Niña Jose-Quiambao, Hinangaan sa Pagiging Mapagmahal na Ina sa Kanyang Stepchildren

Wayback 2006 ng una nating makita on screen si Niña Jose sa isang show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother Teen Edition 1. Mula sa pagiging housemate niya sa ‘Bahay ni Kuya’ ay pinasok na din niya ang pag-aartista at pagmomodelo. Pero hindi nagtagal ay iniwan na nga niya ang showbiz at nagpakasal kay Cezar Quiambao na siyang Mayor ng Bayambang, Pangasinan noong 2017.

Credit: Instagram / therealninajosequiambao

Madalas kapag nagmahal tayo may kokontra, kesyo hindi bagay, mali, wrong person daw, logically dapat itigil. But the heart will say how can it be so wrong when if feels right? 33 years ang age gap nina Niña at Cezar ngunit hindi yun naging hadlang sa kanilang pagmamahalan. Marami ang humanga kay Niña sa pagiging mapagmahal na ina nito sa walong anak nila ng kanyang asawang si Mayor Cezar.

Credit: Instagram / therealninajosequiambao

At ayon pa sa dating aktres, “My biggest dream was to become a mother. I actually wanted to get pregnant early and become a cool mom at 30. But everything happens in God’s own time. It’s not easy, it’s the most challenging… but it’s the noblest and most fulfilling “profession” of all.”

Credit: Instagram / therealninajosequiambao

Kaya naman ng may mga lumabas na balita tungkol sa kanilang anak na si Julius ay binigyang linaw niya ito. Sinabi ni Niña na hindi totoong nawala ito sa kanila dahil sa miscarriage. Si Julius ay pumanaw noong 2018 sa edad na 44 at ito ang panganay na anak ng kanyang asawa na si Mayor Quiambao. Hindi man ito biological na anak ni Niña ay ipinakita at ipinadama niya dito ang kanyang pagmamahal bilang pangalawang ina.

Credit: Instagram / therealninajosequiambao

Ito ang naging opisyal na pahayag ni Niña, “Just to clarify, we did not lose our son, Julius, through miscarriage. He was in this world for 44 wonderful years before he joined our Creator last 2018. Nevertheless, we miss him and Isabello everyday.”

Credit: Instagram / therealninajosequiambao

Si Isabello ay ang anak na ipinagbubuntis ni Niña at Mayor Quiambao noong taong 2019 ngunit hindi pinalad na masilayan ang mundong ibabaw. Naguluhan ang mga netizens gayundin ang publiko sa ibinigay na pahayag ng dating aktres tungkol sa edad ng nasabing anak na pumanaw.

Sinagot naman ito ni Niña at ayon sa kanya, “I have six stepchildren, one of which is in heaven (Julius), and two kids with Caezar. One in heaven (Isabello). Personally it doesn’t really matter if they’re my stepchildren or children. I love them all the same. All in all I have eight kids. And also I have one grandchild. This shouldn’t be an issue.”

Credit: Instagram / therealninajosequiambao

Marami ang nagpakita ng paghanga at pagsuporta sa kanilang mag asawa dahil na rin sa ipinapakita nilang kabutihan sa kanilang mga nasasakupan gayun din sa ibang tao na sa simula pa lang ay naka suporta na sa kanila. “Hi Mr. and Mrs. Quiambao, you are touching our hearts with your endeavor as public servant. God be with both of you in your journey.”

Credit: Instagram / therealninajosequiambao

It doesn’t matter how old you are or where you came from. Manners, kindness, respect and compassion will always be the signs of a decent human being. A well mannered person is better than an educated person without manner.


%d bloggers like this: