Kilala si Pokwang bilang aktres at komedyante sa mundo ng showbiz, bukod dyan mayroon rin siyang masayang pamilya. Tila isang bukas na libro ang kanyang buhay pag-ibig kung saan nga ay napangasawa niya ang American actor na si Lee O’Brian noong 2015 at nagkaroon ng bibong anak na babae na si Malia.
Malaki ang pasasalamat ni Pokwang sa kanyang asawa dahil sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanila ng kanyang anak at ang pagsisikap nito na matutunan ang kulturang Pilipino. Bilang isang banyaga, hindi naging madali ang naging relasyon ng dalawa dahil na kaibahan ng lenggwahe at kulturang kinalakihan ngunit hindi ito naging hadlang upang magkaroon sila ng magandang relasyon.

“In all fairness naman kay Papang, nag-adjust talaga siya ng bonggang-bongga. Grabe talaga yung adjustment na ginawa niya. So, nag-aral siya ng Tagalog, tapos yung mga pagkain na ‘di mo akalian na kakainin niya—ikaw ba naman balut, durian, bagoong at dinuguan, talagang umadjust siya.”
Napakalaking bagay daw kay Pokwang ang pag-a-adjust na ginawa ng kanyang asawa, patunay lamang ito kung gaano siya nito kamahal. Ngunit hindi naman daw pinipilit ni Pokwang ang asawa na matutunan ang lahat sa kulturang pilipino, kung ano lamang daw ang kaya nito ay sapat na sa kanya.

“Babe sabi kong ganun, ako kahit hirap na hirap akong mag-English, ikamamatay ko na mag-Wnglish pero I’m trying my best na talagang to communicate with you lalo na sa anak natin… pero rerespetuhin ko kung hanggang saan lang yung kaya mo na i-adapt na culture namin. Pero infairness sa lolo mo, grabe,.mas marami pa ata siyang alam sakin sa culture ng Pilipinas,” pahayag ni Pokwang.
Pagdating naman sa pagpapanatili ng kanilang magandang relasyon, masasabi ni Pokwang na ang may pinakamalaking ambag ay ang kanyang asawa. Ito raw ay natural na malambing at laging nakasuporta sa kanya at sa kanyang negosyo.

“Maharot yan, tsaka malambing talaga, sobrang malambing siya bukod sa talagang suporta niya sa akin, sa negosyo namin.”
Bilang mag-asawa, hindi rin maiiwasan na magkaroon sila ng away o tampuhan. Sa tuwing siya raw ay galit ay lumalayo daw ito ng kusa at hinihintay na kumalma siya. Si Pokwang naman ay tahimik lamang dahil ayaw niyang makipagtalo sa wikang Ingles. At isa sa palaging dahilan ng kanilang pagbabati ay ang pagkain.

“Nagkakasundo kami kapag oras na ng kainan… pinagluto ko siya ng chuchuchuchu (masarap na pagkain) ayun bati na kami.”
Pagdating naman sa pagiging ama ni Lee sa kanilang anak na si Malia, sobra daw ang pagsisikap nito mapasaya lang ang kanilang anak. Wala itong reklamo kung anong gawin ng anak, kahit magmukha na itong katawa-tawa.

“Siya ay isang malaking laruan ni Malia, malaking pisara (tawa) natutuwa naman ako sa kanya… alam mo yun kahit magmukha na siyang baklang clown, kung ano-ano na nilalagay sa kanya, nag-eenjoy yung bata. Siguro ayun na rin yung way niya para makalimutan ng anak niya na we’re in a pandemic, na bawal lumabas parang nililibang-libang niya na rin yung anak niya.“
Masasabing napakaswerte nga ni Pokwang sa kanyang asawa dahil bukod sa pagmamahal nito sa kanila, sobra-sobra din ang pagsusumikap nito na makapag-adjust at ma-adapt ang kulturang Pilipino. Marami sa mga banyaga ay mas gugustuhin na dalhin ang napangasawang Pilipina sa ibang bansa at ito ang mag-adjust, ngunit iba si Lee sa halip mas pinili nitong mamuhay dito sa Pilipinas kaya masayang-masaya si Pokwng.