Normal sa mga bata ang gumuhit kung saan-saan at parte ng kanilang pagigng bata ang kanilang malikhaing kaisipan kaya naman iginuguhit nila ang anumang maisip. Madalas na sa papel o drawing book sila gumuguhit ngunit iba ang ginawang drawing pad ng batang ito.
Isang bata mula sa Taiwan ang ginawang drawing pad ang puting koste ng kanyang ama. Imbes na siya ay gumuhit sa papel ay nagawa niyang gumuhit sa pinto ng kanilang kotse. Makikita sa mga larawan ang napakaraming guhit ng batang babae na ginamitan ng makukulay na color pens.

Dahil puti ang kulay ng kotse, kitang-kita ang mga iginuhit ng batang babae sa kotse ng kanyang ama. Ibat-ibang klaseng larawan ang kanyang ginuhit: mga tao (pamilya), snowman, aso, puno, pati na rin alphabets.
Ngunit ang nakatawag pansin sa mga netizens ay ang Son Goku na iginuhit ng bata, na ayon sa kanila ang galing umano gumuhit ng bata. Maganda umano ang pagkakaguhit niya sa anime character na si Son Goku. Sigurado daw na may talento ito sa pagguhit.

Noon namang natuklasan ng kanyang ama ang ginawa ng anak sa kanyang puting kotse, imbes na magalit ay natuwa pa ito sa nakita. Kung ang ibang magulang ay magagalit , ang ama na si Mr. Yang ay ipinost pa ang mga larawan ng iginuhit ng kanyang anak na tila ba proud na proud ito.
Ayon kay Mr.Yang hindi niya umano ipapabura ang guhit ng kanyang aak. Magsisilbi daw itong alaala ng kanyang pagkabata at ng kanyang talento. Masaya siya na naging masaya ang kanyang anak habang gumuguhit sa kanyang puting kotse.

Marami namang netizens ang natuwa sa naging reaksyon ng ama na si Mr. Yang, mabuti naman daw at hindi pinagalitan ang bata o pinalo. Bihira lamang daw ang mga magulang na susuportahan ang ginagawa ng anak kaya bumilib sila kay Mr. Yang.
Maaari pa naman daw ipalinis ni Mr. Yang ang kotse kung magbago ang isip niya at bigyan na lang ng drawing pad ang anak para hindi na maulit ang pangyayari. Hindi rin napigilan ng ibang netizens ang magbahagi ng kanilang sariling karanasan patungkol sa pagguhit ng kanilang mga anak sa kung saan-saan.

“Normal lang talaga sa bata mag-drawing kahit saan, minsan kasi pag may gusto sila i-drawing hindi na sila naghahanap ng papel kung saan na lang nila gusto.”
“Pag may ganyan kang anak na pala-drawing kahit saan, dapat mahaba ang pasensya mong magulang at masipag kang maglinis ng drawing nila.”
“Ganyan din anak ko, sa pader at sa sahig puro drawing ng crayons at minsan pentel pen.”
“Pag nag-drawing ung bata sa kahit saan pagsabihan na lang sila at bigyan ng papel sa susunod para di na maulit. Mahirap rin kasi magbura ng mga drawing nila.”

Makikita naman sa bata ang talento nito sa pagguhit, sa tulong ng tamang suporta ay maaari daw itong maging magaling na artist. Maswerte ang bata sa kanyang ama at suportado siya nito, patunay lang na mahal na mahal niya ang anak.
Bilang isang magulang, hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng mga kakulitan ang mga bata. Parte ng kanilang paglaki ang gumawa ng mga kung ano-anong bagay, maski ang pagguhit sa kung saan-saan.
Kailangan lang ng mga tamang paggabay at suporta upang lumaki sila ng maayos. Imbes na pagalitan o pagbuhatan ng kamay ang mga bata, pagsabihan na lang sila at turuan, isa ito sa mga paraan ng pagiging isang mabuting magulang.