Ang trabahong seaman ay maituturing rin na OFW dahil kailangan nilang umalis ng bansa at malayo sa kanilang pamilya upang may perang maipadala pantustos. Naglalayag sila sa karagatan at dumadaong sa ibat-ibang bansa na may kasamang pangungulila sa kanilang asawa’t mga anak.

Hindi maitatanggi na para sa marami, ang trabahong seaman ay magandang trabaho kung maituturing. Iniisip ng marami na sila ay mayaman at humihiga sa pera dahil malaki umano ang sinasahod nila. Nakakalungkot isipin na ang salitang seaman ay naiuugnay lamang sa pera at hindi sa sakripisyo nila para sa pamilya.

Credit: Facebook / Ticong-nicolas Jimma

Kaya naman isang post ang nag-viral sa social media matapos ibahagi ng isang misis ang paghihirap ng kanyang asawang seaman sa barko. Ibinahagi ni Ticong-nicolas Jimma ang mga larawan ng kanyang asawa na pagod na pagod, at may kasamang payo para sa mga netizens lalo na sa mga misis na tulad niya.

Ayon kay Jimma, sa mga misis o babaeng may asawa o kasintahang seaman, nararapat lamang na bigyan sila ng pagmamahal dahil hindi biro ang sakripisyo ng mga ito para lamang may perang maipadala sa pamilya. Tinitiis nila ang pagod at pangungulila sa kagustuhang masuportahan ang mahal sa buhay.

Credit: Facebook / Ticong-nicolas Jimma

“Love your husband/boyfriend/family as he loves you and your relationship. Saludo sa mga marino na walang sawang nagpapagod para sa pamilya nila para lang mabigyan sila ng magandang buhay.”

Makikita sa mga larawan ang asawa ni Jimma na pagod na pagod at nakatulog na nga habang nakaupo ito. Hindi na nito nagawang humiga pa sa kama sa sobrang pagod sa pagtatrabaho sa barko kaya’t nakatulog na habang na sa sahig. Isa lamang ito sa mga sakripisyo ng seaman para sa kanilang pamilya.

Credit: Job street

Bilang asawa ng seaman, lubos na nalulungkot si Jimma na malayo sa kanyang asawa. Gustuhin niya mang kasama lamang sa Pilipinas ang asawa ay hindi rin pwede dahil ito lamang ang inaasahan ng pamilya. Kaya naman bilang kabayaran nararapat lamang na maging mabuti siyang misis at bigyan ito ng pagmamahal, imbes na sinesermonan o inaaway lagi na umakyat ng barko.

“For a seaman’s wife like me, I think our partners deserve extra care and love when they are not on board, instead of nagging and telling them—You go now. Call the office because we need money,” payo ni Jimma.

Lagi daw isipin ang sakripisyo ng mga mister na seaman, huwag lamang isipin ang perang kaya nilang ipadala. Hindi biro ang pagtatrabaho bilang isang seaman dahil sa dala nitong panganib habang naglalayag sa karagatan. Isa pa, hidi naman sila nagbabakasyon na parang nasa cruise ship dahil mabigat din ang trabahong ginagawa nila sa loob ng barko.

Credit: The Pinoy OFW

Nakakalungkot daw isipin na maraming tao at mga kamag-anak ang nag-iisip na humihiga sa pera ang ang mga seaman katulad ng kanyang mister. Hindi daw naiisip ng mga ito ang paghihirap, pagtitiis at pangungulila sa pamilya ng bawat seaman dahil sa kaisipang mayaman ang mga seaman.

“For those relatives who always think that your relative seaman is sleeping with money, just look at this picture. Maybe it’s a wake up call to some families who are fighting over seaman’s money,” dagdag ni Jimma.

Marami namang netizens ang sumang-ayon kay Jimma at pumuri sa sakripisyo ng kanyang mister.

“Kawawa naman, hanga po ako sa inyo. Kayo po ay buhay na bayani, nagtatrabaho para sa pamilya.”

“Yan talaga ang totoong sitwasyon sa barko, pagod at lungkot pero kinakaya para sa pamilya.”

“Tama po kayo dyan ma’am, ‘pag seaman ang asawa puro pera lang nasa isip ng mga tao. Wala po silang pake sa hirap at pagod nila.”

“Agree! May mga mababait na Misis, pero hindi rin maiwasan na may mga asawa na laging sinesermonan ang seaman na Mister laging pinagmamadali na umakyat ng barko.”

“Nakakalungkot pero totoong mahirap ang sitwasyon ng mga marino. Hindi po sila nagbabaksyon sa dagat, sila po ay nagtatrabaho kaya tigilan na po sana yung pagsasabi na ok lang sila kasi madami namang pera. Madami ngang pera pero nagkakasakit naman sa pagod.”

Credit: Facebook / Ticong-nicolas Jimma

Isang magandang halimbawa si Jimma sa lahat ng misis na may asawang seaman, na maging isang mabuting asawa dahil ito na lamang ang magagawa nila sa lahat ng sakripisyo ng mister. Huwag lamang isipin ang perang ipapadala nila kundi isipin rin na ang perang ito ay nagmula sa kasipagan, pagtitiis at sakripisyo ng asawa. Higit pa sa pera ang kanilang kayang ibigay dahil ang mga seaman ay may matinding pagmamahal sa pamilya na kahit anumang pagod ay hindi alintana.


Leave a Reply

%d bloggers like this: