Bag na Naglalaman ng 133k, Napulot at Isinauli ng Magsasakang Taga-Benguet

Hindi maiiwasan na may mga bagay tayong maiwawala, maiiwan o mahuhulog nang hindi namamalayan. Madalas dito ay pera na isa sa mga pinaka-importanteng bagay para sa isang tao kaya’t mahirap kung ito ay mawala. Sa tuwing nawawalan tayo ng pera, umaasa tayo na laging maibabalik ito at may magsasauli. Katulad na lamang ng isang magsasakang ito na matapat na nagsauli ng pera na kanyang napulot.

Isang magsasaka mula sa probinsya ng Benguet na si Mando Baniwas Alonzo ang aksidenteng nakakita at nakapulot ng pera sa daan. Ang pera ay nagkakahalaga lang naman ng 133,800.77 pesos na agad niyang ibinalik sa may-ari nito.

Credit: Facebook / Pcr Tublay

Napulot ni Mando ang malaking halaga ng pera habang siya ay naglalakad sa Sitio Sayatan, Baayan noong Disyembre 25, 2020, bandang 10:00 ng umaga. Napansin umano ni Mando ang isang bag sa daan at agad itong tiningan, laking gulat niya ng naglalaman ito ng malaking halaga ng pera. Bukod sa pera, ito rin ay naglalaman ng drivers license at squid pay card kaya’t agad niyang nalaman kung sino ang may-ari ng napulot na bag.

Credit:Travel Triangle

Imbes na angkinin at kunin ang napulot na pera, tutal wala namang nakakita sa kanya, ay kabaligtaran ang kanyang ginawa. Agad siyang dumiretso sa Tublay, Benguet Municipal Police Station at ini-report ang napulot niyang bag na may lamang pera, upang matulungan siya ng mga pulis na maisauli ito.

Hindi umano nagdalawang isip ang magsasakang si Mando na ibalik ito dahil alam niyang hindi naman ito sa kanya at hindi niya ito pinaghirapan. Para sa kanya, ang nais niya lamang ay maibalik agad ito sa tunay na may-ari dahil siguradong nag-aalala na ito at maaaring may mahalagang paggagamitan ang pera.

Credit: Expat Media

Dahil sa katapatan ng magsasakang si Mando ay binansagan siyang ‘Honest Farmer’ ng Benguet. Humanga sa kanya ang mga pulisya dahil sa taglay niyang katapatan at kabutihan kaya’t umani siya ng maraming papuri.

Agad namang naibalik sa tunay na may-ari ang bag na may malaking halaga ng pera. Kinilala ang may-ari na si Roger Bai Santiago. Lubos ang kanyang pasasalamat sa magsasakang si Mando dahil sa katapatan nito. Masaya rin siya na isang mabuting kamay ang nakapulot ng kanyang pinaghirapang pera. Akala niya ay hindi na ito maibabalik pa kaya’t labis ang kanyang tuwa ng tinawagan siya ng Police Station at ibinalita ang pangyayari.

Credit: Facebook / Pcr Tublay

Hindi rin napigilan ng mga netizens na magbigay ng reaksyon a paghanga para sa magsasakang si Mando.

“Salute sayo, Sir! Isa kang magandang example sa mga tao na kahit mahirap ay maging matapat.”

“Thank you sa pag-sauli ng pera. Hindi ka nagpatukso sa laki ng halaga at mas piniling ibalik pa.”

“Galing! Congrats Honest Farmer, patunay ka sa diwa ng Pasko.”

“In this world full of liars, honesty is very rare. Good job, Sir!”

“Sa laki ng halaga nyan, ang iba siguro ay matutukos talaga kaya proud ako sayo Tatay dahil sa pagiging honest mo.”

Isang magandang patunay ang magsasakang si Mando na marami pa rin talagang matatapat na tao sa mundo. Hindi lahat ay basta-bastang nasisilaw sa halaga ng pera, may mga tao pa rin na pipiliing gawin ang tama katulad niya.

Credit: Facebook / Pcr Tublay

Kahit pa Pasko noong araw na napulot niya ang pera at pwede nya itong gamiting pambili ng handa at mga regalo para sa kanyang pamilya ay hindi niya ginawa. Mas nanaig kay Mando ang kabutihan ng kanyang puso at pagiging matapat. Hindi niya rin maaatim na gamitin ang perang hindi kanya para sa kanyang pamilya. Gusto niyang ipagdiwang ang Kapaskuhan na may malinis na puso.

Tunay na magandang halimbawa at inspirasyon ang magsasakang si Mando. Ipinakita niya sa lahat na kahit salat sa buhay ay kaya pa ring maging mabuti at matapat. Hindi dahilan ang kahirapan upang magnakaw at magsinungaling. Nawa ay marami pang katulad ng magsasakang si Mando.


Leave a Reply

%d bloggers like this: