Ang kawalan ng ngipin o pagiging bungal (bungi) ay isa sa mga pangunahing problema ng ating mga kababayan. Ang pagkalagas ng mga ngipin ay normal lamang lalo na sa mga matatanda. Ngunit may ilan rin na maagang nalalagasan ng ngipin marahil siguro hindi naalagaan ng mabuti o aksidenteng natanggal ang mga ito.

Dahil sa kawalan ng ngipin, marami ang nahihiyang ngumiti at tumawa. Mahirap rin makipag-usap kung kulang ang mga ngipin dahil nakakaapekto ito sa pagsasalita. Isa rin sa suliranin ay ang pagkain, mahirap kasi ang kumagat at ngumuya ng pagkain kung kulang o walang mga ngipin ang isang tao.

Credit: Facebook / Weng Barbadillo Formentera

Kaya naman isang netizen ang napagdesisyunan na bumili ng pustiso sa pamamagitan ng online shopping. Sa kagustuhan niyang magkaroon ng ngipin upang makangiti na siya at makakain ng maayos ay bumili siya ng pustiso sa Shopee. Ngunit ang hinahangad na magandang ngiti ay hindi nangyari, sa halip ay naging katatawanan ito ng marami.

Makikita sa larawan na ang pustisong dumating sa kanya ay hindi sakto sa kanyang bunganga. Masyado itong malaki at hindi naging natural tingnan sa kanya. Gayunpaman, kahit dismayado sa pustisong nabili naging kawili-wili naman ang naging dating nito sa kanya.

Credit: Facebook / Weng Barbadillo Formentera

Imbes na siya ay magalit dahil hindi angkop ang pustiso sa kanya at nasayang rin ang kanyang pera, sa halip ay proud niya pang kinuhanan ang sarili ng litrato. Sa post ni Weng Barbadillo Formentera, makikita na tila masaya pa ang lalaki sa pustiso at mas piniling magpasaya na lang ng mga netizens.

Aliw na aliw ang mga netizens sa mga larawan ng lalaki. Umani na ito ng 7.1k ‘Haha’ reactions sa Facebook at mga natutuwang komento. Nakakatuwa umano ang itsura nito sa pustisong suot, kung ang iba ay magagalit at mahihiya sa natanggap na pustiso, bumilib sila sa lakas ng loob ng lalaki at natuwa sa kanyang mga selfie.

Credit: Facebook / Weng Barbadillo Formentera

Marami rin ang nagsabi na sana ay nagpa-dentista na lamang siya. Hindi daw tama na bumili ng pustiso online dahil hindi sigurado kung ligtas ba ito o kung bago o gamit na. Ang mga isyu patungkol sa ngipin ay dapat ipinapakonsulta sa dentista at sa kanila dapat pinapaubaya ang problema. Mas tiyak na ligtas at sulit pa ang bayad at siguradong sakto ang magiging pustiso.

Hindi rin naman masisisi ang lalaki dahil ang pagpapapustiso ay may kamahalan, depende pa sa klase ng pustiso at kung ilang ngipin ang papalitan. Dito sa ating bansa, marami ang hinahayaan na lang ang bungal nilang ngipin dahil wala silang kakayahan na magbayad para sa dentista.

Credit: Facebook / Weng Barbadillo Formentera

Marami ang pumapatol sa mga pustisong ibinebenta online dahil higit na mas mura ito. Kung titingnan sa Shopee, ang mga pustisong katulad sa binili ng lalaki ay nasa 50 pesos hanggang 100 pesos lamang ang presyo. Sumusubok silang bumili dahil nagbabakasakali sila na sa murang halaga ay pwedeng maibalik ang dati nilang magandang mga ngiti.


Leave a Reply

%d bloggers like this: