Ang Tunay Na Rason Kung Bakit Hindi Inaalis Ni Randy Santiago Ang Kanyang Sunglasses

Si Randy Gerard Legaspi Santiago o Randy Santiago sa mundo ng showbiz ay kilala bilang aktor, singer at komedyante. Isa siya sa mga kilalang personalidad na madalas mapanuod sa telebisyon.

Credit: Instagram / randysantiagoofficial

Bata pa lamang ay inaasahan nang papasok siya sa mundo ng showbiz dahil ito ang nakasanayan ng kaniyang pamilya. Siya ay anak ng film director na si Pablo Santiago at aktres na si Cielo Legaspi. Katulad niya ring pumasok sa pag-aartista ang kaniyang mga kapatid na sina Rowell Santiago at Raymart Santiago.

Credit: Instagram / randysantiagoofficial

Bukod sa pagiging aktor at komedyante, isa ring mahusay na singer si Randy Santiago. Mayroon siyang taglay na magandang boses, kung saan siya ay nakapagpasikat ng ilang kanta tulad ng “Babaero at Hindi Magbabago”. Siya rin ay nagtataglay ng malakas na karisma sa mga manunuod kung kaya naman hindi siya nawawala sa mundo ng showbiz at hindi nakakalimutan ng mga manunuod.

Maraming beses na siyang napanuod sa ibat ibang teleserye at pelikula, at hanggang ngayon ay patuloy pa ring nakikita ng publiko. Samantala, lagi siyang nakikitang nakasuot ng sunglasses o shades ng mga tao mapa-telebisyon man o pelikula, at kahit sa loob pa ng studio. Ang hindi niya pag-alis sa kaniyang sunglasses ay naging trademark na ni Randy upang makilala at hindi siya makalimutan ng publiko.

Credit: Instagram / randysantiagoofficial

Hindi kailan man inalis ni Randy Santiago ang kaniyang sunglasses kung kaya’t wala pang nakakakita ng kaniyang hitsura ng wala ito. Sa katagalan ay nasanay na ang publiko sa kaniyang sunglasses at iniisip na lamang na ito ay kasama sa kaniyang porma.

Ngunit hindi pa rin nawala ang mga tanong at kuryosidad ng marami sa tunay na dahilan kung bakit lagi siyang may suot na sunglasses, at ito nga ay kaniyang ibinunyag sa mga manunuod ng siya ay bumisita sa programang ‘Magandang Buhay’.

Credit: Instagram / randysantiagoofficial

Marami ang nag-aakalang siya ay nahulog sa motorsiklo kung kaya’t nasira ang kaniyang mata na naging dahilan ng pagsusuot niya ng sunglasses. Ngunit ang mas nakakalungkot at tunay na dahilan tungkol sa nangyari sa kaniyang mata ay nagkaroon ito ng cyst o bukol noong siya ay bata pa at kailangang maoperahan.

“Gusto n’yong malaman ang tunay na nangyari sa mata ko? Ito totoo kasi yung iba akala nila nahulog ako sa motorsiklo. Ang totoong nangyari sa mata ko, noong Grade 2 ako, nagkaroon ng cyst, yung bukol sa may taas ng mata ko so the very first operation, okay naman so kailangan ko umulit ng Grade 2.”

Credit: Instagram / randysantiagoofficial

Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumalik daw muli ang cyst sa kanyang mata, kung kaya’t kailangan na namang operahan at dito na nga nagkaroon ng problema na naging sanhi ng hindi na ito maibuka ng maayos.

Ganun pa man, sa kabila ng problema niya sa kanyang mata ay malaki ang pasasalamat ni Randy dahil hindi niya naranasang ma-bully noong bata pa siya. Mapalad daw siya na nagkaroon siya ng mababait na mga kaklase at maganda ang naging trato sa kaniya ng mga tao noong nag-aaral pa siya.

Credit: Instagram / randysantiagoofficial

Masuwerte rin si Randy dahil nakatagpo siya ng babaeng minamahal siya ng lubos at tinanggap ang buo niyang pagkatao. Lubos ang pasasalamat niya sa kaniyang asawa na si Marilou Coronel at ang kaniyang tatlong anak dito.

Sa kasalukuyan ay makikita ng mga manunuod si Randy Santiago bilang host ng Philippine Singing Reality Game Show na ‘Sing Galing!’ sa TV5 Network. Kasama niya rito ang ilan pang mahuhusay na singer at TV host na sina K Brosas at Donita Nose.

Credit: Instagram / randysantiagoofficial

Tunay na hindi naging hadlang ang kondisyon sa mata ni Randy Santiago upang siya ay magtagumpay sa buhay at patuloy na mapasaya ang publiko na nanunuod sa kanya.


Leave a Reply

%d bloggers like this: