Unang Live Selling ni Mariel Padilla, Bentang-Benta sa Netizens At Humakot ng 5M+ Views

Ang online selling at live-selling ay isa sa pinaka-usong hanapbuhay ngayon lalo na ng mga kumakayod na ina. Hindi biro ang trabahong ito dahil kailangan maglaan ng oras at mahabang pasensya sa pagbebenta online. Nito nga lang ay sumabak na rin ang celebrity mom na si Mariel Padilla sa pagla-live selling.

Ibinahagi ni Mariel sa kanyang Instagram ang pagsasakatuparan niya sa kanyang pangarap na makapag-live selling. Inanyayahan niya nga ang lahat na manood ng kanyang live-selling sa Instagram at Facebook at mag-mine sa kanyang personal collections.

Credit: Instagram / marieltpadillia

“This is it!!!!!!!!!!!!!!!! Tonight I will fulfill my dream to be an online live seller!!! I have been watching live sellers almost everyday haha (I swear it’s addicting!!!) and at 9pm tonight pm my Instagram and Facebook I will go live and mga Sis pwedeng pwede na kayo mag “MINE” all from my personal collection seeeee youuuuu!!! All bagsak floor price to the maaaaax!!!” saad ni Mariel.

Credit: Instagram / marieltpadillia

Pagpatak nga ng alas-nuebe ng gabi noong March 5 ay nagsimula na ang pangarap na live selling ng celebrity mom na si Mariel. Mataas ang kanyang energy sa simula pa lang ng kanyang live na kinagiliwan ng mga netizens. Hindi rin nya napigilang makaramdam ng kaba dahil iyon ang una nyang pagkakataon.

Aminado si Mariel na sobrang kabado siya sa kanyang unang live selling, mapapanuod nga sa kanyang live na sa simula pa lang ay nagpapanic na siya at pinagpapawisan. Ngunit idinadaan niya lang ito sa tawa at kanyang kadaldalan na nagustuhan ng maraming netizens, dahilan kung bakit umani ito ng maraming views sa parehong Instagram at Facebook.

Credit: Facebook / Mariel Rodriguez Padilla

Bukod sa mataas na energy at nakakawiling pagla-live ni Mariel ay isa rin sa dahilan kung bakit napakadami niyang viewers ay dahil sa bagsak presyo niyang mga branded items. Ang mga branded items katulad ng Channel, Gucci, Louis Vitton, Fendi at marami pang iba ay halos kalahati na lang ang presyo kung ibenta ni Mariel.

Lahat ng branded items na ibinebenta ni Mariel sa live ay mga bago at ang iba ay hindi niya pa nagagamit. Inamin niyang mahilig syang mag-hoard o bumili at mangolekta ng mga branded items ngunit hindi niya naman nagagamit. Hindi nagtagal ay dumami ito ng dumami kaya naman napagdesisyunan niyang i-live selling na ito para hindi masayang.

Credit: Facebook / Mariel Rodriguez Padilla

Maski ang kanyang kaibigan at kasama sa It’s Showtime na si Tiyang Amy Perez ay naki-mine rin sa kanyang live-selling. Hindi rin nagpahuli ang kanyang asawa na si Robin Padilla na sinuportahan din siya at nanood rin sa kanyang live-selling. Binibiro pa nga siya nito sa comment section na ilabas at ibenta na daw niya ang mga nakatago sa baul.

Hinangaan ng marami ang unang live selling ni Mariel dahil hindi umano halatang unang pagkakataon niya iyon. Magaling umano siyang magbenta at nakakatuwa pang panuorin. Kaya naman hindi nakakapagtaka na umabot ng 5.3 million views ang kanyang online live-selling na pinanuod hindi lang sa Pilipinas kundi ng maraming netizens sa ibang bansa.

Credit: Facebook / Mariel Rodriguez Padilla

“Sobrang tawa ko sa kanya. Yung di ka naman bibili pero para kang pumasok sa comedy bar ng libre. Thank you for making us happy!”

“Congrats madam, sobrang saya panuorin ng live selling mo nakaka-good vibes.”

“Ang galing nya sa live, yung talent niya sa hosting gamit na gamit. Nakakatuwa sya panuorin!”

Credit: Facebook / Mariel Rodriguez Padilla

“Nakakaaliw ang live ni Mariel. Kahit di naman ako bibili nanunuod pa rin ako.”

“Eto ung live na hindi boring, mapapanuod ka talaga ng wala sa oras dahil sa energy ni Mariel.”

Naging matagumpay naman ang una niyang live dahil lahat ng items na kanyang binenta ay na-mine. Labis ang tuwa ni Mariel sa lahat ng viewers at miners na sumuporta sa kanyang unang live at nangako na hindi iyon ang una at huli, dahil marami pa siyang live selling na gagawin kaya dapat nila itong abangan. Hinangaan rin ni Mariel ang lahat ng nagla-live selling dahil napakahirap daw talaga nitong trabaho, saludo umano siya sa mga live sellers.

Credit: Instagram / marieltpadillia

Thank you soooooooooo much!!!! Big big big big thanks to everyone who participated in last night’s live selling!!! So happy because nagustuhan niyo ang bagsak presyo items from my hoarding days, thank you!!!! Apologies because it was so hard for me because ang daming comments I couldn’t read all. Hopefully i can find more items here hahaha and we will have a part 2 because i know may maibubuga pa ako, in the meantime i ask for your patience because my team is currently answering all your messages. Pls bear with us!!! Suuuuuuuuper thanks!”


%d bloggers like this: