Si Isabelle Daza-Semblat ay isang aktres, modelo at entrepreneur na ikinasal sa isang French businessman na si Adrien Semblat. Ikinasal sila taong 2016 at ngayon nga ay nabiyayaan na ng dalawang anak. Kahit may pamilya na ay abala pa rin si Isabelle sa maraming bagay kaya naman andyan ang kanilang mga kasambahay na tumutulong sa kanya.
Si Isabelle ay masasabing isang mabuting amo matapos niyang gawan ng kontrata ang kanyang mga kasamabahay. Nakalahad dito ang kanilang mga karapatan at mga gawain. Hindi lang ito basta tipikal na kontrata dahil ito ay personal na kontratang ginawa niya para lang sa kanyang mga kasambahay. Makikita dito kung gaano kaswerte ang mga ito na siya ang naging amo.

Nakalahad sa kontrata na walong oras kada araw lamang ang kanilang trabaho at may kasama ng pahinga. “Alas otso ng umaga hanggang alas otso ng gabi, at may isang oras na pahinga para sa almusal, tanghalian at hapunan.”
Hindi katulad sa ibang kasambahay na halos 24/7 ang trabaho, iba ang mga kasambahay ni Isabelle. Bukod sa walong oras lang ang kanilang trabaho ay mayroon din silang lingguhang pahinga. Hinuhulugan rin ni Isabelle ang kanilang SSS, PhilHealth at Pag-Ibig.

“Tayo nga napapagod ng 5 days a week, why do we expect them to be in our house for 7 days? They also need a life,” paliwanag ni Isabelle.
Ang karagdagan pang benepisyo ay maaaring magbakasyon ang mga ito ng 30 araw o isang buwan na mayroon pa ring sahod o tinatawag na paid vacation. Sagot rin ni Isabelle ang pamasahe ng mga ito sakay ang eroplano. Talaga namang napakaswerte ng kanyang mga kasambahay na siya ang kanilang amo.

Ayon naman kay Isabelle, natutunan niya umano ito sa kanyang asawa na si Adrien. Ito umano ang nag-engganyo sa kanya na gumawa ng personal na kontrata para sa mga kasambahay para sa kanilang ikabubuti at proteksyon na rin.
“My husband told me that I need to have a contract with the maids because it protects both parties. Tapos in-explain niya na you have to write down their list of deliverables para if something happens, you can’t get mad at them for forgetting your charger when it’s not their job,” saad ni Isabelle.

Maganda umanong magkaroon ng kontrata upang may panghawakan ang kanyang mga kasambahay. Hindi maiiwasan na magkakaroon ng pagkakataon na mainit ang kanyang ulo at baka matanggal niya umano ng wala sa oras ang mga kasambahay. Sa tulong ng kontrata ay mapoprotektahan sila nito sa biglaan niyang desisyon dala ng emosyon.
“It also gives them dignity, I think, to have a piece of paper. People are always scared to lose their jobs, right? So I also had to explain to my helpers that, ‘Listen, I can’t fire you just because I’m in a bad mood, or I’m hungry.’ I wanted them to have something [so] they can sleep better,” dagdag pa niya.

Naging masaya naman ang kanyang mga kasambahay sa kontrata na kanyang ginawa. Malaki ang pasasalamat nila dahil nagsisilbi sila sa mabuting amo na alam ang kanilang karapatan at pinoprotektahan sila.
“They were very touched, because they didn’t feel that they deserved one.”
Isa naman sa kina-iinggitan ng lahat ay ang pagdo-doble ni Isabelle sa ipon ng kanyang mga kasambahay. Ayon sa kanya, kada taon ay tinitingnan niya ang passbook ng mga ito para makita kung magkano ang kanilang naipon at kanya itong dodoblehin. Ginagawa niya umano ito upang mahikayat sila na mas mag-ipon ng mabuti, dahil pag mas malaki ang kanilang ipon, ay dodoble rin ito ng malaki.

“I give them different ideas because I want to help them reach their own goals. Before this, I gave them a questionnaire, and I asked them kelan sila malungkot, kelan sila masaya. So that I also know them a little bit more.”
Maraming netizens ang natuwa at pumuri kay Isabelle bilang isang mabuting amo. Nakaka-inggit rin umano ang kanyang mga kasambahay at nagbiro pa nga sila na maging kasambahay na lang ni Isabelle.
“Sana lahat ng employer katulad mo, sobrang bait.”
“Deserve ng mga kasambahay ng mabuting amo tulad mo, dahil hindi madali ang kanilang trabaho.”

“Wow! Sana all. Pwede po bang mag-apply sa inyo? Haha!”
“Parang gusto ko na lang maging katulong ni Isabelle Daza.“
“God bless you Isabelle and your family, such a kind people.“
Isang magandang halimbawa si Isabelle sa lahat ng employer o amo na maging mabuti sa kanilang mga kasambahay. Hindi biro ang kanilang trabaho at sakripisyo kaya naman nararapat lamang na mabigyan sila ng magandang trato at maayos na karapatan.