Kadalasan sa mga kababaihan pagtapos manganak ay nakararanas ng matinding pagbabago sa physical appearance. Marahil karamihan sa mga may asawa ay ninanais pa rin na maibalik ang dati nilang postura noong dalaga pa. Kaya naman hindi nakakapagtataka kung bakit ganun na lang ang paghanga at atensyong nakuha ng kasalukuyang partner ni James Yap matapos malaman na mayroon na itong mga anak.

Nakilala si James Yap bilang miyembro ng Philippine Basketball Association (PBA) at dating asawa ng actress, TV host at businesswoman na si Kris Aquino.
Minsang natanong ni Bimby, ang nag-iisang anak nila Kris Aquino at James Yap, sa kanyang ina kung bakit niya pinakasalan si James Yap. Sagot ni Kris “I think I was at place naman na I felt I wanted to be married. I was 34, your dad was 11 years younger. I thought it could work. I honestly thought it could work not realizing he was too young.” We really came from two very different worlds. But I wanted it to work.”

Taong 2012 nang opisyal na naghiwalay sila Kris at James. Samantala, taong 2011 nang magkakilala sila James Yap at ang kasalukuyan niyang kasintahan na si Michela Cazzola. Sinasabing nagkakilala sila dahil sa kanilang kaibigan. Isang Italiana at nagtrabaho bilang isang secretarial specialist sa Asian Development Bank si Michela.

Unang isinilang ni Michela noong 2016 ang panganay nila ni James Yap at marami na ang nakapansin sa bilis ng pag-recover ng kanyang katawan sa loob lamang ng dalawang buwan. Nasundan pa ang kanilang panganay taong 2018 na pinangalanan nilang Franchesca. Hindi maitatangging nakuha ng kanilang mga anak ang pisikal na katangian ng mga magulang.

Ang pagiging ina ay hindi lang simpleng gawain. Masusubok nito ang galing ng isang babae na hatiin ang oras araw-araw sa pag-aasikaso sa mga anak, gawaing bahay, atbp. Kaya naman talagang nakakamangha ang mga magulang na kayang hatiin ng maayos ang oras para sa pamilya at sarili.

Isang patunay si Michela nang lumaganap ang mga pictures nila online at hindi maiwasang purihin ang kakayahan niya na ibalik at panatilihin ang mala-bikini body niyang katawan. Ang iba ay hindi makapaniwala na mayroong na siyang dalawang anak matapos makita ang mga pictures niya sa public posts.

Sa kasalukuyan, nanatili sa Pilipinas si James Yap habang si Michela at ang kanilang dalawang anak ay lumipad papuntang Italy bago pa magka-pandemic. Makikita sa isang post ni James Yap sa Instagram ang pagnanais na makasama ang pamilya sa 3rd birthday celebration ng kaniyang anak.