromptu performance ang aktor para sa kanyang kasintahan na kinakiligan at kinainggitan naman ng marami.

Lubos naman ang pasasalamat ni Kathryn sa lahat ng bumati para sa kanyang kaarawan at sa mga fans na patuloy siyang sinusuportahan hanggang ngayon. Tunay na isang inspirasyon si Kathryn para sa marami dahil sa kanyang ipinakitang confidence at pagbibigay halimbawa ng pagmamahal sa sarili.
Inaabangan naman ng lahat ang bagong teleserye ni Kathryn at Daniel na nalalapit ng ipalabas ngayong 2022 na ‘2 Good 2 be True’ sa direksyon ni Direk Mae Cruz-Alviar. Kasama nila sa teleserye sina Kristel Fulgar, Bianca de Vera, Pamu Pamorada, Matt Evans, Gillian Vicencio, Yves Flores, Alyssa Muhlach at mga beteranong aktor na sina Ronaldo Valdez, Gelli de Belen, Smokey Manaloto, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Jenny Miller, Irma Adlawan, at Gloria Diaz.