70-Anyos na Senior Citizen, Nagsilang ng Kanyang Unang Anak, Itinuring na Himala

Ang pagbubuntis at pagsilang ng isang anak ay isang mahirap na yugto ng buhay ng isang ina. Ang pagdadala ng siyam na buwan sa sinapupunan hanggang sa pagsilang ay tila nakabaon na sa isang hukay ang paa. Kaya naman ikinagulat ng lahat nang malaman na isang senior citizen mula sa India ang nagsilang ng kanyang unang anak sa edad na 70-anyos.

Kinilala ang mga magulang ng sanggol na si Jinuven Rabari, 70-anyos, at ang kanyang mister na si Valjibhai Rabari, 75-anyos. Sila ay 45 taon ng mag-asawa at nakatira sa Western Gurujarat State, India. Sa tagal na nilang mag-asawa ay ngayon pa lamang sila nabiyayaan ng supling na maituturing na isang himala.

Credit: Facebook / GMA

Ito umano ang unang pagkakataon na nagdalang-tao at nagsilang ng isang supling si Jinuven. Matagal na umano nilang hinihiling ng kanyang mister na mabiyayaan ng isang anak at dahil kapwa matanda na ay muntik na silang sumuko. Ngunit sa tulong ng IVF o InVitro Fertilization ay matagumpay silang nagkaroon ng malusog na batang lalaki.

Dahil sa kanilang edad, nahirapan na umanong magdalang-tao pa si Jinuven subalit nang malaman nila ng kanyang mister ang tungkol sa InVitro Fertilization ay hindi na sila nag-atubili pang subukan ito sa pag-asang maging posible ang matagal na nilang hiling.

Ayon sa kanilang doktor na si Dr. Naresh Banushali, hindi siya pumayag noong una sa kagustuhan ng mag-asawa dahil delikado na umano ito para sa edad ni Jinuven dahil baka hindi na kayanin ng kanyang katawan ang magdalang-tao at magsilang. Ngunit matapos ang tatlong buwang counseling ay nakumbinsi rin si Dr. Banushali at ang kanyang mga kasama na subukan dahil na rin sa pagiging positibo at determinado ng mag-asaswa lalo na si Jinuven.

Credit: Facebook / GMA

“They first came to my clinic a year and a half ago. I was shocked when she said she wanted to have a baby. We kept telling her it is dangerous because of her age, and even counselled her for three months. She said she is 70,” saad ng doktor.

Bilang isang doktor, responsibilidad ni Dr. Banushali na maging ligtas ang kanyang pasyente kaya’t tutol talaga siya noong una sa kagustuhan ng mag-asawa. Hindi rin ito normal dahil kadalasan ng nais magbuntis ay mga edad na nasa 20s to 40s pa lang dahil alam ng lahat na kapag tumuntong na ang isang babae sa pagiging senior citizen ay imposible na itong mangyari.

“We were a bit wary but Jinuven kept us motivated. She is a very positive woman,” dagdag ng doktor.

Credit: Facebook / GMA

Nakita ni Dr. Banushali ang lubos na kagustuhan ni Jinuven at suportado rin ito ng kanyang mister kaya’t hindi lumaon ay pumayag na rin siya na isagawa ang In-Vitro Fertilization. Hindi naman sila nabigo nang sa wakas ay matagumpay na nagdalang-tao si Jinuven sa isang sanggol na lalaki.

Nang dumating ang araw ng panganganak ni Jinuven ay kinailangan niyang sumailalaim sa c-section dahil mataas ang kanyang dugo at delikado ito para sa kanya at sa kanyang sanggol. May mga iba ring doktor ang nakaantabay kung sakali man na magkaroon ng problema habang siya ay nanganganak.

“Her blood pressure was high and we had to deliver the child via c-section in the eighth month of the gestation. We had a team of doctors including a cardiologist, a physician on standby… anything could have gone wrong because of her age but she was fine and gave birth to a healthy baby,” paliwanag ni Doktor Bashunali.

Credit: Facebook / GMA

Masaya naman si Dr. Bashunali at ang iba pang doktor na kanyang kasama dahil naging matagumpay ang panganganak ni Jinuven at parehong ligtas ang mag-ina. Isa raw itong malaking karangalan para sa kanila na maisagawa ang In-Vitro Fertilization sa isang senior citizen na edad 70-anyos na.

Hindi rin mapagsidlan ng tuwa ang mag-asawang Rabari dahil sa wakas ay nabiyayaan na sila ng isang supling. Mas lubos naman ang kasiyahan ni Jinuven dahil nagbunga ang kanyang paghihirap at determinasyon bilang isang babae at asawa. Ngayon ay maituturing na siyang ganap na ina dahil sa wakas ay nagsilang na siya ng sanggol.

Maituturing talagang isang himala o milagro ang pangyayaring ito sa buhay ng mag-asawang Rabari. Sino nga naman ang mag-aakala na posibe pa palang magdalang-tao at magsilang ng isang supling ang isang senior citizen na 70-anyos na. Talagang kamangha-mangha ang pangyayaring ito. Masasabing wala talagang imposible kapag may kagustuhan at sa tulong na rin ng Maykapal.


Leave a Reply

%d bloggers like this: