Nakilala si Sharon Cuneta bilang isang magaling na aktres sa mundo ng showbiz. Bukod sa kanyang matagumpay na karera ay isa rin siyang matagumpay na negosyante at taong magaling humawak ng pera.
Bilang isang sikat na artista na kumikita ng malaki sa showbiz magmula pa man noon, si Sharon ay hindi basta-basta gumagasta ng kanyang mga kinita at sa halip ay iniipon ito at ginagamit sa mga makabuluhang bagay tulad ng pagnenegosyo.

Bata pa lang ang Megastar ay alam niya na ang kahalagahan ng pera na naging malaking ambag sa kanyang tagumpay ngayon. Ang mga aral tungkol sa tamang paggamit ng pera at paghawak nito ay naging inspirasyon rin ng mga taong nakakakilala sa Megastar. Hindi niya ito ipinagdamot at sa halip ay ibinahagi sa publiko na ipinagpapasalamat ng kaniyang mga subscribers niya sa Youtube.

1. Saving should always be a top priority. Ayon sa Megastar, pinaka-importante sa lahat ay ang pagtatabi ng pera araw-araw o bawat buwan mula sa iyong sahod o kita. Makikilala ang tunay na mayaman hindi sa halaga ng kaniyang kinikita kundi depende sa kung magkano ang ipon niya. Ang lahat ay may kakayahang kumita ng malaki ngunit hindi lahat ay may kakayahang mag-ipon.
2. Don’t invest your money if you don’t know anything about the business. Ang pag-iinvest ay isang bagay na walang kasiguraduhan kaya huwag basta ipagkatiwala ang iyong pera lalo na kung pinaghirapan mo itong ipunin. Kung gagamitin ang pera sa isang bagay, siguraduhing may alam ka dito at pag-aralan ng mabuti.

3. You’re not wasting money when you rent. Ang pangungupahan daw ay hindi pagsasayang ng pera basta’t sisiguraduhin na habang nangungupahan ay nag-iipon rin para magkaroon ng permanenteng bahay. Para sa kanya ay hindi ito pagtatapon kundi paghahanda sa pagkakaroon ng sarili mong tahanan.
4. Having a property to call your own is the best investment. Pagkatapos mag-ipon, magandang magkaroon ng sariling property. Pinakamagandang investment ang magkaroon ng sariling bahay kasama ang buong pamilya. Hindi importante kung malaki man ito o maliit basta’t sama-sama.

5. Teach your kids to work hard for their money. Bilang isang magulang, importanteng turuan ang mga anak na gumawa ng paraan para kumita at mag-ipon. Dahil hindi sa lahat ng oras ay andyan ang mga magulang para magbigay kaya importante na ang mga bata ay may kakayahang kumita para hindi sila mahirapan sa hinaharap.
6. The most stable business is food, shelter and clothing. Madami ng nasubukang negosyo si Sharon sa pagdaan ng maraming taon ngunit napatunayan niyang mas mabenta ang mga pangunahing pangangailangan ng tao katulad na lang ng pagkain, tirahan at mga damit. Dahil dito ay pinasok niya nga ang negosyong real estate kung saan ay nagtagumpay siya.

7. Always start small. Huwag padalos-dalos sa paggastos ng pera at mas mabuting magsimula muna sa maliit pero sigurado. Hindi lahat ng pera ay gagamitin sa isang malaking bagay, kundi gagamitin sa maliit na negosyo upang masubukan kung ano ang epektibo at magtatagumpay.
8. There’s “good” utang and “bad” utang. Para sa marami, hindi maganda ang umutang dahil madalas na nagreresulta ito sa pagkabaon. Para kay Sharon, nakadepende ito sa kung saan at paano gagamitin. Halimbawa na lamang kung umutang ka para mag-negosyo o bumili ng bahay, ito daw ay matatawag na “good utang” Ngunit kung umutang ka para ipang-sugal o ipambili ng mga luho para ipagyabang sa social media ay matatawag itong “bad utang.”

9. Donate to a cause. Mahalaga rin na magbigay ng mga biyaya. Naniniwala ang Megastar na ang lahat ng biyaya niya sa buhay ay nagmula sa Panginoon kaya naman ay hindi niya nakakalimutang magbalik sa pamamagitan ng pagbibigay ng “tithes.”
10. Spend money on your loved ones. Ang huli at pinaka-importanteng tip ng Megastar ay gamitin ang kita at ipon para sa ikabubuti ng iyong pamilya. Ang paggastos para sa pamilya ay hindi pagsasayang kundi isang investment upang mas lalong mapalapit ka sa kanila at mapatibay ang relasyon sa pamilya.