Balut Vendor, Napagtapos Ang Anak Na Dalaga Ng Senior High

Kwento ng inspirasyon ang amang nag-viral nang dahil sa pagtitinda ng balot. Sabi nga sa kasabihan, “kapag may tiyaga may nilaga” pero ang inalagaan at ibinibentang balot ng vendor na ito ay malayo ang naabot. Paano ba naman, napagtapos niya ang kanyang anak.

Credit: Asian Food Network

Bilang magulang, matatanong natin sa ating sarili kung hanggang saan ang kaya natin gawin para sa pamilya. May pagkakataon pa nga na sa kabila ng pagsisikap ay hindi pa rin sapat. May mga magulang na nabiyayaan o nagsikap magkaroon ng magandang trabaho upang mabigyan ng magandang buhay ang mga anak. Ngunit hindi sa ganitong paraan masusukat ang pagkakaroon ng pangarap. Tulad na lamang ng kwento ng ama ng trending ngayon na si Jerdy Grace Araneta.

Napagtapos ng masipag at mapagmahal na amang si Rodolfo Araneta ang kanyang anak na si Jerdy Grace. Masayang ibinahagi online ng dalagang si Jerdyn Grace ang lubos na pasasalamat nito sa amang si Mang Rodolfo. Proud na ipinost ni Jerdyn Grace ang larawan nila ni Mang Rodolfo noong kunan ito ng graduation photo. Makikita rin sa larawan ang lawak ng ngiti ng mag-ama at ang isinulat ni Jerlyn Grace na “Dahil sa balut, diploma ay naabot.”

Credit: The Flash of Siniloan / C-An Puño

Napagtapos ni Mang Rodolfo si Jerdyn Grace sa Senior High School dahil sa matiyaga nitong pagtitinda ng balot. Kwento ni Jerdyn Grace, nais niyang ipagpatuloy ang pag-aaral at kumuha ng kursong Nursing. Dahil sa ipinakitang dedikasyon ng ama, nais din ni Jerdyn Grace na magkaroon ng sariling pagkakakitaan upang tulungan ang ama habang nag-aaral ito. Hindi lang ito, magkasabay na pinasok ni Mang Rodolfo ang ilan pang trabaho tulad ng patitinda ng pandesal sa umaga at pagtanggap ng mga appliances na dapat kumpunihin sa libre nitong oras.

Credit: Asian Food Network

Maliban kay Jerdyn Grace meron pa itong apat na anak na pinag-aaral. Kailangan din ni Mang Rodolfo na pagsabay-sabayin ang lahat ng trabaho upang maging sapat sa pang-araw-araw na gastusin sa bahay at pag-aaral ng mga anak ang kinikita nito.

Credit: Facebook / My Pope Philippines

Naging kahanga-hanga ang mag-ama dahil sa pagsisikap ng mga ito. Si Mang Rodolfo, upang matugunan ang pangangailanagan ng pamilya bilang isang ama ay ginawa ang makakaya. Si Jerdyn Grace naman bilang isang anak ay sinuklian ang lahat ng sakripisyo at paghihirap ng ama. Repleksyon si Mang Rodolfo ng isang ama na handang gawin ang lahat at magsakripisyo para sa minimithing pangarap ng anak. Larawan ng isang mapagmahal na ama sa kaniyang mga anak si Mang Rodolfo.

Ang mag-amang ito ang nagpapatunay na hindi hadlang ang estado sa buhay, ang kailangan ay pananampalataya sa Diyos, sakripisyo at dedikasyon. Nasusulat nga sa Bible, Philippians 4:13, “I can do all things through Christ who strengthens me.” Tunay ngang walang imposible sa Diyos.


Leave a Reply

%d bloggers like this: