Si Edgar Allan Guzman o mas kilala bilang EA Guzman sa mundo ng showbiz ay isang magaling na aktor at mabuting anak. Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang regalong house and lot para sa kanyang ina—bilang pasasalamat umano sa mga sakripisyo nito sa pagpapalaki sa kanya.

Bilang isang anak, pangarap nating masuklian ang mga sakripisyo ng ating magulang. Ang pagkakaroon ng maayos at magandag buhay ay hindi maitatangging utang natin sa kanila. Hindi man hinihiling ng magulang na masuklian sila sa kanilang sakripisyo, nais pa rin ng mga anak na mapasalamatan ang magulang sa pamamagitan ng pagreregalo dito.

Credit: Instagram / ea_guzman

Isa si EA Guzman sa mga anak na malaki ang pasasalamat sa magulang. Utang niya umano ang tinatamasa niya ngayon sa buhay sa kanyang butihing ina dahil napalaki siya nitong mabuti. Isa sa mga naisip niyang paraan bilang pasasalamat ay ang regaluhan lang naman ito ng house and lot.

Hindi branded bag o mga bulaklak kundi house and lot ang iniregalo ni EA sa kanyang mahal na ina. Kung iisipin ay kulang pa umano ito sa lahat ng sakripisyo at pagsisikap ng ina. Ang kanyang post sa instagram ay may kalakip na caption na “AKO NAMAN, MA” na nangangahulugang pagbawi niya rito.

Credit: Instagram / ea_guzman

Makikita ang pagkagulat at tuwa ng kanyang ina sa kanyang surpresang regalo. Hindi napigilan ng kanyang ina ang umiyak sa sobrang saya at hindi akalain na reregaluhan siya ng kanyang anak ng house and lot. Agad naman na niyakap ni EA ang kanyang ina habang umiiyak ito sa sobrang pasasalamat.

Ayon kay EA ay “dream come true” umano ang regalong bahay at lupa niya sa kanyang ina. Matagal niya ng plano ito at sa wakas ay natupad na rin. Nagsumikap siya sa showbiz at pinag-ipunang mabuti ang regalong ito at sinikap rin na itago sa kanyang ina bilang surpresa.

Credit: Instagram / ea_guzman

Inulan naman ng pagbati mula sa kanyang mga kasamahan sa showbiz ang post ni EA na nagpapahayag ng pagiging masaya para rito.

“Naluha ako!!!!! Congrats EA!” mula sa aktres at host na si Jolina Magdangal.

“Nice one brodieeee!!!” sabi naman ni Julie Anne San Jose.

Credit: Instagram / ea_guzman

“Crying proud of you bro congrats,” komento ni Dianne Medina.

At syempre ang kanyang proud na proud na kasintahan na si Shaira Diaz, “Happy for you, baba!!!!”

Masaya si E.A na nagustuhan ng kanyang ina ang kanyang regalo na nagmula sa kanyang pagsisikap. Patunay lamang ito na lumaki siyang may mabuting puso at pagmamahal para sa magulang. Ang house and lot ay simbolo ng kanyang pagmamahal at pasasalamat para sa kanyang ina.

Credit: Instagram / ea_guzman

Lumaki si EA na may pagmamahal at may komportableng buhay sa piling ng kanyang ina. Ang lahat ng kanyang kailangan at gusto ay ibinibigay nito sa kanya. Sinuportahan rin siya nito sa kanyang karera sa mundo ng showbiz at nagsilbing kanyang number 1 fan. Maliit na bagay lamang ang regalong house and lot para sa lahat ng ginawa nito sa kanya.

Isang inspirasyon si EA sa lahat ng anak na magbigay pasasalamat sa mga magulang. Hindi man sa pamamagitan ng house and lot, kundi pwede naman sa ibang paraan. Ano mang klase ng regalo basta’t galing sa puso ay siguradong masasayahan ang magulang.


Leave a Reply

%d bloggers like this: