Ang pag-ibig ay walang pinipiling itsura, estado at kalagayan. “Kapag tinamaan ka, tinamaan ka talaga.” Hindi magiging hadlang ano man ang kakulangan ng isat-isa basta’t nagmamahalan. Katulad na lamang ng mag-asawang ito na kinayang suportahan ang kanilang malaking pamilya sa kabila ng kawalan ng paningin.

Ang mag-asawang Marivic at Julius Munoz ay parehong bulag. Sila ay nakatira sa Mabalacat City, Pampanga. Ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng walong anak, ang panganay ay 11-anyos at ang bunso naman ay 3-buwang gulang. Sa kabila ng kakulangan nila ng paningin, hindi ito naging hadlang upang mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang mga anak.

Credit: Facebook / Filipino Portal

13-taon ng mag-asawa sina Marivic at Julius. Pareho silang nagtatrabaho, si Julius ay isang singer at frontliner habang si Marivic naman ay isang masahista. Sa kabila ng kanilang kapansanan ay sinikap nilang makapaghanap buhay at maalagaan ang lahat ng kanilang mga anak ng walang tulong ng ibang tao.

Sobrang proud po ako kasi napapakain kami ng maayos,” saad ng kanilang anak na si Janella. Kahit na parehong bulag sina Marivic at Julius, maswerte naman na ang lahat ng kanilang anak ay may normal na paningin. Ang lahat ay nakakakita at malusog noong ipinanganak.

Nagkakilala ang dalawa noong taong 2005 sa School for the Blind sa Maynila nang ihatid ni Julius ang isang kaklase ni Marivic. Simula noon ay naging malapit na sila sa isat-isa at nabuo ang kanilang pag-iibigan.

Credit: Facebook / Filipino Portal

Subalit hindi pala naging madali ang pag-iibigan ng dalawa at humarap rin sila sa mga pagsubok. Hindi umano sang-ayon ang pamilya ni Marivic sa kanilang relasyon ni Julius kaya naman,l itinanan ni Julius si Marivic sa Cavite patungong Pampanga. Doon sila nagsimulang bumuo ng sariling pamilya, kalaunan ay nakita naman ng pamilya ni Marivic na kaya ni Julius na alagaan ang kanilang anak kaya sumang-ayon na ang mga ito.

Ikinasal sila taong 2007 at nagsimulang magkaroon ng mga anak. Inamin naman ni Julius na bago si Marivic ay nagkaroon pa siya ng relasyon sa ibang babae at nagkaroon ng dalawang anak noong pagka-binata niya. Hindi naman ito naging problema kay Marivic dahil mabait si Julius at mahal niya ito.

Credit: Facebook / Filipino Portal

Samantala, dahil sa nangyaring pandemya ay naapektuhan ag trabaho ng mag-asawa. Nabawasan ang mga nag-iimbita kay Julius na kumanta sa mga pagdiriwang, at si Marivic naman ay nabawasan ang mga customer na nagpapamasahe. Gayunpaman, hindi sila sumuko sa buhay at naghanap sila ng ibang paraan upang kumita at masuportahan ang kanilang malaking pamilya.

Naisipan ni Julius na ipagpatuloy ang kanyang pagkanta sa pamamagitan ng internet. Kumakanta siya online kasama ang kanyang banda na Banda Alyansa Kapampangan, at nagseserbisyo rin siya bilang frontliner sa Sangguniang Panlungsod ng Mabalacat.

Credit: Facebook / Filipino Portal

Malaki rin ang pasasalamat ng mag-asawa sa mga tulong na kanilang natanggap noong panahon na walang-wala sila. Sa kasalukuyan ay unti-onti silang bumabangon at nagsisikap na maghanapbuhay para sa kanilang pamilya.

Pinatunayan nina Marivic at Julius na hindi hadlang ang kakulangan ng paningin upang magkaroon ng sariling pamilya at maitaguyod ang mga ito. Basta’t magkasama sila at nagtutulungan ay makakaya nila ang lahat kahit mahirap man ang buhay.

Ang kanilang motto sa buhay ay ‘Love is Blind” dahil ang pag-ibig nila sa isa’t-isa ay ang dahilan kung bakit sila nananatiling matatag. Bulag man ang kanilang mga mata, malinaw naman ang kanilang pag-ibig para sa kanilang pamilya.


Leave a Reply

%d bloggers like this: