Tricycle Driver, Nagsauli Ng Bag Na Naglalaman Ng 20 Milyong Piso Halaga Ng Tseke

Dahil sa kinakaharap na pandemya, lumala ang bilang ng kahirapan sa bansa, marami ang nawalan ng hanapbuhay at naghihikahos. Sa ganitong pagkakataon, nagkalat na rin ang mga masasamang gawain at mga taong mapagsamantala.

Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin napipigil ang kabutihang taglay ng bawat tao. Katulad na lamang ng isang tricycle driver na nagsauli ng napulot nitong bag na naglalaman ng 20 milyong halaga ng tseke.

Credit: Template Net

Isang tricycle driver na kamakailan lamang ay nagpakita ng katapatan at pinatunayan na may “Good Samaritan” pa rin sa gitna ng pagpapahirap ng pandemyang ito. Isinauli nito ang bag ng kanyang napulot na nalalaman ng malaking halagang pera at tseke na 20-milyon sa nagmamay-ari nito.

Kinilala si Ginoong Sofio Alo Jr. bilang mabuting samaritanong tricycle driver. Dahil sa kanyang katapatan, siya ay ginawaran at nakatanggap ng parangal mula sa may-ari ng bag. Nakatanggap din siya ng pagkilala mula sa mga taong napahanga niya sa kanyang magandang gawain.

Credit: Facebook / Sofio Alo Jr.

Ipinahayag ni Sofio ang pangyayari bago siya nahirang na isang “Good Samaritan”. Aniya’y habang siya ay nagkakarga ng semento sa likuran ng kanyang tricycle na binili ng kanyang bagong pasahero ay napansin niya na may naiwang bag sa likuran ng kanyang sasakyan.

Matapos ang pamamasada at nang makauwi ito, agad nitong sinuri ang bag at kung ano ang mga nilalaman nito. Tumambad sa kanyang harapan ang napakaraming tseke na nagkakahalaga ng aabot sa 20-milyong peso at perang nagkakahalagang 1,070 pesos nung ito’y kanyang nabuksan.

Credit: Facebook / Sofio Alo Jr.

Sa gitna ng nakasisilaw na halaga ng nilalaman ng bag, hindi natinag ang katapatan ni Sofio. Kahit nga hirap sa buhay ay hindi umano sumagi sa isip niya na sarilinin ang pera na nilalaman ng bag na kanyang nakita. Kaya naman agad siyang humingi ng tulong sa nakatatandang kapatid ng kanyang asawa na may kilalang local official kung paano nga ang gagawin upang maibalik niya ang naturang bag na may malaking halaga sa tunay na may-ari nito.

Credit: BJU Seminary

Agad-agad na nagtungo sila sa City Hall para mai-report ang tungkol sa naiwang bag sa kanyang tricycle, at para mapadali ang pagtukoy kung sino ang tunay na may-ari at naka-iwan nito.

Matapos ang mga proseso ng pagsasauli ng bag, naibalik nga ni Sofio sa tunay na may-ari ang bag na mayroong malaking halaga. Dahil sa kanyang ipinamalas na katapatan, siya ay ginawaran ng isang parangal mula sa programa ng Apokon Elementary School na We Advocate Time Consciousness and Honesty (WATCH).

Credit: Facebook / Sofio Alo Jr.

Bukod dito ay binigyan din siya ng may-ari ng naturang bag ng 1,000 pesos at leche flan bilang pabuya sa kanya. Samantala, ayon naman kay Geraldine Canlas ng Apokon Elementary School, patungo umano sa bangko ang pasahero ni Sofio na nakaiwan ng bank, upang magdeposito, ngunit sa dami ng dala-dala nito, ay naiwanan nito ang bag sa likod ng tricycle. Samantala, hindi naman kinumpirma ni Canlas, kung ang tao bang nakaiwan ng naturang bag ay empleyado ng kanilang paaralan.

Credit: Facebook / Sofio Alo Jr.

Isang magandang pahayag ang iniwan ni Sofio dahil sa kabutihang kanyang ginawa. Ayon sa kanya, sinisikap niyang maging tapat at mabuting tao sa lahat ng oras, ito ay upang maging isang huwaran siya sa kanyang mga anak. Nais niya umanong ipakita sa mga ito na mahalaga sa isang tao ang pagkakaroon ng integridad, kaya kahit nakakaranas ng hirap ay binibigyang halaga niya ang pairalin ang katapatan.


Leave a Reply

%d bloggers like this: