Lolang Nakaratay sa Higaan, Nanawagan sa 7 Anak na Dalawin at Tulungan Siya

Mahirap para sa isang ina ang mamuhay ng mag-isa sa kabila ng pagkakaroon ng maraming anak. Nakakalungkot isipin na pagkatapos ng kanyang paghihirap na buhayin at palakihin ang mga ito ay nagawa pa rin ng mga anak na hayaan siyang mamuhay mag-isa sa kabila ng kanyang sakit na stroke.

Nito lamang ay nag-viral sa social media ang video at mga larawan ng isang matandang babae na nakahiga sa sahig ng kanyang munting kubo. Makikita ang matandang babae sa nakakaawang sitwasyon nito na bukod sa matanda na ay mayroon pa itong stroke. Si Lola Maria Mina Delapina Fernandez ay labing-anim na taon na umanong namumuhay mag-isa at nakahiga sa sahig ng kanyang kubo dahil sa sakit na stroke. Siya ay 61-anyos na nakatira sa Binao-Bao Tabucan Dumangas, Iloilo.

Credit: Facebook / Zarraga News Live Station

Nakakadurog ng puso ang sitwasyon ni Lola Mina na ibinahagi sa Facebook Live ng Zarraga News Live Station. Makikita sa video na ang kanyang munting kubo ay halos tagpi-tagpi na at madami ng sira at butas, ngunit walang nag-aayos nito dahil nga walang kakayahan si Lola Mina. Bukod pa dyan ay halos wala ring gamit sa bahay si Lola Mina na maski ang simpleng kama na kanyang mahihigaan ay wala rin kaya naman nagtitiyaga siya sa paghiga at pagtulog sa sahig ng kanyang kubo.

Sa pamamagitan ng Facebook live ng Zarraga News Live Station ay nagbigay ng mensahe si Lola Mina para sa kanyang pitong mga anak. Nanawagan siya sa mga ito na sana ay madalaw at matulungan siya dahil siya ay may sakit na at nangangailangan ng pangangalaga at atensyong medikal.

Credit: Facebook / Zarraga News Live Station

Humingi rin ng patawad si Lola Mina kung sakali man daw na may nagawa siyang masama sa mga anak na naging dahilan kung bakit siya inabandona ng mga ito. Kung ano man daw iyon at hinihingi niya nga pasensya at sana ay mapatawad na siya. Bilang isang ina, grabe ang pangungulila na nararanasan ni Lola Mina para sa kanyang pamilya dahil sa tagal ng hindi niya ito nakakasama.

Humiling din si Lola Mina sa netizens na sana ay mabigyan siya ng tulong para sa kanyang araw-araw na pagkain at gamot. Gustuhin man niyang maghanapbuhay para sa sariling pangangailangan ay hindi niya na ito magawa dahil hindi na siya makagalaw at tanging paghiga na lamang ang nagagawa niya sa sakit na stroke.

Credit: Facebook / Zarraga News Live Station

Hindi naman nabigo si Lola Mina at Zarraga News Live Station dahil matapos mag-viral ang Facebook live ay bumuhos ang mga tulong para sa kanya. Maraming nagpaabot sa kanya ng mga groceries tulad ng isang sakong bigas, mga biscuit, malilinis na galong may tubig, gatas, alcohol at marami pang iba na magagamit niya sa araw-araw.

Bukod pa diyan ay nangangailangan rin umano siya ng kamang mahihigaan. Mahirap para sa isang matandang tulad niya na may stroke ang humiga lamang sa sahig ng kanyang kubo kung saan ay malamig, matigas at hindi kumportable. Kung iisipin ay napakahirap talaga nito para kay Lola Mina at nakakamanghang natiis nya ito ng maraming taon lalo na at may sakit pa siyang iniinda.

Credit: Facebook / Zarraga News Live Station

Isa pang nakakatuwa sa mga natanggap ni Lola Mina ay ang kanyang pangarap na kama, na sinamahan pa ng electric fan upang mas maging kumportable siya sa kanyang paghiga at pagtulog kahit mainit ang panahon. Hindi lang yan, meron ding nagpaabot sa kanya ng wheel chair upang magamit niya sa paglabas, upang kahit papaano ay hindi lang siya magdamag na nakahiga sa kama at maari siyang makalabas ng kanyang kubo gamit ang wheel chair.

Lubos ang pasasalamat ni Lola Mina sa mga mabubuting netizens na nagbigay sa kanya ng tulong dahil napakalaking bagay na ito para sa kanya upang makaraos sa araw-araw. Nagpapasalamt rin siya sa Zarraga News Live Station na naging daan upang maibahagi ang kanyang sitwasyon at makahingi ng tulong.

Credit: Facebook / Zarraga News Live Station

Maging aral sana ito sa lahat lalong-lalo na sa mga anak na sana ay maging mabuti at mapagmahal na anak sa kanilang mga magulang. Matutong tumanaw ng utang na loob, kahit ang simpleng pag-aalaga sa kanila ay malaking bagay na para ipakita ang ang pagiging mabuting anak at pagtanaw ng utang na loob para sa lahat ng paghihirap at sakripisyo na ginawa nila.


Leave a Reply

%d bloggers like this: