2-Anyos Mula CamSur at 5-Anyos Mula Batangas, Pumanaw nang Aksidenteng Makalulon ng Rambutan

Ang Nephelium lappaceum o mas kilala bilang rambutan ay isang kilalang prutas sa mga tropikal na bansa tulad dito sa Pilipinas. Ito ay may mabalahibong balat na kulay pula o kahel na kailangan balataan bago makuha ang laman. Paborito ito ng marami dahil sa matamis nitong laman na masarap sipsipin o kagatin.

Credit: Parade


Ngunit ang paboritong prutas ng lahat ay nagbigay takot at pagkabahala sa marami dahil nito lamang ay may napabalitang nasawi. Ang nasabing buto ng rambutan ay aksidenteng nalunok ng isang bata na naging dahilan upang bawian ito ng buhay.


Isang dalawang taong gulang na bata ang nasawi mula sa Gallego, Camarines Sur matapos aksidenteng makalunok ng buto ng rambutan. Naisugod pa umano ang bata sa ospital ngunit hindi na ito naisalba pa dahil sa layo nito.

Credit: Facebook


Hindi umano alam ng ina ng bata kung saan nakuha ng kanyang anak ang prutas na rambutan. Maaaring may nagbigay sa kanyang anak o napulot nito sa kung saan dahil panahon ng rambutan ngayon.


Nagulat na lamang daw ang ina nang mapansin niyang hindi na makahinga ang kanyang anak. Agad umano silang nagkagulo dahil hindi nila alam ang dahilan kung anong nangyayari sa kanyang anak. Labis naman ang pagsisisi at hinagpis ng ina dahil sa nangyari sa kanyang musmos na anak.


Bukod sa dalawang taong gulang na batang nasawi, mayroon ding isang insidente ng pagkasawi sa Taysan, Batangas. Hindi rin ito nakaligtas matapos aksidenteng makalunok ng buto ng rambutan.

Credit: Facebook/Kapuso Mo, Jessica Soho


Ang batang si Cassey, limang taong gulang ay kumain ng rambutan mula sa puno sa kanilang bakuran. Sa una ay masaya pa ang kanilang pamilya dahil sa tagal na ng puno sa kanila ay ngayon lamang ito namunga.

Credit: Localise Asia


Ngunit sa kasawiang palad, ito pa pala ang magdudulot ng matinding hinagpis sa kanilang pamilya. Sinubukan pa umanong gamitan ng first aid ang batang si Cassey na tinatawag na Hemlich Maneuver ngunit huli na ang lahat.


Labis ang naramdamang hinagpis ng pamilya kaya naman ay napagdesisyunan nilang putulin na ang puno ng rambutan sa kanilang bakuran. Ito ay magpapaalala lamang daw sa kanila ng pagkawala ni Cassey.

Credit: Facebook/Kapuso Mo, Jessica Soho


Dahil sa mga sunod-sunod na pagkasawi dahil sa pagkain ng rambutan ay nabahala ang maraming netizens. Marami ang natakot at nagsabing hindi na kakain nito o hindi na pakakainin ng rambutan ang kanilang mga anak.


“Favorite ko pa naman ang rambutan, condolences po sa pamilya.”


“Nakakatakot naman, sino mag-aakala na nakakamatay pala ang rambutan.”


“Nakakaawa naman ang mga bata. Rest in peace little angels.”


“Dapat talaga laging binabantayan ang mga anak sa pagkain. Kasi kahit maliit na pagkain pwede na silang mabulunan kasi maliit ang lalamunan nila.”


“Favorite ng anak ko ang rambutan, ako mismo nagbabalat at nagtatanggal ng laman pag kumakain sya kasi takot akong makain nya ang buto. Condolence po sa family, ingat po tayo palagi.”


Ang mga pangyayaring ito ay nagsilbing paalala sa lahat, lalo na sa mga magulag na mag-ingat sa pagkain ng rambutan. Palaging bantayan ang anak at huwag magpakampante sa kanilang kinakain. Mabuti ring pagsabihan silang mabuti tungkol sa mga pagkaing may buto na mag-ingat o magpatulong sa nakakatanda.


Ito rin ay nagsilbing aral sa lahat na dapat matuto tayo ng simpleng first aid. Tulad na lamang ng first aid pag may nabulunan na tinatawag na Heimlich Maneuver. Ito ay paraan ng paunang lunas upang matanggal ang nakabara sa lalamunan ng taong nabulunan.

Credit: CPR Certified


Heimlich Maneuver Steps from Department of Health:


Step 1: Stand behind the person. Wrap your arms around the waist. Tip the person fgorward slightly.
Step 2: Make a fist with one hand. Position it slightly above the person’s navel.
Step 3: Grasp the fist with the other hand. Press hard into the abdomen with a quick upward thrust-as if trying to lift the person up.
Step 4: Perform a total of five abdominal thrust if, needed. If the blockage still is not dislodged repeat the cycle.


%d bloggers like this: