Naranasan mo na bang sumakay sa jeep at hindi ka pinagbayad ng jeepney driver? Maaaring kaya hindi ka pinagbayad dahil kaibigan ito ng nanay o tatay mo? Kakilala? O kapitbahay nyo? Ngunit ibahin nyo ang lolang ito na sumakay sa isang jeep at hindi siya pinagbayad. Alamin ang kanilang nakakalungkot na koneksyon.

Isang araw, may isang matandang babae na sumakay ng jeep papuntang Gaizano Lapaz. Pagka-upo ng matanda ay agad niyang kinuha ang kanyang pamasahe at inabot papunta sa driver. Ngunit nagulat siya ng iniabot ito pabalik sa kanya ng pasahero, at sinabing hindi umano tinanggap ng driver dahil libre na umano ang kanyang pamasahe.
Dahil sa katandaan ay mahina na ang pandinig ng matandang babae kaya hindi niya narinig ang sinabi ng jeepney driver na dahilan kung bakit libre ang kanyang pamasahe. Gayunpaman, ipinarating naman ito sa kanya ng pasahero at sinabing, “Kilala ya kuno La, amo na libre pilit mo” (“Lola kilala ka daw po ng driver kaya libre na po ang pamasahe nyo”).

“Sino ka man?” (Sino ka?) ang tanong ng matandang babae, ngunit nanatiling tahimik na lamang ang jeepney driver buong byahe at hindi na nagpaliwanag pa. Sinubukan pa ng matandang babae na magbanggit ng ibat-ibang pangalan na maaaring kakilala niya na pwedeng gumawa ng mabuting bagay na iyon. Hanggang sa huminto na ang jeep sa destinasyon ng matandang babae nang hindi man lang nalaman ang pangalan ng jeepney driver.

Bago pa bumaba ang matandang babae ay nagpasalamat ito sa jeepney driver, “Salamat gid kung sino ka man” (Maraming salamat kung sino ka man”). Nang tuluyan ng nakababa at nakaalis ang matandang babae ay doon pa lamang nagsalita ang jeepney driver at sinabing: (Non verbatim) “Baw wala ya gid ko nadumduman ba. Gin hulat ko na siya sobra 30 ka tuig pero iba gin pakaslan nya. Siling ko sa kaugalingon ko sang una, kung sabton ya ko, sagudon ko gid syakag bisan piso waay gid sya may problemahun sa gasto. Asta subong gin tuman ko promisa ko.”
(Ay hindi niya talaga ako natandaan. Hinintay ko siya ng 30 taon pero iba yong pinakasalan nya. Dati sinabi ko sa kanya kung sasagutin niya ako, aalagaan ko siya nang higit pa at wala siyang gagastusing pera niya ni piso. Hanggang ngayon tinutupad ko yung pangakong ‘yon sa kanya.)

Napag-alaman na dati palang manliligaw ng matandang babae ang jeepney driver. Tila nabigo ang tono ng boses ng jeepney driver dahil hindi man lang siya naalala ng matandang babae. Sa dami ng sinambit nitong pangalan ay ni isa walang tumama. May halo ring kalungkutan ang boses nito habang nagkukwento ng kanyang nakaraan at kasawian sa pag-ibig.
Maging ang mga pasaherong nakarinig ng kanyang kwento ay nalungkot rin para sa jeepney driver. Gayunpaman, hinangaan rin nila ang jeepney driver dahil kahit hindi sila nagkatuluyan ng matandang babae at nasayang sa wala ang paghihintay nito ng tatlumpung taon ay hindi pa rin nito nakalimutan tuparin ang kanyang pangako.

Naantig ang puso ng isa sa mga pasahero na nakarinig ng kwento kaya naman ay ibinahagi niya ito sa social media. Ang kanyang post naman ay umani ng maraming reaksyon at kumento mula sa mga netizens na hindi rin napigilang malungkot sa sawing pag-ibig ng jepney driver. Marami rin ang humanga at natuwa para sa jeepney driver dahil sa ipinakita niyang wagas na pagmamahal para sa matandang babae.
“Basta talaga driver, sweet lover!”
“Nakakiyak na story! Until the end, the driver chose to repay an unrequited love secretly. Why do love stories involving old people always give me goosebumps and chills.”
“Saludo ako sayo mamang driver masasabi kong napakadakila ng iyong pag-ibig .You’re one in a million!”

“They say that promises are meant to be broken, but in this case, it try to stipulate that promises are yet to be proven.”
“You are loved as always. And sometimes it is in a way that you never know.”
“This is the kind of love I wanted to experience in this lifetime. Although sadly with the generation I am in now. Finding a love this rare is only one in a million. Almost nearly impossible. Hayyyst what a love story.”
Nakakatuwang sa panahon ngayon mayroon pa rin palang pagmamahal na nananatili kahit lumipas na ang maraming taon. Ngunit hindi lahat ng pagmamahal ay masaya ang hantungan, sabi nga nila “Ipinagtagpo pero di itinadhana.” Nakakalungkot man ang kwentong ito ng jeepney driver at matandang babae, nagbigay ito ng aral at paalala sa marami na totoo ang tunay na pagmamahal. Kailangan mo lang itong hanapin o maaaring nasa tabi mo na, kailangan mo lang tingnan ng mabuti.