Amang Nanginginig Sa Lamig, Hindi Nagpatinag Sa Ulan Makabenta Lang Para May Maiuwi Sa Pamilya

Noon pa man ay alam na nating marami sa mga kababayan natin ang naghihirap. Marami ang nagtitiis sa maliit na kita may maiuwi lamang sa pamilya. Mga magulang na handang isakripisyo ang lahat maibigay lamang ang pangangailangan at kagustuhan ng mga anak. Mas lalo pa itong naging mahirap para sa kanila ng dumating ang isang malaking pagsubok na hanggang sa ngayon ay kinakaharap pa rin hindi lamang sa ating bansa kundi ng buong mundo.

Credit: Facebook / Cindz Mallari-Rodriguez

Dahil maraming mga bagay ang ipinagbawal, mas naging mahirap para sa mga noon ng mahirap na kumita ng pera pangtustos para sa kanilang mga pangangailangan. Isa sa mga ito ang amang nagtitiis ng lamig sa maulan na panahon para kumita ng kakaunting pera upang may maiuwi sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagtitinda ng kamote.

Credit: Facebook / Cindz Mallari-Rodriguez

Marami ang naantig ang puso sa istoryang ito ni Tatay na ayon kay Cindz Mallari-Rodriguez na kahit basa na ito sa ulan ay hindi pa rin nagpatinag makabenta lamang ng kanyang panindang kamote. Sa kabila ng pagod at lamig ay patuloy pa rin ang pagtitinda ni Tatay para sa kanyang pamilyang umaasa sa kanya. Tunay nga na ang pagmamahal ng isang magulang ay walang katumbas. Handa nilang gawin ang lahat magampanan lamang ang pagiging mabuti at maaasahang magulang ng kanilang mga anak.

Credit: Facebook / Cindz Mallari-Rodriguez

Makikita din sa ibang larawan na may isang lalaki ang lumapit at bumili ng paninda ni Tatay na kinilala bilang ama ni Cindz. Ayon dito, pinakiusapan ni Cindz ang kanyang ama na bumili kay Tatay at huwag ng hingiin pa ang sukli upang kahit papaano ay makatulong pandagdang ni Tatay sa kaniyang maiuuwi sa kanyang pamilya.

Kahanga-hanga ang sakripisyong ginagawa ni Tatay na sa kabila ng masamang panahon ay imbis na umuwi at magpahinga’y kaniyang pinili na maghanapbuhay kahit pa alam niyang maaari lamang siyang magkasakit dahil sa ulan at sa krisis na lumalaganap hanggang sa kasalukuyang panahon.

Credit: Facebook / Cindz Mallari-Rodriguez

Isa lamang si Tatay sa mga taong gagawin ang lahat para lang mapagsilbihan ang kanyang pamilya. Walang makakahadlang sa mga taong ito kapag pamilya na nila ang usapan. Napakaswerte nga natin sa ating mga magulang na patuloy pa rin tayong tinataguyod sa gitna ng pandemyang ito. Wala sa kanila ang takot dahil ang pag-ibig nila sa atin ay sapat na para bigyan sila ng lakas at tapang para sumulong sa ganitong mapanganib na gawain. Marapat nga silang ipagmalaki, hindi sasapat ang lahat ng salita para sila ay pasalamatan. Pero para sa kanila sapat na busog at ligtas ang kanilang mga mahal sa buhay. Isang pagsaludo para sa mga Tatay at Nanay natin!


One response to “Amang Nanginginig Sa Lamig, Hindi Nagpatinag Sa Ulan Makabenta Lang Para May Maiuwi Sa Pamilya”

  1. mayorvivienyahoocom Avatar
    mayorvivienyahoocom

    kakabagbag damdamin. pero saludo din ako sa amang ito… sya pa rin ay naghahanapbuhay nang marangal

Leave a Reply

%d bloggers like this: