“Proud Papa!” Amang Delivery Rider, Ibinandera ang Pagtatapos ng Anak bilang Cum Laude

Hanggang saan aabot ang pagka-proud mo? Paano mo pinapakita ang kasiyahan mo at kung gaano mo ipinagmamalaki ang isang bagay o tao? Kaya mo ba itong ipagsigawan sa buong mundo? Dahil yun lang naman ang halos gawin ng isang ama matapos malaman na nagtapos ang kanyang anak bilang Cum Laude.


Nito lamang ay nag-viral ang isang larawan sa social media matapos makuhanan ng litrato ang isang delivery rider na may nakasabit na larawan ng kanyang anak sa leeg at may mga katagang nakalagay na “PROUD PAPA” at “CUM LAUDE”.

Credit: Facebook/Kapuso Mo, Jessica Soho


Nakilala ang delivery rider na si Elmer Mallanao na isang food delivery rider gamit ang bisikleta. Ang kanyang anak naman na si Sophia ay nakapagtapos nito lamang Agosto sa Rizal Technological University sa kursong Bachelor of Science in Business Administration – Major in Financial Management bilang Cum Laude.


Hindi maipagkakaila ang lubos na kagalakan ng delivery rider na ito sa kanyang anak na halos ipagsigawan niya na sa buong mundo ang kanyang pagka-proud.


“Proud Papa here! Gusto kong isigaw sa buong earth! Congratulations! Cum Laude!” saad ng amang si Elmer.

Credit: Facebook/Kapuso Mo, Jessica Soho


Kwento ni Elmer noong nalaman niyang magtatapos ang kanyang anak ay sobrang saya niya na daw at gusto niyang malaman ng lahat na napagtapos niya ang kanyang anak. Ngunit hindi niya inakala na may bonus pa pala, dahil hindi lang simpleng pagtatapos ang regalo ng kanyang anak na si Sophia kundi isa rin itong Cum Laude na mas lalong ikinasaya ni Tatay Elmer.


“Nung nalaman kong ga-graduate na yung anak ko, gusto ko talagang ipaalam sa lahat! Siya kasi ang kauna-unahang nakapagtapos ng kolehiyo sa pamilya namin. May bonus pa… Cum Laude! Masayang-masaya ako!”


Gusto niya umanong ipa-tarpaulin ang graduation photo ng kanyang anak ngunit wala daw siyang pera kaya naman ay pina-print na lamang niya ito at pina-laminate. Ang isa ay nilagyan niya ng butas at tali at sinabit niya sa kanyag leeg habang siya ay nagdedeliver para makita ng mga tao sa paligid, at ang ikalawang larawan naman ay inilagay niya sa food delivery bag niya.


“Sabi ko, magpagawa ako ng tarpaulin. Nakita ko kasi yung litrato niya sa cellphone. Kaso wala akong pera. Pina-print ko na lang yung litrato niya tapos pina-laminate ko yung isang piraso. Nilagay ko sa bag yun at ginawa kong ID,” kwento ni tatay Elmer.

Credit: Facebook/Kapuso Mo, Jessica Soho


Umani ng maraming reaksyon at komento ang larawan ni Tatay Elmer mula sa mga netizens. Marami ang natuwa sa kanyang pagka-proud at binati siya. Marami rin ang napa-sana all dahil napakabait daw na ama nito.


“Congratulations tatay at sa anak mo. Pareho po kayong nakaka-proud.”


“Nakakatuwa naman, makikita mo talaga gaano niya kamahal ng kanyang anak. Sana all.”


“Dahil sa pagsusumikap ni Daddy at hindi pagsuko kaya siya na-bless na magkaroon ng masipag at matalinong anak.”


“Thank you sa kanyang anak at hindi sinayang ang paghihirap ng kanyang Tatay.”


“Hindi lang pinagsigawan, pinagkalat pa talaga ni Tatay. Kung may ganya din akong anak baka ganyan din gawin ko.”


“Ang galing! Sana maging inspirasyon ‘to sa mga kabataan na mag-aral ng mabuti at ‘wag balewalain ang paghihirap ng magulang. Salute Tatay!”


Masaya rin ang anak ni Tatay Elmer na si Sophia na napasaya niya ang kanyang ama. Gusto umano niyang masuklian ang paghihirap ng kanyang Tatay kaya nagsumikap talaga siya sa pag-aaral.


“Nakakaproud po na na-achieve ko yun at napasaya ko rin ang Papa ko. Sobrang importante po kasi nu’n para sa akin. Kasi kahit mahirap ang buhay namin, kinaya niya po. Gusto kong masuklian ‘yung lahat ng saripisyo niya sa aming magkapatid,” saad ni Sophia.


Ang kwentong ito ni Tatay Elmer at Sophia ay nagbigay inspirasyon sa maraming netizens. Bilang isang ama, responsibilidad mong mapag-aral ang iyong anak kahit gaano kahirap ang buhay ay dapat na magpatuloy para mabigyan sila ng magandang kinabukasan.


Bilang isang anak naman, isa sa pinakasimpleng magagawa para sa magulang ay ang mag-aral ng mabuti upang hind masayang ang paghihirap ng magulang. Hindi hadlang ang kahirapan upang hindi mag-aral ng mabuti. Malaking bagay talaga para sa mga magulang na makita nila ang kanilang mga anak na makapagtapos at may patutunguhan sa buhay.


%d bloggers like this: