Anak ng Magsasaka, Nasungkit ang Full Scholarship sa America Dahil sa Angking Talino

Hindi matawaran ang pagiging proud ng isang amang magsasaka matapos matanggap ang kanyang anak na lalaki sa isang unibersidad sa America. Hindi lang basta natanggap ang kanyang anak kundi nakakuha ito ng full scholarship kung saan nga ay libre ang buong apat na taon na pag-aaral nito sa kolehiyo.

Si Tatay Alner Alogon ay isang simpleng magsasaka mula sa Sigma, Capiz. Ang tanging hangad niya lamang ay mag-aral ng mabuti ang kanyang anak na si Aldrean Paul Alogon, at makapagtapos ito ng kolehiyo upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Credit: Facebook / Aldrean Paul Alogon

Dahil simpleng magsasaka lamang si Tatay Alner at payak lamang ang kanilang buhay ay hindi niya naisip na magkakaroon ng pagkakataon na makapag-aral ang anak sa isang sikat na unibersidad sa America. Bata pa lamang ay nakitaan niya na ng angking talino ang kanyang anak na si Aldrean, at talagang masipag ang anak sa pag-aaral kaya maituturing talagang biyaya ang natanggap nitong full scholarship.

Ang anak na si Aldrean Paul ay nakapagtapos ng high school sa Philippine Science High School-Western Visayas Campus. Hindi ito nagpatinag sa mga kapwa estudyante na mas matalino at mayaman, sa halip ay mas nagsumikap pa siya sa kanyang pag-aaral. Hindi naman siya nabigo dahil isa siya sa mga natanggap sa US Liberal Arts School Wesleyan University.

Credit: Facebook / Aldrean Paul Alogon

Katulad ni Tatay Alner, ay hindi rin lubos akalain ni Aldrean na isa siya sa maswerteng makakapasok sa Wesleyan University. Sa dami ng matatalinong estudyante na nag-apply, mapalad siya na napasama sa 11 “exceptionally able students” from certain Asian countries tulad ng bansang Vietnam, Thailand, Taiwan, South Korea, Singapore, Malaysia, Japan, Indonesia, Hongkong, China at Philippines.

Ang magandang balita ay unang nalaman ni Tatay Alner dahil siya ang nakasagot ng tawag. Agad niyang binalita ito sa kanyang anak na sobrang gulat at sobrang saya. Alam niya daw na pinaghirapan ito ng kanyang anak kaya deserve nito ang biyayang full scholarship.

“Thankful po ako, very joyful kasi it was all-expenses paid. Wala nang babayaran yung family ko. World class education na nga tapos libre pa, win-win talaga,” saad ni Aldrean.

Credit: Facebook / Aldrean Paul Alogon

Nagsumikap daw talaga sa pag-aaral si Aldrean dahil iniaalay niya ito para sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina na pumanaw noong 2015 dahil sa malubhang karamdaman. Gusto niya raw na maipagmalaki siya ng kanyang ina kahit wala na ito, na kahit wala na siya ay hindi siya nagpabaya sa pag-aaral at tutuparin ang kanyang pangarap.

“When she passed away, I had to be very independent at saka very open-minded. My mother was very loving of her siblings. Sa anim sa kanila, siya lang yung professional. Nakuha ko po yung mindset ng Nanay ko na kailangan ko po maging selfless kasi napakarami na pong ibinigay sa akin ng Diyos. Biniyayaan ako nang marami,” kwento ni Aldrean.

Credit: Facebook / Aldrean Paul Alogon

Nagpupursige din si Aldrean na mag-aral at makapagtapos dahil gusto niyang maibalik ang biyaya na kanyang mga natanggap sa ibang tao. Gusto niya daw na sa hinaharap ay siya naman ang tutulong sa kanyang kapwa.

“Iniisip ko po lahat ng nangyayari sa akin hindi lang blessing sa akin kundi para ma-bless din po yung iba.”

Dagdag niya pa, “I’m there to learn ang I’m there to acquire knowledge to come back here. I’m thinking of becoming a civic engagement person or a person in the sciences na ang focus talaga is the grassroots.”

Dahil full paid expenses na ang pag-aaral ni Aldrean sa America, ang tanging magagawa na lang ng kanyang ama ay suportahan siya at maghintay ng apat na taon. Ihahatid rin umano siya nito sa airport bilang tanda ng suporta at dahil siguradong mami-miss nila ang isat-isa.

Credit: Facebook / Aldrean Paul Alogon

“Excited na excited nga po siya. Kahit wala kaming pera, sasamahan niya raw po ako papuntang NAIA kasi last na daw namin yung pagkikita in four years,” pahayg ni Aldrean.

Hindi daw sasayangin ni Aldrean ang pagkakataon at biyayang ibinigay sa kanya. Gagamitin niya daw ito sa mabuti at uuwi na may buong pagmamalaki sa ating bansa at kanyang pamilya. Mahirap man dahil malalayo sya sa kanyang pamilya, ay gagawin niya daw itong motibasyon para lalong magsumikap.

Para naman kay Tatay Alner, tiwala daw siya sa kanyang anak na hindi ito magpapabaya. Bilang isang ama ay nag-aalala rin sya dahil ito ang unang pagkakataon na malalayo ng matagal ang anak, ngunit alam nyang para ito sa magandang kinabukasan ng anak. Kaya’t ang tanging magagawa niya na lamang ay sumuporta at maghintay, at sasamahan niya na rin ng pagdadasal na lagi itong ligtas sa America.


Leave a Reply

%d bloggers like this: