Bamboo House Design ng Pinoy Engineer, Nanalo ng P3.5M sa International Contest

Saang sulok man ng mundo mapadpad ang Pinoy at talagang umaangat ang kagalingan nito sa kahit ano mang larangan. Hindi maitatanggi na kaya ng Pinoy ipakita ang galing at talino sa buong mundo, tulad na lamang ng lalaking ito na nanalo lang naman ng 3.5 million pesos sa isang International Contest.

Ang Pinoy engineer na si Earl Patrick Forlales ay nagbigay ng karangalan sa ating bansa matapos niyang maiuwi ang grand prize na Royal Institute of Chartered Surveyors’ (RICS) dahil sa kanyang disenyong bahay na tinawag niyang “Cubo”.

Credit: Facebook / Earl Forlales

Si Engineer Earl ay 23 taong gulang na nakapagtapos sa Ateneo de Manila. Masasabing bata pa siya at bagito pa sa kanyang larangan ngunit pinatunayan niya sa 1,200 entries sa buong mundo ang kanyang galing sa kabila ng edad. Hindi naging hadlang ang kanyang pagiging bata at baguhan para maipakita ang kanyang talento sa larangan ng engineering.

Ang kanyang winning piece ay tinawag niyang ‘Cubo’ dahil na rin sa mga materyales na mula sa kawayan, na pangunahing materyales din sa paggawa ng ating pambansang bahay na “kubo”. Bukod pa dyan, madali lang itong gawin at kayang itayo sa loob lamng ng apat na oras. Tinatayang nasa 3,000 pesos lamang ang aabuting halaga ng kabuuang magagastos sa paggawa nito.

Credit: Facebook / Earl Forlales

CUBO started as nothing more than an idea, conceived while spending time at my grandparents’ house—it is incredible to think that it now will become a reality,” saad ni Engineer Earl sa isang interview niya.

“It’s a functional home on its own, but it’s more than just a house. It’s design to turn community waste into energy and other vulnerable resources.”

Credit: Facebook / Earl Forlales

“As it releases 35% more oxygen than trees and can be harvested annually without causing degradation.”

Naging inspirasyon niya ang mga kabahayan dito sa Pilipinas at mga taong naninirahan sa maliit na lugar. Ang kanyang Cubo ay magandang solusyon umano na magagamit ng gobyerno upang mabigyan ng mas maayos na tahanan ang mga informal settlers sa Maynila.

Credit: Facebook / Earl Forlales

“With the Government’s Build Build Program there will be more construction workers coming into the city… We want our workers who are producing our high-rise multi-storey level buildings to have dignified housing of their own.”

Napahanga rin ni Engineer Earl maski ang presidente ng RICS competition na si John Hughes dahil sa kanyang magandang ideya at magandang hangarin para sa mga Pilipino.

Credit: Facebook / Earl Forlales

“The world’s cities are growing all the time and there is a real need to make sure they are safe, clean and comfortable places to live for future generations,” saad ni Hughes sa isang online interview.

“There were many exciting, original designs among the submissions, however Earl’s idea stood out for its simple, yet well thought through solution to the world’s growing slum problem,” dagdag pa nito.

Credit: Facebook / Earl Forlales

Hindi lang nakakamangha ang kanyang Cubo kundi may maganda rin itong hangarin, na isa rin siguro sa dahilan ng pagkapanalo nito. Plano ni Engineer Earl na gumawa ng karagdagang 10,000 units ng kanyang Cubo bago pumasok ang taong 2023. Balak din umano niyang magtayo ng isang prototye model na maaari ipakita sa mga investors kung saan ang perang kanyang napanalunan ang kanyang gagamitin.


Discover more from newsthrilla

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading