Si Francine Diaz o mas kilala sa tunay na buhay bilang Francine Carrel Saenz Diaz ay ipinanganak noong January 27, 2004 sa Manila, at kasalukuyang labing-walong (18) taong gulang na. Si Francine ay may limang kapatid at ang mga ito ay sina Chantal, Cameron, Carmela, Courtney at Eisa.

Mahilig si Francine magbasa ng libro and she admitted being an introvert kaya naman lagi siyang tahimik tuwing may shooting sila. Taong 2015 nang magsimula siya bilang young commercial model at endorser. Nag-e-endorso sya ng mga beauty at cosmetics products, clothing brand at mobile phone through her social media accounts. At nang sumunod na taon naman ay nagsimula siya sa ilalim ng Star Magic.

Francine took minor roles on television and portrayed younger roles of characters in several teleseryes. Her first notable television role was Tintin Alcantara in ABS-CBN television series The Greatest Love. 2018 nang nagsimula siyang mapansin ng publiko dahil sa unang leading role bilang Cassandra Mondragon sa TV series na Kadenang Ginto. Sa kasalukuyan, si Francine ay nali-link sa kanyang on screen partner na si Kyle Echarri with a loveteam name Kycine.

Ikinwento ni Francine ang naging buhay nila noon bago siya mag-artista. Ayon sa dalaga, dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay, literal na masasabing isang kahig, isang tuka na humantong sa sitwasyong lagi silang napuputulan ng tubig at kuryente. Nalubog din sila sa utang. Dinanas din nila na magpalipat-lipat ng bahay dahil hindi na kayang bayaran ng kanyang mga magulang ang renta. Lahat ng pagsubok na naranasan nila ay naging inspirasyon ni Francine upang abutin ang kanyang pangarap na maayos na pamumuhay.

Sa murang edad ay namulat silang magkakapatid na hindi lahat ng kanilang gustuhin ay makukuha ng mabilisan lalo sa estado ng buhay nila noon. Kahit musmos pa lamang ay naisip na ni Francine na kailangan niyang magtrabaho para matulungan ang kanilang magulang. Bata pa lang si Francine noon ay mahilig na siyang umarte sa harap ng salamin at nang magsimula siyang maging model ay doon niya napagtanto na gusto niya na talaga maging artista.

Hiniling niya noon na sana ay magkaroon siya ng project or kahit maliit na role lang o kaya naman mag-extra siya ay okay lang basta ang mahalaga lang sa kanya ay may maiuwi na pera sa kanyang pamilya. Ang pangarap kapag sinamahan ng sipag at tiyaga tiyak na makakamit mo kahit pa mabagal lang ang pag-usad.
Thankful si Francine dahil yung mga iniisip niya noon na hindi niya kayang gawin ang siyang naging instrumento para maiahon niya ang kanilang pamilya sa kahirapan. Sa ngayon ay siya ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya. Sabi nga na pagkatapos ng unos ay masisilayan mo na ang kapayapaan na iyong inaasam-asam.

Nitong nakaraang buwan ay ipinagdiwang ni Francine ang kanyang 18th birthday. She made her debut as young Erich Gonzales in the television drama Be My Lady. Mababakas sa mukha ng dalaga na sobrang saya niya dahil finally na-achieved na niya yung goal niya for her love one’s at sa kanyang kaarawan na marami ang nakibahagi.
The value of life does not depend upon the length of time on this earth, but rather on the amount of love given and shares to the people we care about.