Magkahalong gulat at saya ang naramdaman ng isang maswerteng fan nang balikan siya ng aktor na si Jericho Rosales para ibigay ang kaniyang hiling na magpa-picture.
Si Denish Dianne Adriano ay isang saleslady sa California Pizza Kitchen, Edsa Shangrila nang maswerteng nakita niya ang aktor na napadaan sa restaurant. Tuwang-tuwa ang dalaga at agad na humiling ng larawan kasama ito.

Inakala niyang masungit ang aktor dahil hindi siya nito napaunlakan agad sa kaniyang hiling, ngunit pagkatapos ng halos kalahating oras laking gulat ng dalaga ng bumalik ang aktor at ayain na siyang magpa-picture. Ayon sa post ng dalaga sa Facebook ay ito ang nangyari:
Me: “Jericho! Pwede magpa-picture?”
Jericho: “Wait, Ate, may hinahanap lang ako na store.”
Me: “Okay po (nakasimangot, akala ko masungit siya).”
After 30 minutes habang nag-aayos ako ng menus.

Jericho: “Tara na, Ate. Picture na tayo!”
Me: “OMG! Binalikan niya ko! Hahahaha.”
Hindi maalis ang ngiti ng dalaga dahil sa sobrang saya na nakapagpa-picture sa kaniyang celebrity crush na si Jericho Rosales. Kung kaya naman ay hindi niya napigilan na ibahagi ito sa kaniyang Facebook account na umani na ngayon ng mahigit 538k reactions at 53,514 na mga comments.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa naturang post:
“Hala… Den paborito ko sya, ang swerte mo, bait naman ni Jericho.”
“Ang sweet naman niya haha.”
“Grabe ang bait na, ang gwapo pa ni Echo.”
“Down to earth pa din kahit sikat na sikat na, ganyan ang totoong tao.”
“Ang pogi ni Jericho ang bait-bait sobrang simple lang di maarte.”

Ang mga sikat na artista katulad ni Jericho Rosales ay lubhang napaka-busy kahit saan man sila magpunta, mapa-trabaho man o personal na gawain. At kahit sa libre nilang mga araw ay di pa rin maiiwasan na sila ay pagkaguluhan ng mga tao kapag nakita sila ng mga ito. Kaya naman hindi maitatangging napakabait ng aktor para bigyang pansin ang isang fan sa munting hiling nito.

Pinakita ng aktor kung gaano siya ka-down-to-earth at gaano niya kamahal ang mga taong sumusuporta sa kaniya lalo na sa kaniyang mga masugid na tagahanga. Kaya hindi kataka-taka kung bakit maraming netizens ang umiidolo kay Jericho magmula pa man noon hanggang sa ngayon. Kahit hindi na siya madalas makita ngayon sa telebisyon ay hindi parin siya nakakalimutan ng mga tao, hindi lang dahil sa kaniyang angking kagwapuhan kundi dahil na rin sa pagiging mabait nito.

Sa kasalukyan, mayroon ng sariling negosyo si Dianne na kung tawagin ay “Mira’s Pizzeria”. Mukhang ginamit niya ang kaniyang mga natutunan sa dating trabaho upang makapagpatayo ng sariling negosyo at mag-tagumpay sa buhay. Makikita naman sa kaniyang mga posts na siya ay masaya ngayon sa kanyang buhay.

Habang ang aktor naman na si Jericho ay masaya sa kaniyang buhay asawa. Makikita nga sa kaniyang mga instagram posts ang kanilang mga sweet na larawan ng kaniyang asawa na si Kim Jones. Bukod diyan, masaya rin itong nagta-travel sa ibat-ibang lugar mapa-dagat man, bundok o disyerto kasama ang asawa o mga kaibigan nito.